"Wala na tayong magagawa. Tanggapin na lang natin na talo tayo."
Tiningnan ako ng masama ni Patrick.
"Hindi ako papayag. Ngayon pa na ako ang susunod. I will prove to them that I will win in this game."
"Pero Veronica tingnan mo ang ginawa nila... Ahhh.." Napahawak ulit si Joey sa tyan niya.
Hindi na niya na nagawa pang ituloy ang sasabihin at dali-dali syang tumakbo papuntang CR.
Samantalang si Xanthea humahangos din ng takbo sa hallway, bitbit ang isang malaking pack ng tissue.
"Nasan na siya?"
"Nandoon ulit sa loob." Sabay turo sa pinto ng CR.
Kahit para sa lalaki ang palikuran hindi nagdalawang isip si Xanthea na pumasok. Halos maubos ni Joey ang tissue sa loob. Rinig na rinig sa labas ang mahina niyang daing.
Medyo naasiwa si Patrick kaya lumayo muna ito.
"Tama si Joey. Tingin ko dapat itigil na natin ito."
"At ano lalabas tayong loser. No way in hell! Lalo pa kami na ang maghaharap."
Hinawakan ko siya agad sa braso nang aakma itong tatalikod sa akin.
"Ayoko lang na may mangyari sayo. Paano kung ikaw naman ang isunod nila?"
"Hindi nila ako kaya. At kailanman hindi ako umaatras sa laban."
"Veronica?" sa totoo lang hindi na ako natutuwa sa nakikita ko sa kanya. Ibang Patrick na ang nasa harap ko.
"Ito naman hind na mabiro. Syempre reputasyon ni Lady Veronica ang nakasalalay dito. Kapag nalaman niyang natalo tayo, sino ang sisisihin? Syempre ikaw at ako. Kaya dapat may gawin ako."
Tinakpan ko agad ang bibig niya nang mapansin kong may paparating na tao.
"Pwede ba mag-ingat ka naman baka may makarinig sa atin. Kapag nalaman nilang..."
"Guys!" Nakita kong papalapit si Xanthea. Hinawakan niya sa balikat si Patrick.
"Don't touch me with your hands!" biglang nandiri si Patrick ng hindi sinasadyang mahawakan siya nito sa likod.
"Ang arte mo. Naghugas naman ako."
"Kamusta na siya? Kaya na ba niya?" tanong ko.
Nag-pouty lips siya sabay umiling.
"Kailangan ko na siyang dalhin sa ospital. Tingin ko hindi na siya aabutin ng buhay dito. Ayoko ng patagalin ang paghihirap niya. I don't want to lose Joey. "
"Your crazy. Parang dinala mo na siya agad sa hukay."
"Kung iyon ang makakatulong para kay Joey gawin mo. Kaya namin ni Veronica. Di ba?" Hinala ko si Patrick sabay inakbayan.
"Talaga? I'm so touch. You're a true friend for my little Joey. Hindi ako nagkamali na naging partner ko kayo sa larong ito," niyakap niya ako bigla. Halos masakal ako sa paglambitin niya sa leeg ko.
"Well.. well.. well.. Don't you ever never touch my boy. I'm capable of hurting people."
"Grabe siya. Pero infairness solid pa rin tayo kahit wala pa tayong panalo. Ang mahalaga enjoy tayo sa ganitong moment."
"Excuse me. May isang tie," biglang sabat ko.
"As if naman hahayaan ko na magpatalo. Sa huli palaging ginagamit ang alas. Kaya I'll make sure the next game is mine."
"Dyan talaga ako bilib sayo Veronica. Your one of a kind. Parang sinaniban ka ng dalawang klase ng tao."
Nagulat kami sa sinabi niya. Nagkatinginan kami ni Patrick. May laman ang sinabi niya. Hindi kaya alam niya ang sikreto ni Lady Veronica?
BINABASA MO ANG
My Girl Is A Man
RomanceSi Abel ay isang ordinaryong lalaki na ang tanging pangarap ay mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Ngunit ng magkaroon ng malaking hamon sa kanyang buhay, wala siyang magawa kundi pasukin ang pagiging isang escort boy. Inaasahan niyang...