Chapter Eight: Ghost

426 16 11
                                    

Chapter Eight: Ghost

-------

LA's POV

"Huwag ka ng magtago jan Aire" sabi ko

Pinagtututulak naman ng mga kaybigan niya si Aire na nasa likod na ngayon nasa harap ko na ngumiti lang siya ng pilit "Peace tayo, bes!"

Tinignan ko naman diya ng seryoso "Puro ka talaga kalokohan"

"Sus, I know nagustuhan mo rin naman tong plano namin" pabulong niyang sabi pero sapat na para marinig ko

"Nagustuhan ko naman talaga, sino bang nagsabing hind---" Napatakip ako ng bibig ko "A-ay mali ang ibig kong sa---"

Napahinto ako sa pagsasalita nung bigla silang nag "AYIEEEEE"

"Paholding holding hands pa!" Mapangasar na sabi ni Aire doon ko lang napansin na yung kamay na ipapantakip ko sa bibig ko ay yung kamay na magkahawak namin ni Reese

Napapikit na lang ako kaso nahiya ako sakanila! Si Reese na yung naghiwalay sa magkahawak na kamay namin

Nagkantyawan lang kami ni Reese ng mga kaibigan ni Aire

"Uy tara uwi na tayo!" Erhica

"Oo nga! 11:54 na kaya!" Jera

Doon ko lang napansin ang oras mag mamadaling araw na pala baka hinahanap na rin ako samin kaya napagpasyahan nanamin magsiuwi sabay sabay na lang daw kami para makapagkwentuhan pa daw kami habang naglalakad

Nagsimula mg maglakad sila Aire at mga kaibigan niya samantalang kami ni Reese nakatayo pa sa gitna ng aisle hinawakan ko yung kamay niya naglalakad na ko pero si Reese nakatayo pa rin

"Reese, bakit? Tara na" aya ko sakanya hindi siya nagsasalita at nakatitig lang sa mga mata ko

Ng mapansin naman ng magkakaibigan ang nangyayare napahinto sila sa paglalakad

"May problema ba?" Paula

Nagkabit balikat lang ako sakanila kasi hindo ko alam kung bakit ganon yung kinikilos ni reese

"Kuya LA, 5 minutes na lang" naiiyak na sabi niya napakunot noo naman ako sa sinabi ni Reese

"Anong 5minutes na lang?" naguguluhang tanong ko

Third Person POV

tahimik lang na nakikinig ang pitong magkakaibigan pati sila naguguluhan sa sinabi ni Reese

"Anong 5 minutes na lang?" naguguluhang tanong ni LA

Hindi nagsalita si Reese nagsimula ng bumagsak ang mga luha niya sa kanyang mga mata

Lalapitan sana siya ni LA pero nagulat siya sa nangyayare sa katawan ni Reese

"Reese anong nangyayare sayo?" tanong ni LA para kasing naglalaho si Reese

"Kuya LA, multo ako"

"H-ha?" sabi ni LA dahil hindi maintindihan ang nangyayare

'Multo si Reese?' naguguluhang tanong ni Hya sa mga kaibigan niya nagdikit dikit sila kaso natakot sila

"P-pano? B-bakit? Pero nahahawakan kita diba" lumapit si LA kay Reese hahawak niya sana to pero tumagos lang ang kamay niya "Anong nangyayare?! Bakit hindi na kita mahawakan?!"

Humagulgol na sa iyak si Reese "Hindi mo na ko nahahawakan kasi tapos na ang oras na binigay sakin at pagpatak ng 12 tuluyan na kong maglalaho"

"Humiling ako kay God na kahit sandali lang gusto kitang makasama, at tinupad niya yun, salamat din sa mga kaibigan mo" tuminggin naman si Reese sa direksyon ng pito "Kasi kung hindi din dahil sa kanila hindi ako magkakaroon ng pagkakataon makasama ka"

"Gusto kasi talaga kitang makasama kuya LA bago ako tuluyang mamaalam sa mundong to, Ikaw yung taong matagal ko ng gusto, ikaw yun"

Hindi naman nakapagsalita si LA bakas pa ang gulat sa mukha niya

"Kaya salamat sayo kuya LA, salamat sa lahat, ikaw yung taong naging inspirasyon ko nung nabubuhay pa ko, ang sakit tanggapin kasi ito na yung huli nating pagkikita at pagsasama" Tuluyan ng umiyak si Reese basang basa na yung mukha niya

Naiyak na rin si LA pati ang pito

"Salamat kasi kahit sa sandaling oras lang napasaya mo ko ng sobra sobra, ngayon masasabi kong handa na kong linasin ang mundong to dahil natupad na yung kahilingan ko" sabi ni Reese habang ngumiti ng pilit

"Reese...." panimula ni LA "Pwede bang huwag ka ng umalis?" umiling naman si Reese na ipinahihiwatig na hindi pwede

"Reese, gusto din kita matagal na matagal na" huminga ng malalim si LA bago magsalita ulit "Pero sa puntong to, kung kelan nagkaaminan na tayo, wala na ring saysay pa kasi iiwan mo na rin ako"

"Hindi naman kita iiwan kasi lagi lang akong nasa tabi mo at binabantayan ka, huwag ka ng malungkot kuya LA, nakatadhana ng mangyare ang lahat ng to, at alam kong may rason kung bakit ganto ang mga nangyayare"

Tumango naman si L.A "Lagi mo kong babantayan a?" tumango tango naman si Reese habang nakangiti

"I think this is the time to say goodbye" Lumapit si Reese kay LA halos wala ng space ang namamagitan sa kanilang dalawa "Thank you for everything and thank you for granting My Last wish..." at nilapit ni Reese ang mukha niya kay LA at saka ito hinalikan sa labi pero kasabay nun ang siyang paglaho niya at humangin ng napaka lakas

-----------

My Last Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon