Chapter 5

16.8K 191 6
                                    

Chapter 5

ISANG MALALIM na buntong hininga ang pinakawalan ni Ana bago bumaba sa silid ng kanilang bahay. Matapos kasi ang kanilang kasal ni Rhythm sa America ay napagdesisyunan agad nilang dalawa na bumalik sa Pilipinas. Nagtaka pa nga ang kanilang mga magulang dahil parang hindi naman daw nila na-enjoy ni Rhythm ang honeymoon nila roon.

Mabuti na lamang at magaling magpalusot ang kan'yang asawa, sinabi nito na mas gusto nito ang atmospera sa Pilipinas kaya umuwi na agad sila.

Ipinagpasalamat niya na hindi na muli nagtanong ang magulang ni Rhythm.

Kagaya ng napagkasunduan nilang dalawa, aakto silang masayang mag-asawa sa harap ng kanilang mga magulang.

"Paano ba kayo nagkakilala ng anak ko, hija?" tanong ng ina nito sa kaniya.

Isang family dinner ang inihanda ng mga Cooper para sa kan'ya. Iyon daw ay dahil masaya ang mga ito na nadagdagan ng bagong miyembro ang pamilya ng mga ito.

"Ahh, mama we met at their home," si Rhythm ang sumagot.

"Paano ka naman napunta sa bahay nila ,ha?" naiintrigang tanong nito.

Kinuha muna ng lalaki ang bote ng champagne saka nagsalin sa champagne glass pagkatapos ay ininom iyon. "I am a friend of her twin brother,ma. Nagkataon lang po na naroon s'ya. Hindi ba, love?" Ngumiti ito sa kanya.

HER heart thudded fast. Hindi niya alam kung bakit ng tinawag siya nitong 'love' ay parang naghurumentado ang tibok ng puso niya.

"Love? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito sa kaniya.

"I-i am okay."

"Ana, darling, may masakit ba sa 'yo?" Puno ng pag-aalala ang nanay nito sa kaniya.

"A-ayos lang po ako, tita."

Lumungkot ang mukha nito. "Call me mama, hija, ikaw ay mahal ng anak ko at parte ka ng masaya naming pamilya kaya mama na ang itawag mo sa 'kin at daddy naman sa asawa ko. 'D iba, honey?"

"Yes honey?"

Umismid ito ng hindi naintindihan ng asawa ang tinuran. "Pasensya ka na hija, sa sobrang babad ng asawa kong ito sa trabaho, hindi na niya naiintindihan ang nangyayari sa paligid niya," may himig na pagtatampo ang boses nito. "Kaya ikaw Rhythm, lagi mong iintindihin ang asawa mo, ha?" dagdag pa nito.

"Opo naman, mama. Baka kapag hindi ko inintindi itong asawa ko, ay sa sofa nito ako patulugin. Malamig pa naman." Natatawa nitong wika pero alam niyang may ibig sabihin ang kan'yang asawa.

Dahil pagkatapos nang nangyari sa kanilang sana ay masayang honeymoon sa America, ay tinotoo talaga nito ang sinabing hindi ito tatabi sa kan'ya sa kama. Palagi itong sa may sofa sa loob ng kanilang kwarto natutulog.

"Alam mo ba hija, takot na takot kami dati ni Rolando na magka-girlfriend 'yang anak namin."

"Bakit naman ho m-mama?"

"Kasi nag-iisa lang namin 'yang anak. At natatakot ako na baka ilayo siya sa amin ng magiging kasintahan niya," malungkot nitong wika at nauunawaan ni Ana ang pinanggagalingan noon.

"H-hindi ko po siya ilalayo sa iny," sagot niya at naramdaman niya na nakatitig sa kan'ya si Rhythm.

Napangiti ang nanay nito. "That's why I am thankful na isang Greyson ang napangasawa niya. kasi napakaganda ng reputasyon ninyo, hija," puri nito sa kaniya. "Pero alam mo ba, hija? may babaeng hinihintay 'yang anak ko da---"

"Ma!" putol ni Rhythm sa iba pang sasabihin ng ina nito. "Kumain na po tayo."

Kumunot ang noo ni Ana sa narinig niya mula sa nanay ng kan'yang asawa. Babaeng ano? Babaeng hinihintay? Hindi niya man aminin, ay naiinis siya sa isiping may babae pala itong hinihintay tapos ay pinakasalan siya nito.

Healed (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon