3rd subject na ako ng pumasok ako sa school.
Bakit ganito ‘tong mga kaklase ko? Palagi na lang nila tinatakot na hinahanap ka eka ni Ma’am ganire. Lagot ka eka di ka pumasok kanina. Una, wala akong pakialam. Pangalawa, buhay ko ‘to. At pangatlo, gwapo ako.
Hahahahahahaha!
Ay! Di pa pala ako nagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Dom, ‘yun tawag sakin ng mga kaibigan ko, kaya yun na lang itawag niyo sa akin. Okay? Okay.
“Hayop ka pare! You’re so early for the 3rd subject! Saang butas ka na naman ba lumusot?”
Nahayop pa ako, no? Hahahaha! ‘Yan! Siya si Alfred. Akala mo kung sinong malinis, eh ngayon lang naman yata siya pumasok ng maaga. Hahahahaha! Laging cutting tapos laging late. Wala eh.
“Wala ka na dun!”
Umupo na ako.
“Nam-babae ka na naman siguro, no?”
“Ulol, ‘wag mo ako igaya sa’yo.”
“Aba! Pag nakabuntis ka! Bahala ka!”
“Matakot ka pag ako ‘yung nabuntis.”
Di ko alam kung bakit ganito. ‘Pag sinabing Dom Manuzon, laging kadikit non, BABAERO, CHIC BOY, TIMER, MANLOLOKO, ‘DI SERYOSO. ‘Di kasi nila alam, nagmahal ‘din ako ng totoo, kaso sinaktan lang ako. Nagseryoso ako, pero sinayang niya ako. Tapos sasabihin niyo, LALAKI lang ang MANLOLOKO, at DI SERYOSO. Hustisya naman!!!
Nagmahal ako ng totoo. Siya ‘yung babaeng nakita ko sa pedestrian lane.
Nakasuot siya ng school uniform. Bagay na bagay sakanya yung puting blouse at black skirt na bago mag tuhod ang haba, isama mo pa ‘yung buhok niyang wavy at mata niyang may ibang kinang.
Ilang inches lang ang layo niya sa akin. Habang tumatawid kami sa pedestrian lane, naaamoy ko ‘yung pabango niya.
“Wait! Parang kilala ko ‘to eh.” Sabi ko sa sarili ko.
Tinitigan ko lang siya hanggang makatawid kami.
“Are you lost?” Sabi niya.
Natatameme ako.
“First year ka dito, no? Doon ‘yung building niyo.” Sabay turo sa direksyon na sinasabi niya.
“AHH!!! Oo, kilala ko nga siya! Si Abby.”
Then she’s gone.
Nakakatawa talaga ‘yung tadhana eh. Kung kalian naalala ko na kung anong name niya. Tapos biglang nawalang parang bula. Hys.
BINABASA MO ANG
Pedestrian Lane (One Shot)
Teen FictionPagmamahalang nag-umpisa sa isang Pedestrian Crossing... at saan naman 'to magwawakas? READ NOW!