Chapter 8
ISANG masayang umaga ang bumungad kay Ana. Pagkagising niya kasi'y natagpuan niya ang kanIyang asawa sa may kusina na kumakanta habang nagluluto. At dahil ayaw niyang sirain ang magandang mood nito, ay tahimik siyang naglakad papunta sa kinatatayuan nito saka dahan-dahan itong niyakap mula sa likuran.
"Good morning!" masigla niyang bati dito at napatigil ito sa pagkanta. Marahil ay nagulat sa kanIyang ginawa.
Kinalas ni Rhythm ang kamay niyang nayakap dito pagkatapos ay umikot ito paharap sa kan'ya. "You embrace me for the first time."
"Ayaw mo ba?" tanong niya Rito.
"No! I mean. . . I like it," sabi niya saka muli itong niyakap.
Natatawa at napailing-iling na lamang ang kaniyang asawa sa ginawa niyang pagyakap dito. marahil ay naguguluhan sa kanyang ikinikilos.
At ganoon din siya, hindi niya maunawaan kung bakit pakiramdam niya ay gusto niyang yakapin nang yakapin ang kanyang asawa.
Anong nangyayari sa akin?
"Ano ba 'yang niluluto?" tanong niya kay Rhythm pagkatapos ay sumubsob siya sa dibdib nito.
"Oh shit! I forgot!" usal nito pagkatapos ay tinitigan nito ang kanyang mukha. "Love, pwede bang doon ka muna sa may dining table? tatapusin ko lang itong niluluto ko."
Kumalas siya mula sa pagkakayakap dito. "Sige," sagot niya at naglakad na siya patungo sa may dining table.
"Toasted bread, Earl grey and Bacon for your breakfast love!" masayang anunsyo ni Rhythm sa kanya habang inilalapag nito sa mesa ang mga niluto.
Nagsalubong ang kilay niya ng mapansin niya na sapat lang para sa isang tao ang inihanda nitong umagahan. "Hindi ka kakain?" naninita niyang tanong sa kanyang asawa.
"Kakain." maikli nitong tugon sa kanya.
"Ang konti naman nito eh! magluto na lang ako ng gulay for you.." sabi niya at akmang tatayo na siya ng pinigilan siya ng kanyang asawa.
"What?"
"I want you for breakfast." walang kagatol-gatol na sabi ni Rhythm sa kanya at kitang kita niya sa mga mata nito ang kagustuhan na maangkin siya ngayong umaga.
"Rhythm!" singhal niya sa kanyang asawa at mahina itong tumawa.
"I'm just kidding. kumain na tayo at ihahatid pa kita sa ospital, tapos pupunta akong Taipei mamaya love, mamimiss na naman kita.." sabi ni Rhythm at may himig na kalungkutan ang boses nito.
Nalungkot din naman siya sa isiping aalis na naman ang kanyang asawa. bakit ba kasi ang dami nitong negosyo sa iba't ibang bansa? naiinis niyang wika sa kanyang isipan.
"Babalik ka naman agad diba?"
"Yes of course. kumain na nga tayo, male-late ka na niyan eh." sagot ng kanyang asawa pagkatapos ay tinawag nito ang kanilang mayordoma. "Nang, pakidala nga po dito ng iba ko pang niluto diyan." sabi ni Rhythm at agad naman iyong dinala ng manang sa kanilang hapag-kainan.
Ibang-iba na ang samahan nilang dalawa. dahil kung dati ay tahimik silang kumakain, ngayon ay kabaligtaran na.. panay na ang kanilang kulitan at asaran hanggang sa makatapos na silang kumain.
"SUSUNDUIN KITA mamaya dito huh? mabilis lang naman ako makakauwi dito, because I am going to use my private plane okay? wait for me love.. wait for me." sambit ni Rhythm sa kanya at hinalikan nito ang kanyang noo.
"Mag-iingat ka doon." iyon lang ang tanging nasabi niya sa kanyang asawa bago sila nagpaalam sa isa't isa.. at ng makita niya na palabas na ito ng ospital ay pumasok na siya sa kanyang opisina sa loob ng ospital na pinagtatrabahuhan niya.
BINABASA MO ANG
Healed (EDITING)
RomanceShe asked him for an advice for her broken heart but they end up of becoming husband and wife! Cover by: BeautifullyTragic_01