Chapter Two

18 0 0
                                    

She’s the first person na naniwala sa akin na kaya kong magmahal ng totoo, na kaya kong magseryoso.

After ilang months, naging mag-MU na kami ni Abby.

Siya ‘yung kauna-unahang babaeng sineryoso ko.

‘Yung kauna-unahang babaeng minahal ko ng totoo except sa Mama at Ate ko.

Pero bakit ganoon…

Parang mahal pa niya ‘yung ex niya…

“Sorry, pero alam ko… mahal mo pa siya.”

 

“Ano na naman ba ‘to? Tapos na nga kami. Alam mo, palagi na lang ganito. Palagi mo na lang sinasabing mahal ko pa siya, kahit hindi naman na. Kailan ka ba maniniwala sa mga sinasabi ko?” Sabi niya. “Sabagay! Kailan mo nga naman ba ako pinakinggan?”

 

 

Siguro, hindi talaga ako ‘yung lalaking para sakanya. Hindi ako ‘yung lalaking makakasama niyang tumupad sa mga pangarap niya. At hindi rin ako ‘yung lalaking makakasama niya hanggang sa pagtanda.

Hindi kasi kami bagay…

Maganda siya, matalino, masipag, mabait, friendly, mahilig mag-aral… sobrang perfect niya. Hindi niya deserve ‘yung isang katulad ko na almost opposite niya.

“Makakahanap ka din ng lalaking deserve mo. Good Bye, Abby…”Sabi ko.

Gusto niyang umiyak pero alam kong pinipigilan lang niya.

Then she’s gone…

Siya ‘yung kauna-unahang babaeng nakapag-patino sa akin. Simula nung nakilala ko siya, hindi na ako masyadong nagsasasagot kila Mama, hindi na ako umuuwi ng umaga, nag-aaral na akong mabuti, gumagawa na ng mga projects, at madami pa akong pinagbago.

Pero siguro, mawawala na ‘yung Dom na ‘yon…

Pedestrian Lane (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon