Pansamantalang itinigil ang laro dahil injured ang pinakaboss ng mansion. Resched ang match kaya may panahon kaming magpahinga at magplano.
Naghanap ako ng first aid kit. Sisiguraduhin kong mamimilipit siya sa sakit kapag nabuhusan ng alcohol ang sugat niya. Kailangan ko ring gawin ito para magpakitang-gilas. Nagtungo agad ako sa kwarto niya. Kumatok muna ako baka kasi maulit ang nakaraan kung saan hindi man lang nagpasintabing maliligo siya. Walang sumasagot kaya inulit ko ang pagkatok. Naghintay ako ng isang minuto pero wala pa rin. Pinihit ko ang door knob at bumukas ito.
Ginala ko ang aking mata sa kama at pati na rin sofa pero wala si Patrick Kumatok ako sa CR at walking closet pero wala pa ring sumasagot.
Nakita kong bahagyang nakahawi ang kurtina. Lumapit ako at nakita kong nakabukas ang sliding door. Tumingin ako at nagbabasakaling nandoon siya.
Nakita ko siyang nakahiga sa bench na gawa sa kahoy. Medyo nakausli ang bandang taas nito para pansandalan ng ulo at likod. Mahimbing ang tulog niya. Napagod siguro siya sa laro. Tiningnan ko ang sugat niya. Mukhang hinugasan lang niya at hindi na naalalang lagyan ng gamot. Pero hindi ko naiwasan mapatingin sa legs niya. Namula agad ako kaya pumasok ulit ako sa kwarto. May hinanap akong bagay para hindi magkasala ang mata ko.
Dahan-dahan kong nilagay ang kumot para matakpan ang mga paa niya. Pero...
"Anong ginagawa mo?" mukhang nagulat siya sa presence ko.
"Wala akong masamang balak. Nag-aalala lang ako sayo kaya nilagyan kita ng kumot at tsaka..." tinaas ko ang first aid kit para maipakita sa kanya.
"... dinalhan kita ng gamot."
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan. Kaya kong alagaan ang sarili ko."
"Concern lang ako. Pero kung ayaw mo okay lang. Kapag naimpeksyon 'yan... Naku! May lalabas dyan na malaking uod o 'di kaya may lalabas na..." tumayo ako.
"tssuuggg...tssuugg...tssugg..." at umakto ako na parang tren.
"Mukha mo! Hindi na ako bata para mauto mo."
"Iwan ko na lang dito. Ikaw na bahala sa sarili mo?"
"Bakit ganyan ka sumagot sa akin? Parang hindi mo ako amo ah!"
"Alam mo Patrick, dapat 'wag mong hahayaang magasgasan ang makinis na balat ni Lady Veronica. Babae pa rin siya."
Napakamot siya ng ulo.
"Patrick? Paanong nasama si Patrick sa usapan?"
"Ay naku! Tama na ang pagpapanggap. Wala tayo sa field kaya okay lang magladlad ka."
"Are you crazy?! Ako ito si Lady Veronica. Ako ang kasama mo sa laro." Napakunot ako noo.
"Pero... ang sabi ni Mr. Simon si Patrick ka. Nagpapanggap kang si Lady Veronica para awayin si Anastacia," paliwanag ko sa kanya.
"Are you sure about that?! 'Bat naman aawayin ni Patrick si Anastacia eh magkasundong-magkasundo silang dalawa. Kaya everytime na pumupunta si Anastacia dito palaging silang dalawa ang pasimuno ng gulo. Pati ang pagkakaroon ng laro-laro na iyan, silang dalawa ang may pakana. Dinamay pa nila ako. Kung hindi ko gagawin ang mga kalokohan ni Patrick, buhok ko na naman ang pag-iinteresan niya."
"Pero kanina tinawag niya akong Pre?"
"Ahh... kapag nasusugatan ako, bigla-bigla lumalabas siya. Minsan saglit lang, minsan buong araw siyang nandyan."
Mukhang naloko yata ako ni Mr. Simon.
Kinuha ni Lady Veronica ang betadine at pinatak sa sugat.
"Ouch..."
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomanceSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...