Chapter 2: Meeting

16 0 0
                                    

"Good morning ma'am Diane." bati saakin ng aking mga estudyante pagkapasok ko ng classroom. 

Lahat sila ay nakaupo na sakanilang mga upuan. Kinuha ko ang class record ko sa bag at pumunta na sa harap to check their attendance.

Wala ni isang absent sakanilang lahat. Pagkatapos kong tawagin lahat lahat ay nagsimula na ako ng klase.

Kapag ikaw ay guro sa elementarya, halos lahat ng mga asignatura ay itinuturo mo. Pero depende pa rin sa paaralan kung lahat ba ay ibibigay saiyo. 

Halos isang oras din akong nagturo sa harap ng marinig ko ang tunog ng bell. Hudyat yun na tapos na ang unang asignatura. Nagpaalam at lumabas na ako ng classroom para sa susunod kong klase.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa isang bakanteng lote. Malapit ito sa classrooms ng Grade 5, ang susunod kong klase. May tatlong nagkukumpulang tao dito. Parang sinusuri nila ang kabuuan ng lote. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang matangkad na lalakeng nakatalikod ilang metro lang layo mula sa kinatatayuan ko.

"Pamilyar." banggit ko sa sarili.

Nakita ko si Ma'am Eden, ang principal ng paaralan na ito, na naglalakad papunta sa direksyon ko. Agad ko siyang binati nang nakalapit na siya saakin.

"Good morning din Ma'am Diane." ani niya.

Ngumiti ako bago naglakad papuntang Grade 5. Narinig kong binati din siya nung tatlo pero hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

Pagkapasok ko ay nakita ko si Ma'am Anna na papaalis na din, ang adviser ng Grade 5.

"Ba't may mga tao dun sa bakanteng lote? Andoon din si Ma'am Eden." tanong ko nang makalapit ako sakanya.

"Ang rinig ko, may bago daw na building na ipapatayo doon." ani niya habang kinukuha ang mga gamit niya mula sa mesa.

"Sige Ma'am Diane, alis na ako." paalam niya. Tumango ako sakanya at naglakad na papalabas ng classroom.

Agad akong pumunta sa harap at nagsimula nang magturo. Mahigit isang oras din ang itinagal nito bago tumunog ulit ang bell. Hudyat na tapos na ang klase. 

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ay may nagsalita mula sa speaker ng classroom. Yun ang ginagamit para sa mga impormasyon o di kaya'y biglaang meeting ng mga guro.

"Teachers, please dismissed your class. We will have our meeting. Thank you."

Lumabas na ako ng classroom at agad tinungo ang Principal's Office, kung saan iginaganap ang mga meeting ng teachers. 

Pagkapasok ko ay nandoon na rin ang mga ibang guro. Pumunta ako sa puwesto kung saan naroroon sina Ma'am Shiela, Ma'am Beverly at Sir Jerome. Sila ang mga malalapit kung kaibigan dito. 

"Anong meron?" tanong ko nang makaupo na sa upuan.

"Meeting daw para sa ipapatayong building." sagot ni Shiela.

Nakita ko si Ma'am Anna na kakapasok lang din. Kumaway ako sakanya para makita niya kami. Si Anna ay isa din sa mga kaibigan kong guro dito. Agad siyang naglakad papunta sa direksyon namin.

"Kaya pala nakita ko si Ma'am Eden kanina doon. May kausap siyang tatlong mga tao. Siguro sila yung mga mag aasikaso para sa ipapatayong building." saad ni Jerome. He's also a Grade 1 adviser. 

Bawat grade level ay mayroong pitong section. Ako ay nasa Grade 1 section 2. Si Shiela ay nasa Grade 3 section 4. Si Beverly ay nasa Grade 6 section 3. Si Anna ay nasa Grade 5 section 1. At si Jerome ay nasa Grade 1 section 2.

Tumahimik ang lahat ng pumasok na si Ma'am Eden, may tatlo siyang mga kasama. Isang lalake na nasa edad mga kwarenta. Isang magandang babaeng mukhang kaedad lang namin at ang huli ay isang lalake. Ito yung lalakeng nakatalikod kanina na nakaagaw ng atensyon ko. Mas lalo akong natulala ng makita ko na ang itsura niya.

"Ja-Jasper?" gulat kong sambit.

Napatingin saakin si Beverly na katabi ko sa upuan. "Sinong Jasper?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at diretso paring nakatingin sa lalaking nakangiti na nasa harap na naming lahat.

"Teachers, this is Mang Miguel. He will be the leader of the construction workers." ani Ma'am Eden at itinuro ang unang lalakeng pumasok kanina.

"This is Ma'am Hedda. An Architecture. Siya ang nagdesinyo ng ipapatayong building." dagdag ni Ma'am Eden at itinuro ang babaeng kasabay niyang pumasok kanina.

"And this is Sir Paulo. An engineer. He will be the head of the construction." at itinuro ang lalakeng nasa tabi niya.

Hindi pa rin naaalis ang titig ko sa Paulo na yun. Paanong nangyare? I mean, sobrang kamukha niya si Jasper. Kahit saang anggulo tignan ay magkamukhang magkamukha sila. Kaya, paano?

Lumapit silang tatlo at nakipagkamay sa mga guro. Agad akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng dibdib ko. Mahahawakan ko ang kamay niya. Makikita niya ako.

Una kong nakamayan ay si Manong Miguel. "Hello po ma'am." saad niya.

Sunod ay si Ma'am Hedda. "Hi." tipid nitong saad.

At ang susunod ay siya. Nagkatitigan kaming dalawa ng makalapit na siya saakin. I looked at his eyes, hindi ito pula katulad ng kulay ng mga mata ni Jasper. "Hello." saad niya at kinamayan ako. Pero agad niyang kinuha ang kanyang kamay at umalis na sa harapan ko.

Nanatili akong tulala mula sa kinatatayuan ko. Sa nakita ko sakanyang mga mata, wala itong emosyong ipinapahiwatig. 

Hindi niya ako kilala.

Hindi niya ako nakilala.

At hindi ko alam kung ano ang nangyayari.

The Lost SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon