Chapter 2 - That arrangement

296 10 13
                                    

Hi ElleZyrg! Dedicated pala sayo tong chapter na to :) Thank you so much!

-yourdramaprincess

________________

Chapter 2

June 18, 2012 | Monday – Afternoon/Evening

Kim’s POV:

 “Aba ako ba tinatawag mong panget? Sino kaya satin mas panget? HAHAHA! Halika ka nga dito! Ummmmmphhhh” niyakap nya ulit ako.

Si Rob. Childhood friend ko siya. Pero bakit andito siya ngayon? Hmmm..

“Ehem” parinig ni Anika. -> Conservative kasi eh.

“ Oh sige na girls, hiramin ko muna si Kim ah! Ba-bye!!! ” kumaway nalang ako kela Aria. Maiintindihan naman siguro nila. Si Aria nalang mag e-explain kela Tin at Anika. Si Aria palang kasi nakakakilala kela Rob eh.

Ihahatid daw ako ni Rob sa bahay kasi may dala siyang sasakyan. Kaya nauna narin yung barkada umuwi.

“Kailan pa kayo dumating Rob? At asan si Sam?? Grabe namiss ko kayo sobra!” excited na sabi ko kay Rob.

3 years din kasi silang nasa States. At family friend namin sila, dahil mag bestfriends ang mga nanay namin.

Hindi naman sila nagsabi na uuwi na sila ng Pilipinas kaya nagulat talaga ako.

“Oh alam ko na yang iniisip mo. Hindi kami nagsabi sainyo kasi gusto namin kayong sopresahin. Alam mo naman si Sam, mahal na mahal ka nun eh. Kulang nalang nga maging kambal kayo para di sya maalis sa tabi mo.” Natatawa pa niyang sabi habang nagda-drive.

Bestfriend ko si Sam. Halos magkasama na kasi kaming lumaki dahil lagi kaming pumupunta sa bahay nila at vice versa.

1st year College nadin kasi tong si Rob kaya nakakapag drive na, at 3rd year high school na dapat si Sam. Though hindi ko alam kung 3rd year high school padin ang papasukan nya dito sa Philippines, kasi diba galing nga silang States.

“Niloko mo pa ako! Haha. Alam ko naman yun eh! Asan nga kasi si Sam? Bat ikaw lang andito?? Tsaka bakit kayo bumalik ng Pilipinas? Akala ko nga wala na kayong balak bumalik dito eh.” Pagtatakang tanong ko sakanya..

Di ko na kasi talagang inaakala na babalik sila. Ang alam ko eh for good na sila sa states dahil nandoon na ang trabaho ng Papa at Mama nila.

“May aasikasuhin kasi sila Mama dito. Kaya pati kami isinama na nila. At isa pa… nakalimutan mo na ba? Papakasalan pa kita diba?” nag smirk pa si Rob habang nagda-drive.

“ANO?!!! ANONG PAPAKASALAN? SINONG NAGSABI? ANONG PINAGSASABI MO?” gulat na gulat ako sa mga sinabi niyang yun.

Tahimik lang si Rob, pero naka smile parin. Di ko siya maintindihan.

“Ngingiti-ngiti ka pa diyan! Sagutin mo ako Rob! Anong pinagsasabi mo?”

“Kim, kinausap na nila Mama sila Tita dati pa, at pumayag ang parents mo. Ipinagkasundo na nila tayo. Right after college mo, magpapakasal agad tayo.” Diretsong sagot sa akin ni Rob, nakangiti padin ang loko.

HINDI KO TALAGA MAINTINDIHAN! PANO NANGYARI YON? At wala namang dahilan para gawin nila  Mama yun sakin.

Tahimik lang kaming dalawa after akong sagutin ni Rob. Ang daming tanong sa isip ko. Hindi ako mapakali. Di ko na namalayan na nakarating na pala kami sa gate ng bahay namin.

May isang hindi ko kilalang sasakyan ang nakapark sa labas ng bahay namin. Hindi ko alam, pero kinakabahan ako dahil sa ideya ko kung kanino ang sasakyan na yun.

My Broken Heart (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon