pag lalakbay

83 4 0
                                    

Chapter 54

Kinabukasan inihatid ako ni ama sa kalesang sasakyan ko sa pag lalakbay upang hanapin si ginoong. Miguel, pinasama rin nito si tesa saakin upang may taga silbi ako at para hindi ako maherapa sa gagawin kong pag hahanap..

Don. Joselito : anak mag iingat ka tulad nang sinabi ko sayo, bumalik kang ligtas at kong may ka kaharapin ka mang suliranin sa pag lalakbay mo agad kang sumulat saakin naiintindihan mo?

Agad akong napa tango at napa ngiti kay ama at niyakap ko ito bago ako sumakay nang kalesa..

Isabella :paalam ama alagaan niyong mabuti si ate Louisa hanggang sa maka balik ako.

Don. Joselito : Makaka ASA ka anak hindi namin pa pabayaan ang ate Louisa mo..

Bago umalis ang kalesa kumaway ako kay ama bilang pa mamaalam ko dito..


Lumipas ang ilang araw na pag lalakbay kasama si tesa, Hindi ko parin nakikita ni anino ni ginoong. Miguel ilang bayan narin ang aming pinontahan at sinuyod para mahanap ito ngunit walang maka pag turo kong nasaan ito kaya minsan ay nawawalan narin ako nang pag asa na mahanap ito talaga yatang lumisan na ito nang tuloyan at iniwan si ate Louisa o baka ako dahil sa pag aakalang wala akong pag ibig para dito..

Naka upo ako ngayon sa gilid nang Kama nang silid na inopahan namin ni tesa at naka tingin ako sa pulseras na soot ko, ayuko sanang suotin ito ngunit sa tingin ko magagamit ko ito upang kumbinsihin ang ginoo na bumalik sa ate Louisa ko..

Nataohan ako sa malalim na iniisip nang marinig kong bumokas ang pinto at nakita kong pumasok si tesa at may dala itong supot nang pagkain na pina beli ko sakaniya..

Tesa : binibini kumain kana po..

Isabella : tesa mauna kana, hindi pa ako nagugutom eh.

Tesa: pero binibini buong araw ka pong walang Kain at pagod pa sa kaka lakad sa palengke baka magka sakit kana po niyan..

Naisip kong tama si tesa, buong araw kaming nag palakad lakad sa palengke at plaza nang sta. Rosa at nag baka sakaling makita namin si ginoong. Miguel ngunit tulad nang tatlong bayan na pinontahan namin bigo na naman kami, wala nakung nagawa kundi ang tumayo at lumapit sa maliit na lamesa upang maka Kain kasama si tesa.

Isabella :tama ka kailangan kong kumain para magkaroon nang lakas para mahanap si ginoong. Miguel, sana lang makita na natin siya, halos isang linggo narin tayong nag hahanap at alam kong pati ikaw napapagod narin dahil sa ginagawa natin pasensya kana tesa ah.

Tesa :naku binibini wag niyo po yang sabihin kaya nga ako naririto upang samahan kayo at kahit saan man tayo maka rating hindi ako MA papagod na pag silbihan kayo..

Hindi ko napigilan mapa ngiti dahil sa sinabi ni tesa kahit papano nag pa pasalamat akong sinamahan niya ako dito..

Isabella :salamat tesa dahil napaka buti mong taga silbi..

Tesa :dahil napaka buti niyo rin at nang pamilya niyo saakin binibini, pero maiba ako binibini bukas tayo tutungo sa bayan nang San. Vicente at yon na ang huling bayan nang lalawigang ito pano kong wala parin doon si ginoong. Miguel anong gagawin niyo? 

The Untold LoveStory Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon