Chapter 2

19.3K 206 6
                                    

Healed is also available on Novelcat at mas mabilis po ang update ko roon 🤗

Chapter 2

"MAY I put this on your finger?" agad na tanong sa kanya ng binata nang pagbuksan niya ito ng pinto ng kanilang bahay.

Inarkuhan niya ito ng isang kilay. "Anong akala mo sakin tatanggapin ko yan?" pangsosopla niya rito.

Nameywang naman si Rhythm at tinapatan ang pagsusungit sa kanya ng dalaga. "Anong akala mo sa 'kin? gusto ko itong ginagawa ko?"

"Pakialam ko naman sa 'yo. Ano bang ginagawa mo rito? Ha? Isang linggo na ang nakalipas na hindi ka pumunta rito, and I am sure na nakalimutan na ni daddy ang nangyari noong nakaraan. Ano pa bang ginagawa mo rito ngayon ha? alis ka na nga!" pagtataboy niya sa binata.

Itinulak ni Rhythm ang pinto ng kanilang salas dahilan para makapasok ito sa loob. "At sinong may sabi sa iyo na nakalimutan na ng daddy mo? naririto ako ngayon kasi, pumunta siya sa opisina ko at pinagbantaan ako. At. Ang buong. Pamilya. ko," mariin niyang wika habang nakatitig dito.

Napatakip naman sa sariling bibig si Ana. "Oh my God! Ginawa talaga ni dad iyon?" Hindi siya makapaniwalang nagawa iyon ng kanyang ama.

"Accept this ring Ana, please," nangungusap ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Paano kung ayaw ko?" Pagtataray niya rito.

Rhythm let out a heavy sighed. "If you accept my proposal, I will do anything for you, Ana. . . anything," Rhythm sincerely said.

Napaisip naman ang dalaga sa sinabi nito pero karakarakay may naging tugon din agad siya. "Oh, sige. Papayag ako na magpakasal sayo pero — "

"Pero ano?"

"Kapag ikinasal na tayo ay ako. Lagi. Ang. Masusunod," mariin niyang sabi saka dinama ang sariling labi sa harapan ni Rhythm. Pero laking dismaya niya nang umarte itong nasusuka sa kanyang ginawa.

"Iyun lang? easy," mayabang na sagot nito.

"At ikaw din ang magluluto palagi," dagdag pa niya.

"I know how to cook," sabi ulit ni Rhythm at kinindatan pa siya nito. Siya naman ngayon ang umarteng nasusuka sa harapan nito.

"Ikaw din ang maglalaba, maglilinis ng bahay. Ikaw! Okaw lahat ang gagawa ng gawaing bahay! Ayaw ko ng kasambahay. Understood?"

Nanlaki ang mata ni Rhythm sa sinabing dalaga kaya nag-isip siya ng paraan para mabago ang mga bagay na gusto nitong ipagawa sa kanya. . . "Sure. Gagawin ko yan lahat. . . but I have one condition."

"At ano naman iyon, aber?" Nakapameywang ito habang nakatingin sa kanya.

Lumakad papalapit siya rito at napaatras naman ang dalaga sa ginawa niya. "What the fvck? Abong ginagawa mo?!" singhal nito sa kanya pero patuloy pa rin siya sa pag-abante hanggang sa nagdikit na ang kanilang mga katawan. . . .

Malagkit na tinitigan ni Rhythm sa mata ang dalaga. "If I said, I want to fvck you, you'll say yes. If you say no, I will punish you," Rhythm said in a bedroom voice.

Hindi naman nagpatalo si Ana sa pagkakatitig nito sa kanya. "Punish me then," buong tapang niyang sagot dito.

Bahagyang umatras si Rhythm para magka-espasyo silang dalawa nito. "Then I will punish you," sabi niya saka ito tinalikuran pagkatapos ay naupo sa sofa na nasa may salas.

Sinundan naman ni Ana ang binata at umupo sa may dulo ng sofa kung saan ito nakaupo. "Ano bang punishment ang ibibigay mo sa akin ha? I am ready Rhythm, come on! Punish me!" panghahamon niya rito.

Rhythm smirked. This is a win, win situation. Wika niya sa kanyang isipan.

"Your punishment is. . . I will fvck you in every corner of my house."

Nagulat naman si Ana sa sinambit nito. "The heck?! you're unfair! You asshóle!"

"Unfair?" Rhythm chuckled. "I am not unfair. You choosed punishment, I am just going to grant your wish, Miss Knife."

Tumaas naman ang isang kilay niya. "It's not fair! Hindi mo sinabi na gano'n ang punishment mo! Hindi ko ibibigay sa 'yo ang katawan ko! No way!"

"Nagtanong ka ba? 'di ba hindi naman? kaya 'wag mo akong sisihin. Miss Knife," Rhythm sarcastically said.

"Stop calling me Miss Knife! It irritates me!" sigaw nito at napatakip na lamang ang binata sa sariling tainga dahil sa timbre ng boses ng dalaga.

"Miss Knife ang tawag ko sa 'yo kasi ang talas ng dila mo. . . you are very different from the woman I met before. Para kang tomboy na ewan," maganda ka pa naman.

"Pakialam mo ba? This is me! I am not born to please every person living here on earth. . . accept me for who I am, my so called future husband," she firmly said while rolling her eyes.

Napabuntong-hininga na lamang si Rhythm. Paano niya ba mapapapayag ang dalaga? Kung ang pag-uusap nila ay palagi lamang nauuwi sa pagbabangayan.

"Ana. . . puwede ba tayong mag-usap nang maayos?" mahinahon niyang tanong dito.

"Eh' ikaw itong — "

"Sorry na, ako na. . . ako na ang mali. Okay?" Siya na mismo ang nagbaba ng pride dahil alam niyang 'pag patuloy siyang nakipagtalo sa dalaga ay walang patutunguhan ang kanilang pag-uusap.

"Oh, sige na nga, ano ba talagang sadya mo rito?"

"Nandito nga ako para magpropose at para papirmahan sa 'yo itong memorandum of agreement," sabi niya saka inilapag sa lamesita ang isang brown envelope.

"Hindi ba ako maaagrabyado kapag tinanggap ko ang alok mo? Anong magiging benepisyo ko? At anong nilalaman niyang agreement na 'yan ha?" sunod-sunod na tanong ni Ana sa kanya.

Napahilot na lamang siya sa sentido dahil hindi niya kinakaya ang bilis ng pagsasalita nito. "You think, maaagrabyado ka? Benefits? Ibibigay ko lahat ng gusto mo. . . itong agreement ay tungkol lang sa mga dapat — "

Hindi na natapos ng binata ang sunod na sasabihin dahil kinuha na ni Ana ang envelope saka iyon agad na pinirmahan.

"Hindi mo man lamang binasa?" hindi niya makapaniwalang tanong dito.

"Tinatamad akong magbasa, saka sabi mo hindi naman ako maaagrabyado 'di ba? bakit ko pa babasahin ito?" balik na tanong niya sa binata at ibinalik niya na rito ang brown envelope. "Oh, anong ginagawa mo pa rito? Umalis ka na," pagtataboy ni Ana sa binata.

Hindi naman agad umalis si Rhythm. Bagkus ay inabot niya ang kamay ng dalaga upang isuot doon ang singsing.

Hindi naman na pumalag si Ana ng isuot ng binata sa kanyang daliri ang singsing dahil alam naman niyang kakailanganin niya iyong suotin para malaman ng pamilya niya, lalong lalo na ng kanyang ama na soon to be wife na siya.

"Thank you for helping me Ana," nakangiti nitong sabi sa kanya.

Nag-iwas siya nang tingin kay Rhythm dahil parang biglang naging guwapo ito sa kanyang paningin nang makita niya ang totoong ngiti nito.

"U-umalis ka na nga," pagtataboy niya rito.

"Okay. I am going to leave now, see you on our wedding Ana. . ." sabi ni Rhythm at bago pa siya tuluyang lumabas ng bahay ay lumapit siya sa dalaga saka ito ninakawan ng halik sa pisngi. . .

Healed (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon