"Hayyy... Kung nakikita mo lang ang nakikita ko Simon, they look so sweet," kinikilig si Ms. Martha habang kausap ito sa phone. Nasa 'di kalayuan siya kung saan tinatanaw niya ang nangyayari.
"Mukha nga eh pero alalahanin mo may meeting mamaya si Lady Veronica. Pinaghandaan niya iyon kaya dapat madala mo siya sa office," paalala nito."Oo alam ko. Ito masyadong seryoso. 'Di ka pa rin nagbabago."
"Basta tandaan mo dapat maging maayos ang lahat itong araw na ito."
"I know that! Hayyy bagay na bagay sila. Kita mo lang ang mukha ni Abel ng may lalaking humawak kay Lady Veronica. Lumalaki ang butas ng ilong niya. Nagseselos ata siya."
"Lalaki?"
"Yes. Pero infairness gwapo 'yung guy. Parang si Christian Grey."
"Martha!"
"Ito naman selos agad,"
"What?! Sige ikaw na bahala dyan. Hintayin ko kayo sa office. Just in case ayaw talaga pumunta ni Lady Veronica I mean ni Patrick, we will alert the committee."
"Basta galingan mo para ma-impress ang buyer. Para after nito makapagbakasyon tayo I mean ako pala."
"Well I hope so."
*********
"Pili ka," binigyan ko siya ng tatlong pares ng sapatos at nilapag sa sahig. Hindi ako maalam sa mga pormahang-corporate. Kung ano yung mukhang disente at maayos sa mata tingnan iyon na ang kinuha.
"Ayoko nito. Tingnan mo may ribbon pa. Masyadong girly,' reklamo niya sa akin.
"Maarte ka pa sa amo natin."
"Aba syempre. Pogi yata ito. Dapat ganito ang pormahan ko," tinuro niya ang mga boots at leather na panlalaki.
"Subukan mo lang hawakan ang mga 'yan," nakita kong dadamputin na niya ang boots pero natigil ng masita ko siya.
"Alam mo kapag nalaman ni Lady Veronica na dinala mo siya sa ganitong class A store, magwawala 'yun. Ayaw niya ng mga ja-fake," may ilang mamimili ang tumingin sa kanya. Ang mga tindera ang sama ng titig sa kanya.
"Ssshhhh... tumahimik ka nga. Ito lang afford ng budget ko dahil wala akong dalang malaking pera. At tsaka pwede ba 'wag ka ng magreklamo. Ikaw ang may kasalanan kung bakit nginata ng aso ang sapatos ni Lady Veronica."
"Hindi ko kasalanan 'yun. Kung hindi ako pinigilan nung good-looking, yummy guy baka nagawa ko pang iligtas ang sapatos."
"Sige na tama. Pumili ka na dyan at nang makaalis na tayo," tumingin ako s phone. Nakalimang message si Ms. Martha. Abangan na lang namin siya sa café isang kanto malapit sa kinaroonan namin.
Napansin kong may kinuha si Patrick sa estante. Kaagad din niyang nilagay sa likod para hindi ko makita. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Pinakita niya sa akin ang abot-tenga niyang ngiti.
"Ano na naming kalokohan 'yan?"
"Kalokohan agad?! Ikaw wala kang tiwala sa akin."
"Ikaw ba naman tumakbo at manghabol sa kalye, hindi ka ba mababaliw?"
"Sorry na. Nagseselos ka siguro dahil doon sa good-looking so yummy guy na nakita ko."
"Nilagyan mo pa talaga ng SO."
"Hala! Nagseselos nga siya."
"Hindi ako nagseselos. Ang sa akin lang babae ka pa rin. 'Wag mong hayaan hawakan ka ng ibang lalaki lalo na kung hindi mo kilala. Malay mo kung budol-budol gang ang mga 'yan o mga sindikato na nangunguha ng mga baliw tapos gagawing pulubi para manglimos."
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomansaSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...