Umuwi na lang kami. Wala na siya sa mood para ipagpatuloy ang birthday. Samantalang ako wala ng mukhang ihaharap pa kay Anastacia dahil iniwan ko siya sa dance floor nang nag-iisa.
Tinawagan ko si Mr. Simon at si Ms. Martha pero out of reach sila. Kaya kahit labag sa loob ko wala akong choice kundi mag-drive. Medyo nangangapa pa ako dahil medyo matagal na rin ng huli akong humawak ng manibela. Tumigil ako dahil sa isang aksidente at kahit hindi malinaw sa akin ang buong pangyayari, hinding-hindi ko malilimutan ang iniwan nitong peklat sa aking likod ko.
Sinilip ko si Lady Veronica kung tulog na. Pero nakasilip lang siya sa bintana. Tahimik. Parang tulala.
"Ah... Lady Veronica... nagugutom ka ba? Kung gusto mo pwede tayong tumigil. 'Wag kang mag-alala... this time sagot ko. Kainin mo lahat ng gusto mo."
"No. I'm already full."
. . . . . . . . sandaling katahimikan.
"Ah... Lady Veronica pwede ba akong magpatugtog ng radio?"
"No. I want a peace of mind."
. . . . . . . . tahimik ulit.
"Ah... Lady Veronica... may alam akong inuman. Bukas 24 hours. Meron akong kaibigan na singer doon. Makakahingi tayo ng discount."
"No. I just want to go home."
. . . . . . . . sabay hinga ng malalim.
Malapit na kami sa gate ng mansion.
"Hayy... thank you Lord nakarating kami ng matiwasay."
Pagdating namin sa mansion, agad siyang bumaba ng kotse. Sinalubong kami ni Ms. Josie na nakasuot ng pantulog at pangkulot sa buhok.
"Good evening Maam..." pero hindi siya nito pinansin.
Dali-daling lumapit sa akin si Ms. Josie.
"Bakit may sumpong na naman ang amo natin?"
"Mahabang istorya. Bukas ko na lang ikwento. Pagod na ako. Pwede po bang kayo na lang mag-garahe ng kotse?"
"Sure Sir!" kahit gabi na energetic pa rin siya.
"Ah.. Saglit Ms. Josie marunong ka bang mag-parking ng kotse?"
"Kung hindi mo naitatanong Sir dati akong driver ng karo ng patay."
********
Sinundan ko si Lady Veronica. Medyo mabagal siyang maglakad. Parang susuray-suray siya. Malamang epekto ng alak. Baka hindi lang limang baso ng wine ang nainom niya. Agad ko siyang hinabol at inalalayan.
"Just leave me alone!" pag-uutos nito sa akin. Wala akong nagawa kundi ang bitiwan siya. Pero nanatili pa rin ako sa likod niya kung sakaling madulas o mawalan siya ng malay dahil sa kalasingan.
Pagka-akyat namin sa 2nd floor bigla siyang tumigil. Parang napaisip siya. Maya-maya naglakad siya hindi papunta sa kwarto niya kundi papunta sa Danger Room. Pero bago niya buksan ang pinto, tumingin siya sa akin. Tumalikod naman agad ako.
"Why are you following me?"
"Ah... ako hindi ah! Papunta na kaya ako sa kwarto ko," agad akong tumalikod at umakyat ng hagdan.
Sayang! Akala ko pa naman makakasilip ako sa loob.
Hanggang ngayon curious pa rin ako kung ano ang nasa loob ng Danger Room. Tumingin ulit ako pero nakatingin pa pala siya sa akin. Sa takot, tumakbo na ako. Baka siya naman ang sumampal sa akin.
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomantikSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...