CHAPTER 11 - MY KNIGHT IN SHINING ARMOR

2.3K 27 3
                                    

Ala-una na ng madaling-araw pero hanggang ngayon hindi pa rin ako dalawin ng antok.

"Susi? Ako? Paanong nangyari iyon?"

Nag-side view ako ng higa paharap sa bintana kung saan tanaw na tanaw ko ang mga bituin.

Mas lalo pa akong hindi makatulog dahil sa sinabi ni Mr. Simon.

"Si Patrick ang dahilan kung bakit ka nakapasok sa Mistaken Society. Siya ang gumawa ng paraan para imbitahin ka at matanggap ng society," paliwanag ni Mr. Simon.

"Ibig sabihin siya po ang nakipag-subastahan para sa akin?"

"Tumpak!" sagot agad ni Ms. Martha. "Kahit alam niyang magagalit si Lady Veronica ,ang gusto lamang ni Patrick ay kung ano ang makakabuti para sa amo natin. Nakahanda rin siyang pag-aralin ang mga kapatid mo at simula sa araw na ito ang bahay nyo ay pag-aari na ni Patrick pero sa pangalan ni Lady Veronica naka-under ang titulo. Kailangan lang ay magtiwala at mapalapit ang loob sayo ng ating amo."

"Teka lang po. Alam po ba 'yan ni Maam Veronica? Baka naman po tine-testing nyo lang ako?" pagdududa ko.

"Ngayon pa?! Maniwala ka sa amin. Kapag nagawa mo ang gusto ni Patrick, hinding-hindi na siya magpapakita pa kay Lady Veronica. Nakatulong ka na may pera ka pa. Anim na buwan lang naman ang titiisin mo para matapos ang kontrata," paliwanag ni Ms.Martha.

"Tama!" singit ni Mr. Simon.

"Pagkatapos pwede ka ng bumalik sa normal mong buhay. Makakapag-aral ka kahit hindi ka magtrabaho."

"Tama!"

"Bukod doon mapapagamot mo ang Nanay mo. Makakapagtayo ka pa ng negosyo kung gusto mo.

"Tama!"

"At lahat ng kapatid mo mapapatapos mo ng hindi ka mahihirapan. Sa ganoong kalaking pera lahat magagawa mo na. Ikaw din naman ang makikinabang sa bandang huli."

"Tama!"

Talagang pinipilit nila ako. Lumalabas tuloy na parang utang na loob ko pa kung bakit ako nandito sa mansion at nagpapakasasa sa karangyaan meron si Veronica o Patrick.

"Teka lang... 'Di ko magagawa iyon ng ako lang. Dapat tulungan nyo din ako. Alam nyo naman na medyo mainit ang ulo sa akin ni Maam Veronica. "

Lumapit sa akin si Mr. Simon.

"'Wag kang mag-alala. Tungkol sa bagay na iyan, me and Ms. Martha are here to help you para magustuhan ka ni Lady Veronica.

**********

"Tatlong bagay ang magpapasaya sa babae, flowers, food and money. Pero para matandaan ka niya, may tatlong paraan para mapalapit siya sayo at hindi ka niya makalimutan..." Inihinto ko ang panonood ng video patungkol sa kung paano ka magugustuhan o mapapasunod ang babae na nakita ko sa facebook. Bumangon na ako para makapaghanda. Nagulat si Ms. Josie dahil kadalasan siya ang gumigising sa akin. Bago ako umalis, tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin. Simula ng mapunta ako sa mansion, natuto na rin akong mamili ng susuotin ko. Dahil siguro maraming pagpipilian 'di tulad dati na kahit suot ko pa siya kahapon, sinusuot ko pa rin kinabukasan. Katwiran ko kasi hindi naman buong araw ko siya nagamit. Ngumiti ako sa harap ng salamin. Lumabas ang gandang lalaki ko na tanging si Nanay lang ang kinikilig.

Dumiretso ako ng dining room. Wala pa si Veronica. Mukhang late yata siya. Umupo agad ako. Tiningnan ko ang mga maid na nakatayo sa gilid. May iilang pagkain na ang nakahanda. As usual wala na naman kanin.

Dumating si Mr. Simon, kasunod si Ms. Martha. Pumasok na rin si Veronica. Nakasuot siya dress kahit nasa mansion lang. Napansin niya ako. Nakitang kong tumaas ang kilay niya. Agad akong tumayo at pumunta sa pwesto niya kung saan doon siya nakaupo. Huminto siya saglit. Dahan-dahan kong hinila ang upuan para sa kanya. Tumingin siya akin pero wala man lang siyang reaksyon. Umupo agad siya. Hinintay ko kung magsasabi siya ng thank you pero pinaasa lang ako. Dali-dali akong bumalik sa pwesto ko.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon