Chapter 8: Happy Birthday

245 4 1
                                    

JAKI'S POV

8:30 PM

Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Nag-iisip.

Ngayon ko lang napagtanto na.. Dapat, maging kuntento ako. Maging kuntento na kasama ko ang pamilya ko at buo kami ngayong kaarawan ko.

Kahit wala si Tom.. Dahil busy.. Basta nandito sila Mama,Papa, sila Kuya, mga kaibigan ko, dapat masaya ako.

Pero syempre, di ko maiwasang magtampo.

Parehas lang naman kaming nasa Pilipinas pero bakit parang feeling ko ang layo layo naming dalawa sa isa't isa?







Hay. Tama na, Jaki. Magbbirthday ka. Wag puro drama.







"Jaki! San cake mo, teh" Pang aasar nanaman ni Kuya Jay na bigla biglang pumapasok ng kwarto ko nang hindi kumakatok.

"Kuya! Kapal naman ng mukha mo. Birthday mo?!"


"Gutom na ko. San handa mo?" Sabi naman ni Kuya Bryan.

"Kakapal ng libag niyo. Magsilayas nga kayo sa kwarto ko! May sari sariling mga kwarto eh.."


"Joke lang, bebe girl namin."


"Ano ka ba, di na baby yan. 24 na yan eh. Yieeeeut! Gurang ka na, Jaki!"


"Ewan ko sainyo. Lumayas nga kayo!"






"Sige lalayas kami basta may pagkain tayo bukas ha? Wala nang bawian yan. Pag wala talagang handa bukas, Tamo Jaki kokotongan kita. HAHAHAHA BYE!"  Siraulo talaga tong si Kuya Cedric. Sarap sapakin eh.




Sinara naman nila ang pinto at umalis matapos nilang manggulo.










Inaantok ako.





Matulog na kaya muna ako?












Binuksan ko naman ang aircon at tv sa kwarto ko.





Nilalabanan ko lang ang antok ko. Pero gustong gusto na talagang bumagsak ng mga mata ko.



























THIRD PERSON'S POV

11:43 PM

Malapit nang mag alas dose pero tulog pa rin si Jaki. Hindi niya na nalabanan ang antok niya kahit nakabukas ang tv, kaya nakatulugan niya ito.






Abala naman ang mga magulang at Kuya ni Jaki sa baba na nagluluto at nag-aayos ng bahay para sa sorpresa nila kay Jaki.






"Si Tom kaya? Pupunta pa? Eh 11 na." Pagaalala naman ni Mommy.




"Ewan ko ba dun sa lalaking yon. Eh kahit ako eh naiinis na rin dun. Aba eh, parang wala siyang nobya. Palaging andon sa tatay niya" tugon naman ng Tatay ni Jaki.








"Pa, wag ka magpaka-ano dun sa gunggong na yun. Basta mag-enjoy lang tayo ngayong birthday ni Jaki. Ha?" Tugon ni Kuya Jay.










"Jay! Umayos ka ngang bata ka! Yang bibig mo.." pananaway naman ng nanay ni Jaki.














Si Tom naman ngayon ay nasa daddy niya. Gustohin man nitong pumunta sa nobya ay hindi niya ay hindi niya magawa.




























Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon