Chapter Two: Reese

708 18 3
                                    

Chapter Two: Reese
-------


L.A's POV

Bakit ba kasi ngayon pa nagbrown-out? Sinabayan pa ng panahon! Nung biglang nagbrown-out bumuhos bigla ang napakalas na ulan at sinamahan pa ng kidlat!

Unti-unti akong lumabas ng classroom, ang hirap maglakad sa dilim dahan dahan akong naglalakad sa hallway baka kasi mamaya may mabungo ako

Habang naglalakad ako napatinggin ako sa bintana ang kidlat ang nagbibigay liwanag sakin para makita ko ang dinadaanan ko

*Booogssshhhh*

"Aray" Bwesit! hindi ko alam na nasa may hagdanan na pala ko, pakiramdam ko makakalas ang buto ko sa pagbagsak ko

Patayo na sana ako ng bigla akong may narinig na umiiyak, napasandal tuloy ako sa pader nakakakilabot ang naririnig kong pag-iyak nanggagaling ito sa third floor

Ayoko na sanang maglakad dahil sa naririnig ko "L.A lalaki ka! Umayos ka nagmumukha kang bakla, multo lang yan tao ka" sabi ko sa sarili ko

Nagpatuloy ako sa paglalakad hinigpitan ko ang paghawak ko sa strap ng backpack ko bawat hakbang ko mas lumalakas yung naririnig kong pag-iyak napahinto ako ng may naaninag ang mata ko hindi kalayuan sa pwesto ko ng biglang kumidlat ng malakas may nakita akong babaeng nakaupo at nakatakip yung kamag niya sa mukha niya at mukhang siya yung kanina ko pang naririnig umiyak

Unti-unti akong naglakad papalapit sakanya, medyo kinikilabutan ako dahil tumataas yung mga balahibo ko

"A-ano miss ayos ka lang?" tanong ko dito nakatayo ako sa harapan niya

Unti unti niyang tinaas ang ulo niyang nakayuko "k-kuya L.A?" parang nawala lahat ng takot ko ng makita ko kung sino yung babaeng umiiyak "Reese?"

Bigla siyang tumayo at yinakap ako ng mahigpit nagulat ako sa ginawa niya pero at the same time kinilig ako hindi ko alam pero kusang gumalaw ang kamay ko at hinagod ang likod ni Reese

"Buti na lang nandito ka Kuya L.A, natatakot ako natatakot ako sa dilim huwag mo kong iiwan a? Mamatay na ko sa takot" sabi niya habang umiiyak

"Shhh.. Tahan na, hindi kita iiwan, dito lang ako sa tabi mo" Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam ko ngayong tuwang tuwa ako at laking pasasalamat ko na nagbrownout dahil kung hindi dahil dito hindi ako makakalapit kay Reese ng ganito

'Lord, kung ikaw man ang gumawa nito, maraming thank you po advance birthday gift mo na po sakin to'

Ng kumalma na si Reese nagsimula na kaming maglakad nakwento niya sakin na tumulong siya sa library kanina at nung kukunin niya na gamit niya biglang nagbrown-out

Habang naglalakad kami hawak hawak ni Reese yung braso ko gamit ang dalawa niyang kamay, kinikilig tuloy, mas lalo kong binagalan yung paglalakad ko i'eenjoy ko muna to, once in a lifetime lang to

Buti na lang hindi nakahalata si Reese, tahimik lang siya at walang imik

"Reese"

"Hmm?"

"A-ano meron ka bang crush?"

"opo meron po" huminga muna to ng malalim bago magsalita ulit "Matagal ko na siyang crush, sa tinggin ko nga po mas malalim pa doon, alam kong bata pa ko para nagmahal pero sabi nga nila walang pinipiling edad ang love, dahil dadating na lang daw po ito ng biglaan, minsan nga daw po hindi mo pa alam na tinamaan ka na pala" bigla akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko sana pala hindi ba ko nagtanong nasaktan lang tuloy ako :(

"Kayo po ba?"

"Ako? oo naman, kaso may iba siyang gusto" na pa 'ah' na lang siya

Malapit na kami sa 2nd floor ng biglang nauntog si Reese sa pader

"Ouch"

"Ayos ka lang?" Pang tangang tanong naman yan L.A nauntog nga tapos tatanungin mo ng 'ayos ka lang'

"Hehe, ayos lang po pero medyo nahihilo po ako"

"Sakay ka na lang sa likod ko, papasanin na lang kita, alam ko namang hindi mo na kayang maglakad"

tatanggi pa sana si Reese pero inunahan ko na siya "Sasakay ka o iiwanan kita dito?"

"Sabi ko nga po sasakay na"

Nagsimula na kong maglakad habang pasan pasan si Reese hindi ko mapigilang mapangiti mapupunit na nga ata labi ko e, "Damoves ni L.A 101'

Nakapatong ang ulo ni Reese sa balikat ko at naramdam kong mas lalo niyng hinigpitan yung pagyakap sa leeg ko kaya mas lalo akong kinikilig sa mga nangyayare matatawag ko tong 'A night to remember' o kaya 'Best Day ever!' Hahahahaha

"Kuya L.A, nag ka'girlfriend ka na ba?" nabigla ako sa tanong niya "A-ah oo"

Bigla tuloy nagflashback sa utak ko ang mga araw na napakasaya namin, akala ko kami na talaga pero hindi ko alam na dadating yung araw na mag'bebreak kami

----------------

My Last Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon