Chapter Four: Weird

553 18 21
                                    

Chapter Four: Weird

---------

LA's POV

Sa palagay ko nakatulog na si Reese sa likod ko, malapit na ko sa second floor ng bigla akong may narinig ng iba't ibang tawanan na ng gagaling sa mga silid aralan

Hindi ko na lang ito pinansin pero mas lalong lumakas ang mga tawa, nilibot ko ang mata ko sa paligid wala naman akong nakikita

Napahinto ako sa paglalakad ng may nakita akong sulat sa pader

"Tulungan mo kami" bigla akong kinilabutan kaya minabuti kong gising na si Reese

"Reese, gising"

"Hmmmm" sabi niya habang kinukusot ang kanyang nga mata, maya maya napansin niya ang nakasulat sa pader dahil sa takot bigla siyang napayakap sakin, mixed emotion ang nararamdaman ko ngayon may halong kilig at kilabot

Naglakad na kami, nakakapit si Reese polo ng uniform ko maya maya may nakita nanaman kaming sulat sa pader "Hindi kayo makakaalis ng buhay" mas lalong humigpit ang kapit sakin ni Reese

Dahan dahan kaming bumaba sa hagdanan patungo sa second floor pero laking gulat ko ng may humawak sa paa ko at may babaeng nakatayo sa likuran namin gulo gulo ang buhok at duguan ang damit napasigaw naman si Reese hinawakan ko si Reese sa kamay at tumakbo ng mabilis 'Ano bang meron sa school na to?'

Bigla kong naalala yung kwento ni bes, mayroon daw babaeng nagpakamatay dito at meron din daw magkakaibigang pinagsasaksak at pinagpapatay

'Ito ba ang nagpapatunay na totoo lahat ng kwento na iyon?'

Patuloy parin kami sa pagtakbo hindi ko napansin na may tatlong baitang na hagdanan pala ang tatapakan ko nasubsob ako dahilan para mapasubsob din sakin si Reese dahil magkahawak nga pala kami ng kamay

At doon ko lang napansin na ang lapit pala ng mukha namin sa isa't isa ramdam na ramdam ko yung mainit na paghinga niya parehas lang kaming nakatinggin sa mata ng isa't-isa walang ni'isa saamin ang kumikilos dahil maling galaw lang namin maglalapat na ang mga labi namin napakalakas ng kabog ng dibdib ko sa mga oras na to wala akong ibang naririnig kung hindi ang pagtibok nito parang nagwawala sa sobrang lakas ng pagkabog nito

Bigla akong nakarinig ng tawa, ibang klaseng tawa parang tawa ng kinikilig napatinggin naman ako sa itaas at nakita ko doon ang isang babaeng tumatawa ng mapansin niya kong nakatinggin  bigla itong tumakbo

'Weird'

"A-ah," yun na lang ang nasabi ni Reese at saka tumayo

tumayo na rin ako gaya ng ginawa niya, parang nakaramdam ako ng hiya feeling ko tuloy pulang pula na mukha ko sa mga oras na to

Ilang minuto bago ako magsalita "Mukhang may mga multong gustong humingi ng tulong saatin"

"Pero pano natin sila matutulungan?"

"Hindi ko pa alam, sa ngayon dahil sa tinggin ko hindi nila tayo titigilan hanggat hindi natin sila natutulugan"

Maya maya biglang nagsaraduhan ng malakas ang mga pinto na ikinagulat namin kumapit si Reese sa kamay ko at dahan dahan kaming naglakad patalikod habang pinagmamasdan ang paligid

Hindi pa kami nakakalayo ng may natapakan akong pulang likido, parang dugo?

Maya maya may nakita nanaman akong nakasulat sa pader na kulay pula

"Kung gusto niyong makaalis alamin niyo kung ano ang tinatagong sikreto ng bawa silid aralan sa palapag na ito"

-------

My Last Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon