Chapter 1: Panaginip

41 1 0
                                    

It's been 2 years since he was gone. Pero lahat ng ala-alang binuo naming dalawa ay andito pa rin sa puso't isip ko na kahit kailan man ay hinding hindi mabubura.

Nandito ako ngayon sa simbahan, may bitbit na tatlong mga pulang rosas. Dito kami huling nagkasama bago siya nawala. Bago siya naglaho. 

Pumasok na ako. Konti lang ang mga tao. Mabibilang mo lang siguro sa mga daliri mo. Ngayon kasi ay Huwebes at alas singko na ng hapon. Katatapos lang ng trabaho ko at agad akong pumunta dito.

Dumiretso ako sa upuan na huli naming inupuan ni Jasper. Nang makarating ako ay agad akong umupo. Lahat ng pagod na nararamdaman ko dahil sa trabaho ay biglang nawala. 

"It's nice to be back here." saad ko at hinaplos ang upuan kung saan siya huling naroroon.

Agad na pumatak ang luha sa aking mga mata. I still miss him. Hindi ko alam kung hanggang kailan ako masasaktan. Hindi ko alam kung makakaya ko bang sundin yung hiniling niya bago siya nawala.

"You're still the one, Jasper."

At hindi yun magbabago. Kahit kailan. Hindi ko alam kung may makakahigit pa ba sa pagmamahal na nararamdaman ko para sakanya.

"I am trying to move on, Jas. Pero parang ayaw ata ng tadhana. I am still looking for you in everyone. Nagbabakasali na baka bumalik kang muli. Na baka magpakita ka ulit. But I failed. Wala kana talaga. At hindi kana babalik pa."

I wiped my tears. Pakiramdam ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sariwa pa rin para saakin yung huling nangyari. Masakit. Sobrang sakit pa rin.

Iniwan ko sa upuan ang bitbit kong mga rosas. Tuwing Linggo ay nag'iiwan ako dito pagkatapos kong magsimba. Sa tuwing iniiwan ko ang mga rosas ay agad akong tinatanong ng mga madre kung para saan daw ba 'yon. Pero ngiti lamang ang isinasagot ko sakanila.

Tumayo na ako at naglakad papalabas ng simbahan. Nang sa labas na ako ay may isang puting paru-paro ang dumapo sa aking kamay. It's Jasper. Napangiti ako ng agad itong lumipad papalayo saakin. 

-

Nang makarating na ako ng bahay ay pinagbuksan ako ni manong ng sasakyan.

"Salamat." saad ko at bumababa na.

Pagkapasok ko ng bahay ay agad kong nakita si papa na pababa ng hagdan. Nilapitan ko siya. 

"Hi papa!" I said and kissed him in his cheeks. 

"Hi Diane."

"Where's mom?" tanong ko sakanya.

"She's in the car now. May business meeting kami in Cagayan. I'm so sorry dahil ngayon ko lang nasabi sayo." Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siyang maleta.

"Manang! Please paki lagay na din 'to sa sasakyan." utos niya at itinuro ito.

"It's okay dad. I'll be fine here." saad ko. Ngumiti siya at niyakap ako. "Thanks, take care yourself here." aniya at  naglakad na papalabas ng bahay.

Mom and dad are both entrepreneurs. Kaya halos araw araw ay wala sila dito sa bahay. They are both busy in their business which is food and farm production. It's an agriculture-related business. 

Umakyat na ako sa hagdan para makapagpahinga na. Pagkarating ko ng kwarto ay agad akong humiga sa kama.  Nakakapagod ang araw na ito. Pakiramdam ko rin ay parang mapapaos ako. Nagkaroon kasi ng activity sa paaralan, dagdagan pa ng sobrang makukulit na mga bata. I'm an elementary teacher. I teach grade 1 pupils. Kaya di maiiwasan ang sobrang paggamit ng malakas na boses. 

Tuluyan na akong napapikit. Hindi na ako nag-abala pang tumayo ulit para magbihis ng damit dahil sa sobrang pagod na nararamdaman.

-

Bigla akong naalimpungatan nang maramdaman kong may kung anong mabigat sa tiyan ko. Balak ko sanang bumangon pero hindi ko maigalaw ang buo kong katawan. Sinubukan kong itaas ang kanang kamay ko, pero wala. In short, I'm paralyze. 

Napabuntong hininga ako, it's a sleep paralysis. It's a normal thing. I tried to lift one of my fingers but I failed.I tried again but I can't. Kinakabahan na ako dahil pakiramdam ko hindi na ito normal. Bigla akong may naramdamang hininga at may kung anong bumulong sa tenga ko.

"I want you......I want your body........soul........and heart."

Sinubukan kong magsalita pero wala ni konting boses na lumabas sa bibig ko. Naramdaman kong may humihila sa kumot na bumabalot sa katawan ko. Natatakot at naiiyak na ako dahil ako lang naman ang tao sa kwartong ito, wala sila mama at papa kaya't imposibleng may ibang tao pa dito besides me. 

Tuluyan ng nahulog ang kumot sa ilalim ng kama ko. Napahagulgol na ako ng tuluyan. I prayed to God. I wanted to stop this. And God granted my prayer. 

I heard the intruder's footsteps papalayo sa kama ko. This time naigalaw ko na ng tuluyan ang mga kamay at katawan ko. I searched for my lampshade and before I opened it narinig ko siyang nag salita ulit.

"I will be back.....and that time I promise you makukuha ko na ang gusto ko." at naglaho na siya ng tuluyan.

Bigla akong nagising nang maramdaman kong may tumatapik sa akin. Nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita ko si manang. May bitbit itong isang tray.

"Ma'am, gising na po. Dinalhan ko na po kayo ng pagkain dahil hindi po kayo bumaba kanina. Kumain na po kayo." saad niya at inilagay ang bitbit sa kama ko.

"Salamat po manang." at tuluyan na siyang lumabas ng aking kwarto.

 This is the first time na napaniginipan ko siya. Si Jasper. Napangiti ako ng malungkot ng maalala ulit yun.

Iyon ang una naming pagkikita dalawang taon na ang nakalilipas.

The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon