CHAPTER 27 - DANGER

1.6K 17 3
                                    

Tiningnan ni Xander ang CCTV pero walang nakita kahit bakas ng anino na may pumasok sa kwarto. Wala rin naman CCTV sa loob ng kwarto. Privacy matters sabi ni Ms. Martha.

Nagkatinginan kami ni Mr. Simon nang mga oras na iyon. Mukhang iisang tao lang naman ang may posibilidad na gumawa nang ganun.

"Si Patrick po ba?"

Tinangka niyang hawakan ang salamin pero hindi na niya tinuloy. Sinilip niya kung nasaan si Xander. Busy itong tumitingin sa bawat sulok ng kwarto para maghanap ng mga ebidensya.

"Hindi niya magagawa ito. Hindi sila nagkakasundo pero hindi niya gagawin ang bagay na ito para takutin ng ganito ang kapatid niya."

"Paano po tayo nakakasigurado? Siya lang po ang may access sa loob. Ayoko pong maging bias. Pero kapakanan ni Lady Veronica ang nakasasalay dito. Ayokong ma-trauma na naman siya."

"I know you're concern. But Abel sa matagal kong pagkakakilala kay Patrick, he will never do things like this. He would rather hurt himself."

Napasandal ako sa dingding habang tinitingnan ang salamin. Sana totoo lahat ang sinasabi ni Mr. Simon. Sana mali ang duda ko. Sana mali ang haka-haka ko. Mapagkakatiwalaan naman si Patrick pero hindi maiaalis ang posibilidad na magbago siya kahit kathang-isip lamang siya sa pagkatao ni Lady Veronica.

Almost 2 days pagkatapos ng insidente pero ni isa walang lead kung sino ang pumasok sa kwarto ni Lady Veronica. Nagdagdag pa sila ng mga security guard para siguradong walang makakapasok sa mansion

Narinig ko sa usapan ni Ms. Martha at Xander ang pag-aalala nila sa gaganapin na big event sa company. Hindi malayong may manggulo at atakihin ulit si Lady Veronica. Kaya may naisip ako idea.

Gumising ako ng maaga. Naghanap ako ng damit na babagay sa pupuntahan ko. Alam ko naman na hindi ako makakasama kaya pinaghandaan ko ang gagawin ko. Ang plano lihim akong magtatago sa kotse para makasama sa office.

Kailangan magmukha akong executive sa datingan ko. Hirap pa akong mamili ng tie kung anong kulay ang pipiliin ko.

"Mini mini minimo.. Babalik-babalik sa kanya," tumapat sa kulay pulang tie ang daliri ko.

"Ah...?", parang nag-alangan ako. Pero dahil dito ako tinuro, ito na ang sinuot ko.

Ilang beses kong pinaktris-praktis ang pagsuot ng tie. Una nakakaloko kung paano siya isuot. Ang daming buhul-buhol ang ginawa ko pero parang sinasakal ko lang ang sarili ko. To the rescue naman si Ms. Josie. Talagang malaking tulong siya para sa akin. May pa seminar pa siya kung paano ang ibat ibang techniques sa pagsuot. Nagkaroon daw kasi siya ng dyowa noon na personal guard at siya palagi ang nag-aayos ng tie nito.

Mas lumutang ang kulay dahil sa itim na suits ko. Nag-ala pogi gesture ako. Nagselfie sa salamin para may souvenir.

Sumilip ako sa labas. Tiningnan ko kung may tao. Ang plano ko magtatago ako sa likod ng sasakyan. Lalabas na lang ako kapag malapit na kami sa office. Malamang kasi na hindi ako payagan ni Lady Veronica na sumama sa kanila.

Dahan-dahan akong naglakad ng hallway. Gigilid sa dingding at titingnan kung may parating.

Negative. Bulong ko.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko. Buti na lang de-karpet ang mga sahig hanggang sa hagdan. Ni kaluskos walang maririnig.

Nang makarating ako sa pinto, dahan-dahan ko itong binuksan. Panay ang sipat ko sa likod kung may parating pero wala. Baka kasi mamaya biglang sumulpot si Ms. Josie o si Xander. Sila pa naman yung tipong kapag nakita mo ng biglaan parang aatakihin ka sa puso. Parang may sa pusa ang presence nila. Hindi mo marinig na parating na sila.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon