Chapter Five

18 0 0
                                    

Paggising ko kaninang umaga, nasa bahay na ako. Teka! Paano ba ako naka-uwi? Hays. Ang sakit ng ulo ko. Punyetang hang over ‘to.

Lumabas ako ng kwarto.

Nandoon si Mama…

“Anak, mag-kape ka muna.” Sabi niya.

“Okay lang po ako, Ma.” Sabi ko at umalis ako ng bahay.

Minsan, naaawa na lang ako kay Mama lalo na pag nadidinig ko siyang umiiyak tuwing gabi. Niloko kasi siya ni Papa. Pinagpalit ba naman sa balyena. Eh ang sexy-sexy ni Mama.

Sabi ko noon, hinding-hindi ko tutularan si Papa…

Pero sa ginawa ko kay Abby… parang naging ako si Papa.

*BOOM*

Pagka gising ko, nasa ospital na ako. Nasa gilid ko si Mama at naka-upo naman si Ate dun sa may gilid.

“Dom, anak? Okay ka na ba? May masakit pa ba sa’yo?” Nag-aalalang tanong ni Mama.

“Okay na po ako, Ma. Ano po bang nangyari?”

 

“Shunga ka kasi. Tatawid na lang magpapabundol pa.” Epal na sagot ni Ate.

“Anak, ano bang nangyayari sa’yo? May problema ka ba?”

 

Nakakahiya.

Kalalaki kong tao, umiiyak ako.

“Ma, nung nasasaktan kayo ni Papa, alam niyo po, galit na galit ako sakanya. Ayoko pong nakikita kayo na gabi-gabi eh umiiyak ng dahil sakanya. Ma, gusto ko lang mag-sorry kasi ginaya ko si Papa. Sorry po kung nasasaktan at nasasagot ko kayo minsan. Ma, ang tanga ko pala. Iniwan ko ‘yung babaeng mahal na mahal ko dahil lang sa mga maling akala… Ngayon, masaya na siya sa iba, nasasaktan naman ako. Galit na galit po ako sa sarili ko, gusto ko na pong mamatay.”

 

Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

Pati si Mama, naiiyak na din.

“Shhh! Wag mong sinasabi ‘yan.” Sabi ni Mama at pinunasan ang mga luha ko. “Nakasakit ka man o ikaw ang nasaktan, kailangan mo talagang magpatawad. Nangyari na ang lahat, nasaktan na kayo. Ngayon, dapat maging masaya ka na lang para sakanila. Kahit mahirap. Baka kaya hindi kayo ang para sa isa’t-isa kasi may nakalaan si God na karapatdapat sa’yo.”

 

Tama siguro si Mama. Kung hindi kami ang para sa isa’t-isa, 101% sure, may nakalaang iba para sa akin. At hihintayin ko na lang siyang dumating para sa akin.

Pedestrian Lane (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon