Chapter Five: Finding Clues
------
L.A's POV
Nababaliw na ko sa mga nangyayari! Ano bang meron sa paaralang to?
Pumasok kami ni Reese sa isang classroom "Genesis" ang pangalan ng section nito ng biglang kumidlat nabasa namin ang nakasulat sa blackboard
"THERE'S NO WAY OUT"
Mas lalo akong naiintriga kung ano nga ba ang kababalaghan meron ang school na to
Naglibot kami ni Reese sa classroom meron akong napansing kakaiba sa isang table sa likuran lumapit ako at dun at may nakita akong picture na may dugo pero ang mas kinagulat ko paghawak ko sa litrato merong babae ang nakahiga sa sahig at unti unting tumatayo natatakpan ang mukha niya ng kanyang buhok
"K-kuya L.A" mukhang natatakot na si Reese kaya yumakap siya sa likuran ko
"Wag kang lalapit" sabi ko
Pero mukhang matigas ulo ng multong to at mas lalo pa siyang lumapit samin kaya naman napapaatras kami ni Reese
Dahan dahan niyang tinaas yung kamay niya, ano to feeling zombie siya ngayon?
Nagulat ako ng biglang sumarado ng malakas ang pinto kitang kita ko bago sumara yun merong babaeng maliit ang nakasilip
Napatinggin ngayon ako sa harap ko nawala yung babae!
Pero laking gulat ko ng may biglang humawak sa paa ko, kaya sa sobrang gulat ko sinipa ko siya sa mukha at tumakbo kami ni Reese papalabas pero bago kami tuluyang makalabas biglang nagsalita yung multo kaya napahinto kami
"Puta ang sakit nun a"
Nagkatinginan kami ni Reese, parang pamilyar yung boses na yun sakin
Ng mapansin niyang nakatinggin kami sakanya bigla siyang napahinto sa paghimas sa mukha niya lalapitan ko sana siya ng may biglang bumato sakin ng bato napatinggin naman ako sa direksyon ng bumato sakin pero wala namang tao
Pagtingin ko ulit dun sa pwesto nung babae kanina wala na siya
"Nasan na yung babae?" tanong ni reese hindi ko siya sinagot kasi hindi ko din naman alam kung nasaan na yung babae
Lumabas na kami ng classroom ng Genesis nasa hallway kami ngayon wala kaming makita bukod sa dilim
kaya habang naglalakad kami ginagala ko yung kamay ko sa paligid dahil baka mamaya mabungo kami sa pader o kung ano mang bagay
Hindi nagtagal napahinto ako kasi may nakapa ako na kung ano "Ano to?" bulong ko

BINABASA MO ANG
My Last Wish (Short Story)
HororSi LA ay matagal ng may gusto kay Reese, pero isang pangayayari ang nagbigay daan para sakanya para makasama ang babaeng matagal niya ng gusto, pero pano kung panandalian lang pala ang lahat ng saya na yun?