Chapter 3
SIMPLE lamang ang naging kasal ng dalawa kahit pa nga sa America iyon ginanap.
Ana is wearing a white long gown dahil iyon ang gusto ng kan'yang ina pero kung siya nga lamang ang masusunod, mas gusto niyang mag T-shirt at Jeans na lamang.
Because she doesn't feel that today is a special day. . .
Ikaw kaya ang ikasal sa taong hindi mo naman mahal? Pero kahit gano'n, ay hindi naman niya maipagkakaila na magaan ang loob niya sa binata.
AMUSEMENT was written on Rhythm's face when he saw Ana in her white long gown. Oo nga't walang pag-ibig na namamagitan sa kanilang dalawa, pero hindi naman siya dehado rito ganoong napakaganda ng babae na ngayon ay kasama niya sa pagharap sa altar.
Sa harapan ng Diyos. . . .
Tanging ang kanilang pamilya at mga kaibigan lamang ang imbitado upang sumaksi sa kanilang kasal. Kahit papaano ay laking pasasalamat ng dalawa dahil hindi magiging usap-usapan ang nasabi nilang kasal.
"Hindi ako makapaniwala na mag-asawa na kayo ngayon, Ana," naiiling pero natatawa na wika ni Caleb sa kaniya.
"Ikaw ang may kasalanan nitong buwisit ka!" singhal ni Ana sa kakambal.
"Hala, bakit ako?"
"Eh, kasi — "
Hindi naituloy ni Ana ang iba pang nais sabihin dahil sumingit sa usapan nilang magkapatid ang asawa nito.
"Congratulations Ana! I am so happy for you!" nakangiti nitong wika sa kaniya saka siya niyakap.
"T-thank you," tipid niyang tugon dito.
"Paano kapatid ko? Aalis muna kami ng asawa ko ha? Enjoy your new life with Rhythm," nakangiti nitong ika at kumaway ito bago naglakad papalayo sa kaniya.
"Enjoy, enjoy ka riyan! Para namang mag-e-enjoy ako kapag nakasama ko na 'yung hinayupak na iyon," bulong niya sa hangin habang nagpapapadyak.
Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na nasa likuran niya lang si Rhythm. Kaya narinig nito ang sinabi niya.
"Anong hindi ka mag-e-enjoy? Sa guwapo kong ito hindi ka mag-e-enjoy?"
Hindi nagulat si Ana na bigla na lang itong sumulpot sa tabihan niya. Umarte siyang naduduwal sa sinambit nito. "Pwe! ang yabang mo. Guwapo ka, saang banda?"
Nagdilim ang mga mata nito at bahagya ring gumalaw ang panga.
"Hindi ka nagaguwaguwapuhan sa 'kin?" walang emosyon sa tinig nito.
"Hindi," matigas niyang wika saka niya ito pinandilatan.
"Kung halikan ulit kaya kita?" tanong nito sa kaniya saka hinapit ang baywang niya papalapit sa katawan nito.
"Bastos! Ano ba? Bitiwan mo nga ako!" pasigaw na sabi niya at laking pagsisisi niya dahil ang kaniyang pagsigaw ay nakaagaw sa atensyon ng mga tao.
"May problema ba kayo anak?" tanong ng mommy ni Ana.
"Anak, Rhythm? Anong nangyayari sa inyo?" tanong naman ng ina ni Rhythm.
"Do I need to call my private army?" tanong naman ng ama ni Ana.
"Is everything okay? Son?" nag-aalalang tanong naman ng ama ni Rhythm.
"M-mom, Dad, everything is okay. May hindi lang kami napagkasunduan ng asawa. ko. 'Di ba?" Peke niyang nginitian ang asawa.
"Ahh, oo nga po. Ito po kasing asawa ko, e." Niyakap siya nito. "Gusto na agad maghoneymoon. Sabi ko po mamaya na," natatawang wika ni Rhythm sa mga magulang nila.
AT dahil sa sinabi ni Rhythm ay nagtawanan ang kani-kanilang mga magulang. Siya naman ay yumuko na lamang at hindi na nagsalita pa, dahil sa inabot na kahihiyan mula sa kanyang asawa.
"Ang agresibo naman ng anak kong ito," biro ng ama niya.
"Daddy! Nang-iinis lang 'tong hinayupak na ito."
"Ana! Asawa mo 'yang sinasabihan mo ng hinayupak! Umayos ka," saway ng kanyang ina.
"Kami na ang bahala nina balae rito, gusto na rin namin magkaroon ng apo e. Pumunta na kayo sa kuwarto ninyo at sulitin ang magdamag ninyo roon," sabi ng ama niya.
"Daddy!" Pinanlakihan niya ito ng mata. pero hindi nito iyon pinansin.
"I am excited to be a grandfather," sambit naman ng ama ni Rhythm.
Ang mga nanay naman nila ay tumatawa na lamang sa mga sinasabi ng asawa ng mga ito.
"Sige na, pumunta na kayo sa kuwarto ninyo at gusto na talaga naming magka-apo sa inyong dalawa. 'Di ba balae?" Sumang-ayon naman ang ama ni Rhythm.
"Wag kayong mag-alala dad and pa, bibigyan ko kayo ng maraming apo," natatawang wika ni Rhythm at kinurot niya ang tagiliran nito. Hindi naman iyon ininda ng binata dahil makapal ang suot nitong itim na tuxedo.
"Iyan ang gusto ko sa 'yo! Humayo kayo at magpakarami! Dapat hindi ko na kayo makita rito sa reception mamaya, ha?" Maawtoridad na sabi ng ama niya.
"Sige po dad. Pupunta na po kami ng asawa ko sa aming kuwarto," mahinahong wika ni Rhythm pero halata sa mukha nito na nagpipigil lang itong tumawa.
"Daddy! Hahayaan mo akong ikama ng buwisit na ito?" may hinanakit sa tinig niya.
"Ana Tiara!" sabay na sambit ng magulang niya sa kan'yang pangalan.
Lumapit ang mommy niya sa kaniya. "Umayos ka Ana, nasa harapan mo ang magulang ng asawa mo. . . act like a lady, my daughter," mahina pero pautos nitong sabi sa kaniya.
"Okay, mom," walang kabuhay buhay niyang sagot dito.
"Sige na anak, pumunta na kayo sa kuwarto and have a steamy and hot night to the both of you."
Wala nang nagawa si Ana ng kabigin siya ni Rhythm sa kaniyang beywang saka inalalayan nito patungo sa kanilang kwarto. . .

BINABASA MO ANG
Healed (EDITING)
RomantizmShe asked him for an advice for her broken heart but they end up of becoming husband and wife! Cover by: BeautifullyTragic_01