Chapter 3: Flashback

12 0 0
                                    

*Flashback 2 years ago*

It's already 5 am in the morning. Bumangon na ako para maghanda ng makakain ko.
Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto I heard some voices at downstairs, bumaba ako at nakita ko sila mama at papa.
I greeted them 'good morning' at pumunta na ng kusina.
Gusto ko sanang sabihin yung nangyari kanina pero wag nalang. Baka hindi lang sila maniwala.

Pagkatapos kung kumain dumiretso na ako ng banyo para maligo. Hinubad ko lahat ng damit na suot ko even my underwears.
Habang nagsasabon ako ng katawan, naramdaman kung may humawak sa beywang ko.
Humarap ako pero walang tao. I continued what I am doing hanggang sa natapos ako. 

Bumalik ako ng kwarto para magbihis. Habang nagbibihis ako ramdam kong may nakatingin sa akin.
I tried to cover my body with towel. I know he's here. "Anong kailangan mo?" I said. I waited for his response, pero wala.
Tumalikod ako at pinagpatuloy ang pagbibihis. 

Umupo ako sa kama para mag'ayos at magsuklay ng buhok. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin at nagulat ako ng makita siyang nakatingin sa akin.
I saw his red eyes focused on me. Nabitawan ko ang suklay na hawak ko ng naglakad siya papalapit sa akin.
His eyes still on me. Pinulot niya ang suklay mula sa sahig. At nang tumingin ulit siya sa akin, sinabi niyang "Don't be afraid.....I will not hurt you. I'm here because I want you to love me because I love you."

-

Hindi parin maalis sa isip ko ang sinabi niya kanina. He loves me? That's nonsense. 

Nang makarating kami sa paaralan ay pinagbuksan ako ni manong at bumaba na ng sasakyan. Habang naglalakad ako papasok ay nakita ko si Lance na naglalakad papalapit saakin. 

"Good morning Diane!" I greeted him back. 

Lance is my suitor for almost 1 and a half year, hindi ko alam ba't hindi parin siya tumitigil sa panliligaw kahit na paulit-ulit ko siyang bina-basted. 

Kinuha niya lahat ang mga bitbit kong gamit. Sabay kaming naglakad papunta sa classroom ko.
He's also a teacher. A grade 6 teacher.
Nang makarating kami ay umalis din siya agad. Buong araw ay ginugul ko lang ang oras ko sa pagturo. 

Pagkatapos ng klase ay nakita ko si Lance na naghihintay sa parking area. "Hatid na kita Diane!" bungad niya sa akin ng makalapit ako. 

"Wag na Lance. Hihintayin ko nalang si manong." sagot ko sakanya. 

"No, I insist. Hatid nakita please". 

"Osige." at sumakay na ako sa sasakyan nya. I texted manong na hindi nalang ako magpapasundo sakanya.

Pagkarating sa bahay, pinagbuksan nya ako ng pinto. Lumabas ako at nagpasalamat sakanya.

"You're always welcome Diane! Alam mo naman kung gaano kita kagusto hindi ba?"

"I know Lance, pero alam mo namang hanggang kaibigan lang talaga tayo diba?" I said. I saw sadness in his eyes pero ngumiti din siya agad. 

" I understand. So, sige una na ako." sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
Hindi na ako nakaangal pa dahil agad siyang pumasok ng sasakyan at umalis. 

Pagharap ko sa bahay nakita ko siya.
Matalim na nakatitig ang mapupula niyang mga mata saakin at doon sa sasakyan ni Lance na kakaalis lang.
Agad akong kumalas sa pagkatitig at pumasok na ng bahay.
Bigla akong nakaramdam ng kaba mula sa mga titig niya.

Pagpasok ko ng bahay I searched the entire living room with my eyes, but I saw nothing.
Nawala nanaman siya. Pumunta agad ako ng kusina para uminom ng tubig. Before I opened the ref I saw mom's note.

"Hi sweetie! Pupunta lang kami ng papa mo sa Baguio today para sa business. Please take care of yourself. Babalik kame sa susunod na araw. I love you." Great, ako nanaman mag'isa sa bahay na ito. 

Umakyat na ako ng kwarto para magpahinga sana ng makita ko siya sa harap ng pinto.
This time kalma siyang nakatitig saakin.
Hindi ko siya pinansin at diretso akong pumasok sa kwarto. Naramdaman kong sumunod siya.

"Who's that guy?" he asked.

"Wala kang paki'alam kung sino man siya." sagot ko at agad na humiga ng kama. 

"I know his name." saad niya habang nakatayo lang sa gilid.

"Kilala mo naman pala, ba't nagtanong kapa?"

"I know him." napabangon akong bigla sa sinabi niya.

"What do you mean? You know him? How?" sunod sunod kong mga tanong sakanya. 

Never kong pinakilala si Lance sa mga magulang ko at never din siyang nakapasok sa bahay na 'to. Kaya paano niya ito nakilala?

"Alam ko lahat ng kilos mo kahit wala ka dito sa bahay. Kilala ko lahat nang nakakasalamuha mo araw-araw. Kaya kilala ko siya. I know what's his intentions on you Diane." nang sabihin niya yun, nakita ko ang namumuong galit sakanyang mga mata. What does he mean?  

Nakaramdam ulit ako ng kaba mula sa mga titig na 'yun.
"What the fuck! Sino kaba talaga huh! Ba't ka nagpapakita saakin? Ba't ka nag'eexist sa buhay ko?!" sigaw ko sakanya.

Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko.
Mas lalong umapoy sa galit ang mapupula niyang mga mata. 

"You're only mine Diane! And no one can ever love you besides me! At sisiguraduhin kong hinding hindi na ulit makakalapit sayo ang lalakeng yun." huli niyang sinabi bago umalis ng kwarto ko.

Anong ibig niyang sabihin?

The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon