VICE'S POV
11:30 AM
Ang sama ng pakiramdam ko.
Nagising ako at naramdaman ko na masakit nanaman ang ulo ko. Mukhang matagal nanaman akong mawawala sa showtime. Hindi pa rin kasi ako gumagaling.
Mukhang mahaba-haba ang naitulog ko. Buti naman.
Nakita ko naman ang phone ko. Nadaganan ko nanaman, nakatulugan ko ata kagabi.
Pagka-bukas ko..
Nakita ko ang pangalan ni Jackie.
O.O
Punong puno ng pangalan ni Jackie ang phone ko. Ang dami niya palang texts sakin. Hindi ko nabasa.
--
9:30 PM
Jackie: Ate Viceeee!
Jackie: Replyyyy
Jackie: Halaaaa. Tulog ka na ba??
Jackie: Gising ka pa ba?
Jackie: Ate Vice?--
Luh?
Naisipan ko namang replyan si Jackie. Baka kasi importante yung sasabihin niya.
--
11:35 AM
To: Jackie
Good Morning! Sorry di kita nareplyan kagabi. Bakit ka ba nagtetext?--
Matapos 'kong replyan si Jackie, ni-charge ko muna ang phone ko at bumaba para kumain.
Pagkababa ko naman, nagulat ako nang makita ko si Zeus na nakaupo sa sofa.
Si Zeus ay isang member ng hashtag. Poging-pogi ako dito eh. Ang hot nito sumayaw. Sinubukan ko naman siyang landiin noon, kaso wala eh. Babae talaga ang gusto niya.
"Ayyyyyyyyy! Bebe Zeus! Bat ka andito?" Tumili ako at niyakap siya.
"Viceee! Dinaanan lang kita kase sabi nila Anne may sakit ka eh."
"Awww. Ang sweet mo naman. Lab mo 'ko no?" Pagpapa-cute ko sabay pisil sa ilong niya.
Naka-ngiti lang siya sakin habang nilalandi ko siya. Halatang hindi siya komportable. Vaklang to.
"Brad naman! Nilalambing lang kita eh!" *husky voice* Sabi ko naman bago ako lumayo sakanya.
"HAHAHAHAHA siraulo ka,Jose."
What?! Tangina ang sagwa ng Jose! Yuck!
"Hoy! Pota ka nakaka-offend yung Jose ah. Kotongan kita diyan eh!"
"Ay--"
Nagulat naman kaming dalawa dahil biglang lumapit sa amin si Chip In. Yung aso ko.
Kinuha ni Zeus si Chip In at kinandong ito sakanya.
"Sana all." Sabi ko naman habang nakatitig kay Chip In.
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"HAHAHAHAHAHA! Makakahanap ka rin ng kakandong sayo."
"Ikaw nalang kasi! Bat ba di pwedeng ikaw nalang!"
"Kasi, alam ko na may isang tao na mas makakapagpasaya sayo. Yung makakapagbigay ng tunay na kasiyahan sayo. At hindi ako yun, Vice. Alam mo naman kung ano ang gusto ko." Seryosong sabi naman ni Zeus kaya ako napatigil.
"Eh ano bang gusto mo?"
"Simple lang. Ang magkaron ng sariling pamilya, magkaron ng magagandang anak. At syempre, ang mapakasalan siya.." tugon ni Zeus habang nakangiting nakatingin kay Chip In.
![](https://img.wattpad.com/cover/159104986-288-k218171.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw At Ako Pa Rin (ViceJack)
Hayran KurguSa hindi inaasahang pagkakataon, mahuhulog pa ba ang loob ng isang Vice Ganda sa isang babae? Posible pa kayang magbalik-loob siya?