Pedestrian Lane

80 1 1
                                    

 “Ma! Alis na ko.”

 

“Osige, nak! Uwi ng maaga.”

 

Naka-school uniform. Bagong kiwi ang black shoes. May sukbit na bag. Nakasuot ng ID. Pero hindi sa paaralan ang punta…

Hindi rin sa computer shop…

Hindi rin sa tambayan namin ng mga barkada ko…

Sa lugar kung saan ko siya unang nakita…

Nakasuot siya ng school uniform. Bagay na bagay sakanya yung puting blouse at black skirt na bago mag tuhod ang haba, isama mo pa ‘yung buhok niyang wavy at mata niyang may ibang kinang.

 

Ilang inches lang ang layo niya sa akin. Habang tumatawid kami sa pedestrian lane, naaamoy ko ‘yung pabango niya.

 

 

“Are you lost?” Sabi niya.

 

 

Natatameme ako.

 

“First year ka dito, no? Doon ‘yung building niyo.” Sabay turo sa direksyon na sinasabi niya.

 

 

Then she’s gone.

 

 

That time, I was in first year high school and she’s 3rd year high school. At ngayon, 2nd year na ako, fourth year naman na siya.

Babaero, manloloko, chic boy, timer, palaging cutting, di nag-aaral, ano pa ba? Basta! Ako na yata ‘yung lalaking hinding-hindi papangarapin ng isang babae.

May pag-asa kayang mahalin ako ng isang tulad niya?

O

Hanggang pangarap na lang ang lahat?

Pedestrian Lane (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon