CHAPTER 40 - COMING HOME

45 2 0
                                    

"Say aahh...."

"Aahhh.." sagot ko naman.

"Si kuya uto-uto." Panunukso ni bunso sa akin.

"Asus Mabel ikaw din ganyan kapag maysakit. Gusto palaging binebeybi.." Inaasar na siya ni Rodel.

"Hindi na ako beybi.." kontra niya

"Itong mga batang ito. Sige humiga kayo dito at susubuan ko kayong lahat."

Halatang hindi pa natatapos sa pang-aasar si Jodel at humiga sa tabi ko. Kunwaring nagpapasubo din. Binatukan ko ng matauhan.

"Eh Nay kamusta na po si Veronica?" sabay subo ko sa pagkain. Nakita kong nagkatinginan sila. Parang sa pakiramdam ko, nagtuturuan sila kung sino ang mauunang magsalita.

"Kuya kasi... Ok naman siya. Pumunta pa nga siya dito noong na coma ka. Pagkatapos ka niyang kausapin, iyak siya ng iyak. Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi na niya ako pinansin."

"Gusto ko siyang makita. Ok na ba siya?" Tinanggal ko ang kumot. Tatayo na sana ako pero pinigilan ako ni Nanay.

"Anak.. Nakalabas na si Veronica pero nakiusap siya sa akin na kung pwede daw kalimutan mo na siya."

"Hindi naman pwede yun. Ni hindi ko pa nga siya nababati ng Happy Birthday. Aba marunong na siyang umiwas ah."

"Abel.. Sinabi na niya lahat sa akin ang totoo. Na ikaw ang nagligtas sa kanya noon. Ayaw niyang mapahamak ka pa kaya nagdesisyon siya na kung pwede hayaan mo na siya. Na kalimutan mo na lang daw lahat ng meron sa inyo."

"Hindi naman pwede ganun Nay. Pagkatapos ng lahat. Paanong kakalimutan?"

"Kuya intindihin mo muna. Maaaring nabigla din si Ate Veronica sa mga nangyayari. Siguro ng malaman niyang ikaw ang nagligtas sa kanya noon pagkatapos nangyari pa ulit ngayon, natatakot lang siya na baka maulit muli ang nangyari. Ayaw ka na niyang mapahamak pa."

"Pero Janel hindi lang buhay ko ang nakataya. Maski din ang sa kanya. At tsaka..."

Hindi ko na tuloy pa ang sasabihin ko dahil nakaramdam ako ng pagsakit ng ulo.

"Sabi ko naman kasi sayo. Wag mo muna isipin ang bagay na iyon. Tingnan mo tuloy nangyari sayo."

Pagkatapos noon wala na akong narinig pa kay Lady Veronica. Isang buwan ang nakalipas pero tila nalimot na niya kung ano ang nangyari sa aming dalawa. Bukod doon, nalaman na rin kung sino ang may kagagawan ng sunog. Walang iba kundi ang kanyang kapatid na si Conrad. Ayon sa balita, paghihiganti ang puno't dulo ng lahat. Naungkat din ang issue ng insidente limang taon na ang nakakaraan. Kaya nagdesisyon na ako. Pupunta ako ng mansion. Kailangan namin mag-usap ni Lady Veronica. Hindi pwede sa ganito matapos ang lahat.

*********

I need to calm down as much as possible. Pero sa tuwing naiisip ko ang kapatid ko gumawa nito sa akin, hindi ako mapakali lalo naiisip ko si Abel. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin. Kaya kahit labag sa kalooban ko, kinailangan kong kalimutan ang lahat ng meron ang sa amin. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

"Excuse me Lady Veronica."

Si Ms. Martha.

"Come in."

Akala ko siya lang papasok ngunit nagulat ako ng makita kong kasama niya si Mr. Simon. Tumingin ako sa kanilang dalawa. Parehong kita sa mukha nila ang pag-aalala.

"Is there a problem?" tanong ko.

"There will be an emergency meeting regarding kay Mr. Conrad and..." saglit napatigil si Ms. Martha sa sinabi niya.

My Girl Is A ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon