Chapter 4: "I am Jasper"

13 0 0
                                    

Agad kong hinanap sa bag ang cellphone para tawagan si Lance. Pero ano ang sasabihin ko sakanya? Sasabihin ko bang ha-hauntingin siya ng isang demonyo? That's bullshit. Hindi siya maniniwala sa akin. Kinalma ko muna ang sarili ko bago ko siya tinawagan. After 2 rings sinagot din niya. 

"Hi Lance!" bungad ko.

"Hello Diane, ba't ka napatawag?"

"Hmmm. Where are you?"

"I'm at my Grandma's house. Wedding anniv. nila ni lolo ngayon. Bakit?"

"Ah..nothing. Sige Lance. And please......take care." and I ended the call.
I sighed out of relief. Nagpahinga nalang ako para mawala ang kabang nararamdaman ko. 

Nagising ako ng maramdaman kong may nagpapatong saakin ng kumot.
I saw him.
Bigla akong napabangon mula sa pagkakahiga at tinakpan ng kumot ang buong katawan.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya.

"I.....I am just co..covering you. Na...nakita ko kasing nilalamig ka." utal-utal niyang sagot.
I checked my watch, it's already 8 in the evening. Bumangon na ako ng tuluyan para maghanda ng makakain ko. 

"Saan ka pupunta?" tanong niya habang sumusunod saakin.

"Magluluto ng pagkain." sagot ko habang bumababa ng hagdanan.

"I already cooked a food for you." napatingin ako sakanya ng sabihin niya yun.

Nakita ko siyang nakangiti at nakatitig saakin.
For the first time, I saw his smile.  

Nakita ko sa mesa ang mga hinanda niyang pagkain. At first, I hesitated to eat them.
Sino ba ang kakain kung ang nagluto ay hindi tao? Baka may inilagay siyang kung anong nakakasamang kemikal or worst, nakakamatay. Nagulat at napatingin ako sakanya nang bigla siyang magsalita. 

"I can read what's on your mind. Hindi kita lalasunin. Try it, nang malaman mo." 

Tumingin ulit ako sa pagkaing nasa mesa. Kumuha ako ng malinis na tinidor at kumuha ng isang pirasong karne. Inamoy ko muna ito, wala namang kakaibang amoy. Nang masigurado kong walang kakaiba kinain ko na ito nang tuluyan. 

"How's the taste?"

"It's good. Ma-masarap." umupo ako sa upuan para makakain ng komportable.

"What's your name?" tanong ko sakanya. Umupo sya sa kaharap kong upuan. 

"I'm Jasper." he said.

"What kind of demon are you? Why are you here?"

"I'm a lost soul. I'm here to find peace and to be love. I'm here because of you. I want you to love me." he said while staring at me. "I want to enter the heaven. That's why I'm here in front of you." dagdag niya.

I saw his eyes pleading. He wants me to love him? But........ 

"Alam kong imposible ang mga sinasabi ko. But.....I still want you to try it. I want you to help me. Wala ni isang nakakaalala saakin dahil sa nakaraan ko. I'm a criminal. I killed many people. Patapong tao. Hayop. Lahat nang masasakit, madudumi at masasamang salita, ako yun."

I saw pain and sadness in his eyes.
Ramdam ko bawat salitang binitiwan yan. 

"I killed those people because they also killed my parents. My family. My happiness. My home." this time he's crying. Is this guy really a demon? Or am I just jumping into conclusions?

"So please help me. Love me. And remember me if I'll be gone." dagdag niya. 

Ngayon, nakikita ko na kung sino talaga siya. Nakikita ko na kung ano talaga siya, hindi bilang isang demonyo dahil sa anyong meron siya kundi bilang isang taong uhaw sa pagmamahal. 

*Kinabukasan*

Nag'aayos ako ngayon para pumasok. Nakita kong nakatitig lang saakin si Jasper. Walang kibo. Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi nya sa akin kagabi. He wants me to love him, pero paano? Hindi ko alam kung kaya ko bang ibigay lahat ng hinihiling niya. 

Pagkatapos kong mag'ayos lumabas na ako ng kwarto, narinig ko siyang sumunod. Wala pa ring kibo.  Gusto ko sanang magsalita pero hindi ko alam kung ano ang sasabihin. 

Hanggang sa makalabas na kami ng bahay, wala pa ring may kumikibo saaming dalawa. Pinagbuksan ako ni manong ng sasakyan at pumasok na ako dito. Tumingin ulit ako sa labas kung saan siya naroroon.  Nakatayo lang siya. Nakatitig pa rin saakin. 

Bago isinirado ni manong ang pinto ng sasakyan ay narinig ko siyang magsalita.
"Mag'ingat ka. Dito lang ako." and then again, he smiled at me. Tumango ako sakanya at ngumiti din.

Pagkarating ko sa paaralan, agad akong nilapitan ni Lance. "Good morning Diane." I greeted him back. 

Mabait si Lance, gwapo, mayaman at matalino. Pero hindi ko alam kung ba't hindi mahulog ang loob ko sakanya. Pakiramdam ko hindi pa ito yung kabuuan ng pagkataong pinapakita niya saakin. Hindi ko alam. 

"Hmm Diane, can we go out tonight? Ano lang, dinner." he said while smiling at me. This is the nth time na inaya niya akong lumabas. 

"Today is Friday, walang pasok bukas kaya wala kang alalahaning trabaho." dagdag niya pa.
Tama nga naman siya, walang pasok bukas.  So, I said "Okay." to him.  Wala naman sigurong masama sa dinner lang.

Pagkatapos niyang marinig ang sagot ko ay umalis din siya agad. But, I remember Jasper. He said alam niya lahat ng nangyayari sa mga araw ko. So alam din niya kayang inaya ako ni Lance lumabas mamaya? Pero ang sabi niya, sa bahay lang siya. Hindi siya aalis. 

I sighed out of frustration. Panigurado, hihintayin niya ako. Maghihintay siya. 

It's 5 now in the afternoon. Naglalakad ako ngayon papuntang parking area dahil doon daw ako hihintayin ni Lance. Nakita ko siya agad nang makarating ako.

"So, tara? Hatid na kita." pinagbuksan niya ako ng pinto. 

"Sige." I said at pumasok na sa sasakyan. 

Habang sa byahe kame ay panay ang kwento niya tungkol sa klaseng tinuturuan niya. "Ang hirap maging guro. Sobrang ingay ng klase ko. Yung mga bata ang kukulit. Minsan hindi ko na alam ang gagawin." sabi niya habang nagmamaneho. Para saakin, walang mahirap kung mahal mo talaga ang pagtuturo.

Pagkarating namin sa bahay ay lumabas na ako ng sasakyan. 

"Hihintayin kita dito ng 6:40 pm" sabi niya ng nakangiti. I just nod at umalis din siya agad.

Nang nakaalis na siya ng tuluyan, agad akong tumingin sa bahay pero......walang Jasper na nagpakita o naghihintay saakin.

The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon