Chapter 4
HINDI MAKAPANIWALA si Ana na kasal na siya kay Rhythm. Sadya nga namang mapaglaro ang tadhana, dahil ang dapat na paghingi niya lang dito ng payo ay nauwi sa isang kasalan.
"You wanna take a bath?" pukaw sa kan'ya ng asawa. Hindi siya kaagad umimik kaya nilapitan siya nito. "May problema ka ba?"
Nag-angat siya ng mukha saka ito malamlam na tiningnan. "My problem is our marriage. . . " Itinuro niya ang tapat ng kaniyang dibdib. "And my heart," dagdag pa niya.
Napahinga nang malalim si Rhythm. "Sorry kung naipit ka sa kasal na ito, don't worry. . . after six months puwede na tayong maghiwalay," walang emosyon na maririnig mula sa tinig nito.
Nangunot ang noo niya. "Six months is too long. Hindi na ba pwedeng baguhin ang nasa kontrata?"
"Sorry Ana, but the content of the contract cannot be changed. I told you to read it. But you did not,""
"Hindi ko naman alam na ganoon kahaba ang magiging pagsasama natin, e. At saka may tiwala naman ako sa'yo kaya hindi na ako nagtanong."
Napangiti naman si Rhythm sa sinabi ng kaniyang asawa.
So she trust me huh?
"ANO NAMANG gagawin natin sa loob ng anim na buwan?" bigla ay naitanong ni Ana sa kan'ya.
"Marami tayong puwedeng gawin." A smirk formed on his lips. "Tulad nito." Akmang hahaplusin niya ang pisngi nito ngunit mabilis itong umalis mula sa pagkakaupo sa gilid ng kama.
"I-i think, I need a shower." Nanginginig ang labi nito saka mabilis na naglakad patungo sa banyo.
"Hey! You're still wearing your gown my wife!" natatawang sigaw niya pero hindi na iyon inintindi ni Ana.
KINAKABAHAN habang nakatingin sa repleksyon ng kan'yang hubad na katawan sa mirrored walls si Ana. Iniisip niya kung paano siya haharap kay Rhythm, ganoong roba lamang ang kanyang suot. Pagkatapos ay sumilid pa sa kan'yang isipan ang sinasabi nitong punishment! Kaya lalong nag-triple ang kaniyang kaba na nararamdaman nang lumabas na siya sa banyo at nakita ang kanyiang asawa na nakahiga sa kama.
"M-maligo ka na rin," sabi niya rito pagkatapos ay dali-dali siyang nagtungo sa may dressing table.
Umalis mula sa pagkakahiga si Rhythm sa kama. Akala niya'y maliligo na ito, ngunit mali siya nang akala. Dahil huminto ito sa likuran niya saka siya nito niyakap mula roon.
"R-rhythm, ano ba'ng ginagawa mo,"
HUMARAP si Rhythm sa asawa saka inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha nito.
"Don't be frightened of me, Ana,"aniya saka idinampi ang kan'yang labi sa labi nito.
Hindi tumugon si Ana sa halik ng asawa dahil naisip niya na sapat na ang magpaubaya siya rito. But she felt very different from the kiss he was giving to her. Her past lover is not passionate, while Rhythm is careful as if they were really inlove with each other.
But she knew her thoughts were vague. . . dahil wala namang pagmamahalang nabuo sa pagitan nilang dalawa.
After a few moments, her husband's careful kisses became passionate and was urging her to open her mouth and respond to his kisses.
At hindi nabigo si Rhythm sa mithiin na iyon, dahil tinugon na rin niya ang halik nito.
Hindi na rin niya nararamdaman ang kaba at takot na kanina lang ay nararamdaman niya nang magkatapat ang mga mukha nila ng kan'yang asawa. Dahil nang hilahin nito pababa ang suot niyang roba ay hindi niya ito pinigilan.
"I-i want you on bed," Rhythm said as their lips parted slightly.
Hindi naman na siya umimik. Sa halip ay nagpaubaya na lang siya rito nang buhatin siya nito patungo sa kama.
They were still kissing, but all of a sudden --- her former lover entered her mind.
At ang kanyang kaba at takot na kanina ay hindi niya na nararamdaman ay bumalik. . .
"D-deviol,"
Rhythm was too stunned to speak. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang puso niya nang marinig niyang binanggit ni Ana ang pangalan ng dati nitong kasintahan. . . He immediately left on bed and covered his wife naked body.
"Siya ba yung ex mo?" He's holding back his emotion.
His wife nodded.
"I know you are not ready na gawin ang bagay na dapat ay gagawin natin kanina. . . but I didn't force you either," mapaklang sabi niya.
"A-alam ko, ginusto ko rin naman iyon," namamalat ang boses ni Ana.
"I-i thought, you're a virgin. Guess I'm wrong."
"Y-YES, I-I AM NOT A VIRGIN," Pag-amin ni Ana.
Wala naman siyang dahilan para itago ang totoo rito, dahil darating ang oras na malalaman din nito 'yon.
Bagsak ang balikat ni Rhythm nang dahil sa narinig mula sa kan'yang asawa. "Wow! I'm such a fortunate man," he sarcastically said.
"S-sorry, kung hindi ko agad sinabi."
Tiningnan niya ang kan'yang asawa at nababanaag niya ang lungkot sa mukha nito. Kaya ang galit na nararamdaman niya kanina ay napalitan ng awa. "You don't need to say sorry. Alam kong hindi mo ako mahal. Kaya wala akong karapatang masaktan, " aniya saka ito nilapitan. "Pero masakit dito." Itinuro niya ang tapat ng kan'yang dibdib. "Ang malaman ko na hindi ako ang nakauna sa 'yo ay isang malaking dagok sa pagkalalaki ko," pag-amin niya rito.
Kinuha nito ang kamay niya saka iyon hinawakan. "Pero hindi mo naman ako mahal. Kaya hindi ka dapat masaktan."
"H-hindi nga kita mahal. but I like you as a woman."
Nakaramdam nang kirot at disappointment si Ana sa narinig niyang iyon.
"Don't you like me too?" tanong nito sa kaniya.
"I-i like you, as a friend."
Inalis ni Rhythm ang kamay niya na nakahawak sa kamay nito. Gusto niyang magwala dahil sa narinig dito. "As a friend, huh?"
Hindi siya umimik kaya nagsalita muli ang kaniyang asawa. "Maka-aasa kang hindi ako tatabi sa'yo sa kama. At 'wag ka mag-alala, hindi kita sasalingin sa anumang bagay na gusto mong gawin. But hopefully, you can pretend that we're happy couple in front of our parents." Walang anu-ano'y iniwanan siya nito sa loob ng kuwarto.
_____________________________________
NOTE: This story is for all the girls out there who's afraid to love again.. dahil baka wala ng tumanggap sa kanila because they aren't virgin anymore. if you want to know how WORTH IT you are as a woman.. READ this story until the END.
And kung hindi niyo naman ma-take ang ganitong klase ng story, wag niyo na lang basahin :) nag- cope up ako sa ganitong klase ng story kasi gusto kong makatulong sa mga babae na nakakaranas ng ganito. so please respect my work! Lovelots!

BINABASA MO ANG
Healed (EDITING)
RomanceShe asked him for an advice for her broken heart but they end up of becoming husband and wife! Cover by: BeautifullyTragic_01