Chapter 3
June 18, 2012 | Monday
Vince’s POV:
Sa kanya kaya talaga tong panyo?
Paano kung hindi?
Pero kailangan ko na itong maibalik sakanya.
Hindi lang yun, kasi….
Gusto ko rin siyang makita.
Namula pa pala ilong niya kanina. May sipon kaya yun?? Tag ulan pa naman ngayon. Kaya ba may dala siyang panyo?
Teka… bakit nagaalala ako sa babaeng yun?
Hindi ko alam kung bakit, pero kanina pa ako hindi mapakali.
Kanina ko pa siya iniisip.
Nakapagmove on na nga ba ako?
“Hoy Vince! Nakatulala ka nanaman diyan! Lunch Break na oh!” sinigawan pa ako ni James! Ano ba yon? Di naman ako bingi.
“Oo tara na! alam ko mga patay gutom naman kasi kayo eh! HAHAHA!” palokong sagot ko sakanya.
lumabas na kami ng room para pumunta sa food court.
Hindi ko na namamalayan pero naramdaman kong kailangan kong hanapin yung babaeng yun.
Lumingon lingon muna ako, buti nalang at hindi siya mahirap hanapin.
Hindi nga ba? O sadyang tumatak lang sa isip ko yung itsura niya kaya hindi ako nahirapang maghanap?
Kinakabahan na ako. Gusto ko siyang lapitan para iabot itong panyo.
Yun lang ang nasa isip ko. Pero may iba pa akong nararamdaman na nagtutulak sakin para puntahan siya.
“Pare, ayun yung nakabangga ko kanina oh. Puntahan muna natin siya, ibabalik ko lang yung panyo. ” mahinang sabi ko kay James.
“Ah osige. Oy Ryan! Tara samahan muna natin si Vince. Mukhang may popormahan oh. Sa wakas nakapagmove on nadin to. HAHA” loko loko talaga tong si James eh.
Lumakad na kami papunta sa kinaroroonan nung babae.
May kasama siya, mga kabarkada niya siguro yun.
Natanaw ko rin si Raffy na kausap nila. Nakaakbay si Raffy dun sa isang kasama nung babae na nabunggo ko kanina. Siguro girlfriend niya yun?
ETO NA VINCE.. Ang kanina mo pang gustong makita.. Este hanapin para ibalik ang panyo.
NASA HARAP MO NA.
“Ah miss, panyo mo. Nalaglag kanina nung nagkabungguan tayo.” Hindi ko pinahalata na kinakabahan ako. Di naman ako usual na kinakabahan pag nakikipagusap sa babae eh. Pero ngayon. Iba….
BINABASA MO ANG
My Broken Heart (HIATUS)
Teen FictionJosh Vince Buenaventura is a student in Liamson Academy. He is currently broken and in pain. Will he be able to find true love through pain? Althea Kim Co is a simple girl but with a prestigious family. How can she be freed to fall in love when ever...