Chapter 5
June 18, 2012 | Monday
Harvey’s POV:
FIRST DAY OF SCHOOL! Mag O-overnight ako kela Harrison ngayon dahil ganun naman talaga kami every year.
Every first day of the school year, dun ako makikitulog sakanila. Kasi…. Wala lang =)
Close friends kami ni Harrison. Kilala nadin kasi nila Mama at Papa ang parents ni Harrison kaya ok lang na nakikitulog ako sakanila. Kakilala din kasi nila ang family friend namin na sila Sam.
“Oh Harvey tara na sa kwarto!” tinawag na ako ni Harrison papunta sa kwarto niya.
“Oh sige susunod na.” sagot ko sakanya.
Pagpasok ko palang ng kwarto niya, nakahanda na yung dalawang laptop niya. Mag Do-Dota na kami agad. Syempre Boys Night eh!
*Vibrate*
Nagvibrate yung cellphone ni Harrison. Pero di niya pinansin kasi busy kami sa laro.
Pagkatapos namin mag Dota, natulog na agad kami. Mga 4hours din yun ah! May pasok pa kasi kinabukasan eh.
*NEXT DAY*
June 19, 2012 | Tuesday 5:30am
Harvey’s POV:
“HARVEYYY!!!! NANDITO NA SILA SAM SA PILIPINAS! WAAAAAA!” sigaw ni Harrison habang hawak yung cellphone niya.
Kagigising ko lang pero nanlaki agad ang mga mata ko sa narinig ko.
Bumalik na pala sila ng Pilipinas! Pero kelan pa? At bakit hindi naman nila pinaalam samin?
3 years kasi sila Sam sa states. Kasama yung buong pamilya nila.
Alam kasi namin ng ate ko, for good na sila dun. Kaya nakapagtataka talaga na umuwi sila ngayon lalo na nang walang pasabi.
“Talaga?! WAAAAAAAAAAA BAKIT DI SILA NAGSABI NA UUWI SILA!” excited ko ding sagot kay Harrison.
“Si Sam pala yung nagtext kagabi eh! Di ko kasi napansin yung phone ko! WAAAAAAAAAA” excited na excited na sabi ni Harrison sakin habang papunta kami ng Dining table.
Sobrang saya ni Harrison ah. Hindi ko pa siya nakikita na ganyan kasaya ulit, simula nung umalis sina Sam.
Pero bakit ganyan siya ngayon? Parang mababaliw na ata dahil andito na ulit sila Sam sa Pilipinas??
Ang alam ko may contact siya kay Sam eh. Kaya parang wala naman atang dahilan para maging ganun siya kasaya ngayon.
Unless…. May feelings kaya yun para kay Sam?
“Hoy Harvey! Dalian mo na at maliligo pa tayo! Makikita ko na ulit si Sam mamaya! Sa LA nadin siya magaaral! WOOOOOOOOOOOO! UNA NA AKO SAYOOOOO!” pasigaw pa siyang umakyat sa kwarto niya pagkatapos na pagkatapos namin kumain ng umagahan.
“Osige magaayos muna ako ng gamit para diretso na tayo mamaya sa school!” nilakasan ko yung pagkasabi ko nun pero hindi ko alam kung narinig ni Harrison.
Excited nadin akong makita si Sam eh. Pero hindi naman kasing excited ni Harrison. Halos kasama nadin kasi naming lumaki si Sam at yung kuya niyang si Rob.
Sa LA din kaya magaaral si Rob? Wala naman kasing sinabi si Harrison tungkol kay Rob eh.
*SCHOOL*
7:00am
Pagkapasok na pagkapasok namin ng gate ni Harrison ay hinanap kaagad niya si Sam.
Lumilingon siya kung saan saan na parang hindi mapakali. Buti nalang at 7:30 ang start ng classes dito sa LA. Mahaba pa ang oras namin para hanapin si Sam.

BINABASA MO ANG
My Broken Heart (HIATUS)
JugendliteraturJosh Vince Buenaventura is a student in Liamson Academy. He is currently broken and in pain. Will he be able to find true love through pain? Althea Kim Co is a simple girl but with a prestigious family. How can she be freed to fall in love when ever...