Chapter 4 - I'm a good gangster.

304 8 11
                                    

Chapter 4

June 18, 2012 | Monday Afternoon/Evening

Vince's POV:

Napabuntong hininga nalang ako habang papasok na ako sa kotse.

Oo nagda-drive na ako. May Students License naman na kasi ako at di naman kalayuan ang bahay namin dito sa school. Hindi kami sabay umuwi ni Mama ngayon dahil may emergency meeting pa nga siya.

Ewan ko ba pero parang badtrip ako ngayong araw. Lalo na nung nakita kong may yumakap kay Kim.

5pm na ako nakarating sa bahay. Andito na din pala si Papa. Naabutan ko siyang nanunuod ng TV sa Sala namin.

College Professor naman si Papa sa Liamson International University. Business Management ang kursong itinuturo niya doon.

"Oh anak buti nakauwi ka na? Di kayo sabay ng Mama mo?" tanong sakin ni Papa.

"Ah may meeting pa po kasi si Mama eh. Pinauna na po niya akong umuwi." Mahinang sagot ko kay Papa.

Nanlulumo na ako. Hindi ko alam kung bakit. Parang ang daming nangyari ngayong araw.

"Okay ka lang ba anak? May problema ka ba?" Hindi ko alam ang isasagot kay Papa. Hindi ko rin alam kung may problema ako. Basta ang alam ko, nalulungkot ako na ewan.

"Ah eh wala naman po... Sige po Pa, akyat muna ako sa kwarto." Hindi ko na hinintay makasagot si Papa. Nakapasok na ako ng kwarto at humiga muna ako sa kama.

***

"Hello Vince! Musta? =D" nakangiting sabi sakin ni Kim.

"Ayos naman ako. Ikaw? =)" gumanti rin ako ng ngiti sakanya.

"Eto hinihintay ka padin. Hanggang ngayon." Nagfade yung smile ni Kim habang sinasabi niya yun.

Biglang may tumulong luha sa mga mata niya at humahagulgol na siya habang umiiyak.

Hindi na ako nakapagsalita pagkatapos nun. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Gusto ko siyang hawakan. Gusto ko siyang yakapin.

Gusto kong punasan ang luha sa mga mata niya.

Gusto kong ibsan ang masakit na nararamdaman niya.

Lalapitan ko na sana siya...

Nang biglang......

*Ring* *Ring*

Minulat ko ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakatulog pala ako.

Hindi nanaman ako mapakali dahil sa panaginip ko. Dahil kay Kim. Ayaw kong nakikita siyang nahihirapan, at lalo na kapag nasasaktan.

*RING* *RING*

May tumatawag pala. Dali-dali kong sinagot ang cellphone ko.

"Hello?! Snake!! May meeting tayo ngayon diba? Asan ka na?" oo nga pala. May meeting kami ngayon. Anong oras na kaya??

"Teka Dragon! Pasensya na nakatulog ako eh.. Anong oras na ba?? " nagmamadali akong nagpalit ng damit at nagsuot ng sapatos.

"Alas otso na! nauulol na kami kahihintay sayo!!" pasigaw na sabi ni Dragon.

"Pasensya na tol, papunta na ako." Tinapos ko na ang tawag at nagmadali akong lumabas ng kwarto at bumaba.

"Oh anak san ka pupunta? Di ka pa kumakain ah." Andito na pala si Mama. Naramdaman ko nga ang kalam ng sikmura ko. Pero bahala na, di ako pwedeng mabadshot kela Dragon.

"Ahhh may meeting lang po kami Ma. Kasama ko naman po si James eh. Sa labas nalang po ako kakain." Nakangiti kong sabi kay Mama.

"Osige ingat kayo ha. Wag kayo masyado papagabi. Dalhin mo cellphone mo para matawagan kita. Dalhin mo na yung kotse para mabilis at safe ka makauwi mamaya." Sagot ni Mama habang ibinibigay niya yung susi ng kotse sakin.

My Broken Heart (HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon