Chapter One: Brown-out
--------------
L.A's POV
Nandito ako ngayon aa rooftop at nagpapahangin, hindi ako pumasok sa Physics class namin dahil hindi ko maintindihan ang pinagtuturo ng teacher namin, may maiintindahan ka ba kung magsalita e parang armalight sa sobrang bilis! maiinis ka lang e, tss
Wala rin akong maintindihan dahil oras oras mukha ni Reese ang naiisip ko!
Ako nga pala si Leon Anthony Tiqia, L.A na lang for short, at matagal na kong may crush kay Reese Balbon, first year highschool pa lang siya samantalang ako fourth year na, kung iisipin parang mag kuya lang kami, pero sabi nga nila pagdating sa pag-ibig, wala yan sa edad, basta pag mahal mo mahal mo! Tapos ang usapan!
Pinagmamasdan ko ang kalangitan ng may bigla akong narinig na sumisigaw
"Bespreeeeeeen!" Napailing na lang ako, grabi talaga ang bunganga ng babaeng yun napaka lakas kala mo nakalunok ng microphone
"Bespren! nandito ka lang pala! Kanina pa kaya kita hinahanap!" Siya si Aire, bestfriend ko at third year highschool na siya
"Bakit mo ko hinahanap? Diba may klase ka?" umupo naman siya sa tabi ko bago sumagot
"Wala trip ko lang hanapin ka, baka mamaya nag'eexplore ka pala tapos hindi mo ko kasama! para ka pa naman si Dora! Tsaka wala kaming teacher absent si bubblebut" Itong babaeng to ang lapit lapit ng kausap pero kung makapagsalita parang ang layo namin sa isa'tisa, pati teacher niya binubully niya ibang klase talaga
Napailing na lang ako "Ikaw, bakit ka nandito? diba may klase ka?" sasagot na sana ako sa tanong niya ng bigla siyang magsalita "Ay, oo nga pala, teacher niyo ngayon si Maam Elen! Sabagay kahit naman pumasok ka sa klase niya wala ka rin naman maiintindihan parang armalight kung magsalita e" Tignan mo tong babaeng to, tanong niya sagot niya! sana hindi na lang siya nagtanong kung siya din sasagot
Nagkwento lang siya ng nagkwento samantalang ako nakatinggin lang sa kalangitan "Bwesit ka talaga, bes! hindi ka naman nakikinig sa kwento ko! Iniisip mo nanaman si Reese hano?" tumango naman ako bilang sagot
"Inlababo ka na talaga, bes! hindi na basta basta crush yan e!"
"Hindi ko din alam bes, ewan ko ba, tuwing nakikita ko siyang ngumingiti bumibilis yung tibok ng puso ko at nagsoslow motion yung paligid ko"
Nakita kong ngumiti si Aire "Lumalandi na si bes! Binata na! Dont worry, may naisip akong plano at ngayong araw na to magiging napaka memorable nito sayo! Sige babye na!" At umalis na siya
'Baliw baliw talaga yung babeng yun'
Unti unti akong nakaramdam ng antok kaya natulog muna ko
----------
Pagmulat ko ng mata ko nakita kong madilim na ang kalangitan napatinggin ako sa relos ko 6pm na pala, napasarap ang tulog ko
Bumababa na ko sa rooftop at habang naglalakad ako sa hallway wala na kong nakikitang estudyante sabagay 4pm ang uwian 6pm na kaya
Pumunta ako sa classroom para kunin ang gamit ko ng biglang ng brownout!
"Shit!"
--------

BINABASA MO ANG
My Last Wish (Short Story)
HorrorSi LA ay matagal ng may gusto kay Reese, pero isang pangayayari ang nagbigay daan para sakanya para makasama ang babaeng matagal niya ng gusto, pero pano kung panandalian lang pala ang lahat ng saya na yun?