Epilogue

525 21 9
                                    

\Epilogue

Isang buwan na ang nakakalipas ng tuluyan ng magpaalam si Reese

Akala ni LA yun na yung araw na magsisimula na ang love story nila hindi pala, hindi pa nga nagsisimula natapos na agad

Pero tinutupad naman ni Reese ang pangako niya kay LA na laging niya itong babantayan, dahil tuwing nalulungkot si LA bigla lang humahangin ng malakas at alam niyang si Reese yun kaya sa ganoong paraan napapangiti na siya at napapawi ang kalungkutan niya

'Miss na kita Reese' bulong ni LA sa hangin

Basta ang alam ni LA wala man si reese sa tabi niya lagi naman itong nasa puso niya

-------

Madilim na ang kalangitan pero may tao pa rin sa paaralan na yun, at yun si Marissa ang pinaka kinaiinisan ni Aire at ang mga kaibigan niya

Naglalakad na siya sa may hagdan ng biglang namamatay sindi ang mga ilaw kinabahan siya ngayon dahil alam niyang siya na lang ang tao sa paaralan

"K-kung sino ka man h-hindi ako natatakot sayo" sabi ni Marissa na nangangatog pa at tuluyan na talagang namatay ang mga ilaw

May biglang bumato sakanya dahilan para malaglag siya sa hagdanan

"AHHHHHHHHH!" Sigaw niya habang gumugulong sa hagdan

"No my face! nasira na ang mukha ko!" iyak ni marissa hindi pa natapos ang lahat ng yun dahil pagtayo niya napatid siya at may bumagsak na mga bato mula sa itaas dahilan para mawalan siya ng malay

"Matagal ng sira yung mukha mo, bangasan pa kita" sabi ni Aire habang pinagmamasdan si marissa na walang malay

"Mukha namang unggoy tssss, feeling maganda leche" Erhica

"Buti nga sakanya at ganyan ang nagyare sakanya" Pat

"Duh, she looks like chimpanzee" paula

"Yan napapala ng maarte" hya at saka sinipa si Marissa

"Tama na guys, ang brutal na!" sabi ni jera at saka lumapit kay marissa at sinipa

Nagtawanan tuloy silang pito dahil sa inakto ni jera tama na daw pero sinipa naman

"sino gusto ng ice cream?, my treat!" sigaw ni Charlene

"Kami!" sabay sabay nilang sigaw

At tuluyan na silang umalis ng may ngiti sa mga labi at iniwan ang walang malay na si Marissa

                                                                        --------THE END---------

My Last Wish (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon