Chapter 6

15.4K 166 9
                                    

Chapter 6

NAGING MAAYOS at masaya ang pagsasama ni Ana at Rhythm sa loob ng tatlong buwan nila bilang mag-asawa. Pero hindi kagaya ng totoong couple, na nagiging intimate sa bawat isa kapag sila na lamang ang magkasama.

Aminado si Ana na nagugustuhan niya na ang asawa. Hindi bilang isang kaibigan, kung 'di bilang isang lalaki. . . pero hindi niya iyon magawang sabihin, dahil baka iba ang nilalaman ng isip at puso nito.

Walang palya ang paghatid at pagsundo nito sa kan'ya kapag nasa trabaho siya. Kahit pa nga sinasabihan niya ito na 'wag na siyang sunduin kasi alam niyang may mga bagay din itong kailangang asikasuhin.

Pero hindi nagpapatinag ang kaniyang asawa, kaya hinahayaan niya na lamang ito.

"Doc, nandiyan na po sa labas ang asawa ninyo," sabi sa kan'ya ng nurse na katrabaho niya.

Sa nagdaang mga buwan na kasama niya si Rhythm ay unti-unti niya ng natanggap na dinadala niya na ang apelyido nito. . . at nakatatawa man na pakinggan, natutuwa siya tuwing titingin siya sa pinto ng kan'yang silid kung saan nakalagay ang kaniyang buong pangalan.

Ana Tiara Greyson Cooper..

"Loving the idea of being my wife?" Nahuli siya nitong nakatitig sa pangalan niya sa may pinto.

Should I say yes? "Hell no. Tinitingnan ko lang kung marumi itong pinto," aniya sabay punas sa pinto.

Rhythm pouted his lips. "Denial queen. Aminin mo na, sige ka, baka mahuli na ang lahat," sabi nito saka siya niyakap mula sa likuran. "Don't move. I'm tired." 

Napahinga siya nang malalim. "Sabi ko kasi sa 'yo, huwag mo na akong sunduin, e. Sino ba namang hindi mapapagod. . . galing ka pa sa Copenhagen tapos dumiretsyo ka rito. Hayan tuloy, wala ka pang tulog," puno ng pag-aalala ang kaniyang tinig.

Naghurumentado ang puso ni Rhythm dahil sa nahihimigan niyang pag-aalala mula sa boses ng kan'yang asawa. "You cared for me?"

Kinalas nito ang kamay niyang nakayakap sa tiyan nito. "O-oo naman!"

Umikot siya paharap, pagkatapos ay muli niya itong niyakap and he couldn't help but to smile when she hugged him back . "Thank you, God knows, how thankful I am to have you."

"I-i am doing this because I am your wife. At gusto ko bago tayo maghiwalay, maipakita k---"

He cut her off. "Let's not talk about that, okay?" 

She nodded.

"Saan mo gustong kumain ngayon?"

"Hmm, sa Humpy Dumpy grilled house!" tugon nito and she comfortably held his hand.

"Doon na naman? Hindi ka ba nagsasawa sa grilled squid nila?" nagtatakang tanong niya rito.

 Sa tuwing susunduin niya  ito ay lagi nitong gusto doon kumain at hindi ito nagpapalit ng order.

Her face saddened. "Ayaw mo ba roon? Masarap naman ang luto nila roon, ah. Gusto mo ba sa first class restaurant tayo kumain?" naghihinampo nitong tanong.

Hindi naman sa ayaw niyang kumain doon, kaya lang nauumay na talaga siya sa mga menu.

"Hindi naman sa gano'n, pero ikaw ang inaalala ko. . . baka lang, baka lang kako nauumay ka na sa mga seafoods doon?" 

Pinag-krus ni Ana ang kamay sa sariling dibdib saka tumingin sa kan'ya. "Wew? Sabihin mo ayaw mo sa pagkain nila."

"H-how did you know that I hate sea foods?" Nagulat siya na alam nito ang ayaw niya.

Healed (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon