Chapter Three

15 0 0
                                    

After ng ilang buwan, bumalik na naman nga ako sa dati. Kung sino-sinong babae na lang ‘yung pine-flirt ko. Ay! Di pala kung sino-sino lang ‘tong mga babaeng ‘to. Mga famous sa school namin.

Hahahahahaha!

Sweet lang kunwari, bumigay na agad.

Hahahahahahaha!

Mga babae talaga…

Nagtuturo sa harapan ‘yung teacher ko sa Biology. Pero tinatamad akong makinig. Ano ba naman kasi ‘tong chromosomes na ‘to? Bakit kailangan pa pag-aralan ‘to? Hys.

Sige! Hihintayin ko na lang ‘yung araw na gagamitin ko ‘tong chromosomes, genotypes sa pagtatrabaho ko.

Weee. Corny.

Dahil tinatamad nga akong makinig. Maghahanap na lang ako ng chics sa labas.

Nang biglang may dumaang babae…

“Abby…” Mahina kong sabi.

Nakangiti siya. May dalang mga papel. Siguro may inaayos na naman siya. Ganun kasi siya, parang siya lagi ‘yung inuutusan ng mga teachers niya. Ang ganda-ganda pa din niya… Kung hindi nga lang awkward na habulin siya, sisigaw talaga ako ng ‘Ma’am! May I go out?’ dito tsaka ko siya hahabulin.

Kailan ba ulit kami magkikita? *pout*

Ay! Wait! Same school nga lang pala kami. Of course, magkikita at magkikita pa rin kami. *Evil Laugh*

Dumaan ang ilang linggo na lagi ko siyang nakikita. Nakakatawa talaga ang tadhana, sadyang pinaglalapit kami. <3

Minsan, naglalakad ako, nasa likod ko na pala siya. Tapos minsan naman nasa tabi ko na siya. At minsan pa, hindi niya alam nasa likod niya ako, nakikita ko siyang tumatawa. ‘Yung unique na tawa na siya lang ang meron.

Pero bakit ganoon, ang lapit-lapit na niya sa akin pero pakiramdam ko, ang layo-layo pa din niya.

Siguro, kung hindi ko siya pinakawalan noon, masaya sana kaming dalawa ngayon.

Baka hindi rin pala…

Mara Abby Leah Fernandez is in a relationship with Ace Timothy Galvez.

            33 minutes ago · 186 likes · 56 comments

 

 

Mukhang mas masaya na siya sa boyfriend niya.

Pedestrian Lane (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon