Wala akong pakialam kahit sabihin niyo na hindi makakatulong ang alak para makalimutan ‘yung sakit na nararamdaman ko. Nasasaktan ako. Okay? Ako ‘yung nasasaktan kaya manahimik kayo dyan.
“Pare! Tama na ‘yan. Lasing ka na eh.” Bawal sa akin nung tropa ko.
“Uminom ka na lang din! Damayan mo na lang ako.”
“Lasing na ‘to eh! Iuwi niyo na nga ‘yan!” Sabi nung isa ko pang tropa.
May lumapit sa aking isang lalaki at kinuha ‘yung iniinom ko.
“Dom! Nakakadami ka na. Halika na. Iuuwi na kita.” Pamilyar ‘yung boses niya.
“Ayoko!!”
“Gabi na, Dom! Hinahanap ka na sa inyo.”
“Ayoko ngang umuwi!” Sabi ko. “May isang tao ba ditong naiintidihan ako? Di ba wala naman? Kaya utang na loob! Hayaan niyo na lang ako. Kasi hindi niyo rin naman naiintindihan ‘yung nararamdaman ko.”
Tumayo ako at naglakad, inalalayan ako ng isa kong tropa.
“Hindi niyo kasi alam kung anong pakiramdam na agawan! Hindi niyo alam kung gaano kasakit ‘yung babaeng mahal na mahal mo napunta lang sa iba. Mahal na mahal ko si Abby.”
“Dom, wala nang-agaw kay Abby. Itinapon mo siya na parang basura, at ngayon may nakapulot sakanya na handa siyang pahalagahan ng tama.”
Ace??
“At Dom, sure ako na hinding-hindi gagawin nung boyfriend ni Abby, ‘yung mga bagay na ginawa mo kay Abby na nasaktan siya. Masaya ka na ba, Dom? Nasaktan mo na si Abby noon, at ngayon mas mamahalin siya ng sobra nung boyfriend niya na parang hindi siya nasaktan ng kahit sinuman.”
BINABASA MO ANG
Pedestrian Lane (One Shot)
Teen FictionPagmamahalang nag-umpisa sa isang Pedestrian Crossing... at saan naman 'to magwawakas? READ NOW!