Pagkapasok ko ng bahay ay agad ko siyang hinanap. Wala siya sa living room kaya pumunta ako ng dining area pero wala pa rin. Pumunta akong kusina......still, wala pa rin. Kaya umakyat ako sa kwarto, nagbabakasakaling baka andoon siya.
Pero pagbukas ko ng pinto, walang Jasper akong nakita.I checked my watch, it's 5:54 pm. Naghanap ako ng masusuot sa aparador ko. Isang hanggang tuhod na pulang bestida ang aking nakita. Pinaresan ko ito ng itim na takong.
Pagkatapos kong magbihis ay sinuklay ko ang mahaba at pantay kong buhok na hanggang beywang. Naglagay din ako ng natural lang na kolorete sa mukha. In just 35 minutes, tapos na ako. Bumaba ako para hanapin ulit si Jasper, but I failed.
"Jaspeeeeer!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong bahay.
I waited for his response, pero hindi siya sumagot.
Asan ba siya?
Ba't bigla siyang nawala?
Yun na yon?
Aalis nalang siya ng hindi nagpapaalam?
Sabi nya maghihintay siya dito?
Sunod sunod kong tanong sa sarili. Hindi ko alam.Agad akong nabalik sa katinuan ng marinig ko ang busina ng sasakyan mula sa labas. Si Lance na yun. Lumabas na ako ng bahay at nakita siyang nakatayo sa gilid ng kotse nya.
Mas lalo siyang gumwapo sa suot niyang itim na polo.
Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay pinagbuksan niya ako ng pinto. Pumasok ako rito, bago niya ito sinara ay narinig ko siyang nagsalita."Mas lalo kang gumanda ngayon Diane" saad niya nang may matatamis na ngiti sa labi.
I thanked and smiled at him. Bolero. Bago kame makaalis ay tiningnan ko ulit ang bahay, at laking gulat at tuwa ko nang makita ko siya.Si Jasper.
Nakadungaw siya sa bintana mula sa aking kwarto.
Pero napalitan ng lungkot ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko siyang malungkot at sa kanang kamay nito ay may hawak siyang........mga pulang rosas.-
Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa kung saan man ako dadalhin ni Lance. Exactly 7 pm nang makarating kami sa isang mamahaling restaurant.
Its an Italian restaurant. Pinagbuksan ako ni Lance nang pinto, kaya lumabas na ako at pumasok na. Pagpasok namin ay may bumati sa aming isang crew at ginuide kaming dalawa ni Lance papunta sa ipinareserba niyang table.
"Ang ganda dito Lance." bulalas ko dahil sa kamanghaan.
"Oo, masasarap din dito ang mga pagkain. Kaya sigurado akong magugustuhan mo dito." sagot niya nang nakangiti. Bago siya umupo ay pina upo niya muna ako.
Lance is a gentleman guy. He is a total package. Maswerte ang babaeng iibig sakanya pero hindi ako yun.
Habang iniintay namin ang pagkaing inorder niya ay nilibot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng restaurant. Maraming mga tao, halos lahat ay masasaya, nagmamahalan at parang walang problema. I remember Jasper.
Asan siya galing?
Ba't may mga rosas siyang dala?
Asan kaya siya ngayon?
Ano kayang ginagawa niya?
Naguguilty ako. Nakita ko siyang malungkot kanina pero umalis pa rin ako. Pakiramdam ko nagtaksil ako sakanya. Gusto kong bumalik nang bahay pero hindi pwede."Diane, are you okay? Ano bang iniisip mo? Tell me." Bigla akong nabalik sa katinuan nang narinig kong nagsalita si Lance.
"Huh? Wa-wala Lance." sagot ko and I smiled at him.
Pagkatapos ay dumating na ang mga pagkaing hinihintay namin. "How's your parents, Diane?" he asked bago tikman ang mga pagkain.
"They're okay Lance. They are now in Baguio for business. Ikaw, how's your Dad?" tanong ko sakanya.
Ulila na sa ina si Lance. He said namatay daw ito nung pagkapanganak sa kanya. Biglang napahinto sa pagkain si Lance nang marinig ang tanong ko.
"He...he's fine." sagot niya. Tinignan ko siya sa pero umiwas siya.
"Is there something wrong Lance?" I asked again.
"No. Nothing's wrong, Diane. Kumain nalang tayo." sagot niya nang nakangiti at ipinagpatuloy ang pagkain.
Pakiramdam ko ay may hindi maganda dahil sa kinilos at sagot niya saakin. Kaya hindi na ako nagtanong pa ulit at ipinagpatuloy nalang din ang pagkain. Natapos kami sa pagkain nang hindi na ulit nag'usap.
"I...I'm sorry Lance. Mukhang nasira ko ata ang gabi." I said.
"No need to apologize. Wala kang kasalanan Diane." and he smiled. Nag'usap na kame ulit........but about works and daily llives while waiting for our bills. Nang dumating ito ay si Lance na ang nagbayad.
After that ay lumabas na kame, hindi ko alam kung ano ang susunod na plano ni Lance for this night. Pero ang alam ko lang ay gusto ko nang umuwi........at puntahan si Jasper.
Lumabas na kame nang restaurant ni Lance. Pinagbuksan nya ulit ako ng sasakyan at pumasok na dito. Hindi ko alam kung saan ang sunod naming punta. Habang nasa kalagitnaan kame nang biyahe ay bigla siyang nagsalita.
"Hmmm.......Diane, hindi mo ba talaga ako mapagbibigyan sa hiling ko?" tanong niya.
I looked at him. Ito nanaman siya sa tanong na to. Hindi ko alam kung kailan siya titigil. Hindi ko alam kung kailan niya matatanggap.
"Lance, di ba nag'usap na tayo tungkol dito? Hanggang kaibigan lang tayo. At hanggan doon nalang yun." sagot ko sakanya.
Hindi ko alam kung pang ilang beses ko na tong sinagot sakanya. Matalino naman siya, pero ba't hindi niya pa rin makuha. Nabigla ako nang bigla niyang itinabi sa madilim na lugar ang sasakyan at huminto.
"Hanggang kaibigan? Hanggang ngayon kaibigan pa rin? Sa mahigit dalawang taon kong panliligaw sayo, still kaibigan pa rin ang turing mo saakin? Bullshit Diane. Bullshit!!" nabigla ako nang sinuntok niya ang manibela.
Tumingin ako sa mga mata niya. Galit at sakit na mga emosyon ang makikita dito. Mas lalo akong nabigla nang hawakan niya ako sa dalawang kamay ng sobrang higpit.
"Te...teka Lance, na......nasasak......tan ako. Ano ba!" sigaw at pagpupumiglas ko. Ramdam kong galit na galit siya dahil sa higpit na pagkakahawak niya.
"Hindi ako papayag Diane na sa halos dalawang taon na yun ay wala akong mapapala sayo! Hindi ako papayag na walang may makuha sayo!" sigaw niya.
This time, kinabahan na ako. Anong ibig niyang sabihin? Sa nakikita ko sakanya, parang hindi ito ang Lance na kilala ko. Hindi ito ang Lance na nakikita ko. Hindi ito ang normal na Lance. He looked differerent.
BINABASA MO ANG
The Lost Soul
RandomDiane Villaruel is an elementary teacher. Ito ang pinili niyang tahakin dahil mahilig siya sa mga bata. Supurtado naman siya ng kanyang mga negosyanteng magulang kahit na iba ang tinahak nitong trabaho. Besides that, Diane also has a special abilit...