Chapter 12: Halaga

203 6 1
                                    

VICE'S POV

"Jakiiii! Bihis ka na ba? Ang tagal mo na dyan sa kwarto eh!"


"Saglit nalang 'to ate Madsuuuuuy!"






"Sorry ate Vice.. Etong si Jaki kasi eh"




"Okay lang yun ano ka ba"








Nandito kasi ako ngayon sa unit ni Jaki dahil nga sabi ko, pupuntahan ko sila dito sa unit niya.




Hindi na kami natuloy umalis dahil malakas ang ulan.








Pagkalabas naman ni Jaki sa kwarto niya, naka black oversized tshirt siya at shorts na maikli.






"Jusko. Yan lang pala susuotin mo, nagtagal ka pa sa kwarto!"







Napansin ko naman na parang mugtong mugto ang mga mata niya.






Pumunta naman siya sa kusina para kumuha ng pagkain namin.









Sinundan naman siya ni Madc.




Hindi ko mapigilang mag-alala para kay Jaki. Umiyak ba siya?











Nang bumalik na si Jaki dito sa sala kung nasaan ako, tinignan ko siyang maigi.







Umupo siya sa may tabi ko.













"Jaki, are you okay?"



"Oo naman. B-bakit?"




"Talaga? Parang hindi eh."






"Hindi ah. Okay lang ako ano ba! Hahahaha"








Ngumingiti siya pero alam ko namang fake smile lang yun.






"Ay.. Wait lang may nakalimutan akong kunin sa kusina. Ate Madsuuuy samahan mo muna ako"




"Wait lang, Vice ah. Dyan ka muna."




"Sige lang, Jaki. :)" tugon ko.












In-on ko naman ang tv para may magawa ako. Iniwan kasi nila akong mag-isa..












Nakakabagot.








Sobra na akong nababagot kakanood ng telebisyon kaya napagdesisyonan ko na sundan si Jaki at Madc sa kusina.















"Ate Madc.. Ayoko na.. Tangina, ginago niya ako!" Dinig ko ang paghahagulgol ni Jaki.






"Shhh... Jaki. Tahan na.."





Niyakap ni Madc si Jaki.






Nanlaki naman ang mga mata ni Jaki nang makita niya ako. Kumalas siya sa pagkakayakap nila ni Madc at agad na tumalikod at nagpunas ng luha.







"Jaki, si Vice lang naman yan eh.."








Nang matapos siyang punasan ang luha niya, humarap na ulit siya sa akin at ngumiti.






"Uy.. Sorry.. Ahh, eto na pala yung nakalimutan ko. Teka lang ha."










"Ate Vice, wait lang ha.. kunin ko lang phone ko."
Wika ni Madc.



Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon