Chapter Seven: Bistado
-------
LA's POV
'Reese asan ka na ba?'
Ang tanga tanga ko! Bakit kasi iniwan ko pa si Reese?! Badtrip naman oh!
Hinanap ko na siya sa lahat ng classroom pero wala! Nababaliw na ko sa kakahanap sakanya pati puso ko mababaliw na rin pag hindi ko pa siya nakita!
'Reese, magpakita ka na please? Nag-aalala na ko sayo'
Hindi ko mapigilang hindi mainis sa sarili ko alam ko namang may kakaibang nangyayare dito pero iniwan ko parin si Reese
Napatigil ako sa paghahanap ng may napansin akong arrow na nakaturo papunta sa 1st floor
Ng makita ko yun agad akong tumakbo pababa papuntang first floor
Nagsimula akong maghanap sa music room pero wala papunta na sana ko theater room ng may rinig akong mga boses kaya napahinto ako
"Bilis baka dumating na si LA!"
"Oo teka lang!"
Napakunot noo ako sino ang mga nagmamay-ari ng boses na yun? At bakit alam nila ang pangalan ko?
Pumasok na ko sa theater room pero wala na kong naabutang tao dun o narinig na ano pa man sobrang dilim sa loob kasi kulob yung theater room dahan dahan akong naglalakad sa aisle ng hagdan
Napatinggin naman ako sa harap ng biglang bumukas yung screen at may nagplay
Mayroong babaeng nakabigti at may mga dugo sa buong katawan maya maya biglang may dumating na tatlo pang mga babae
"Ano sasabihin mo na ba kung saan nagtatago yang kapatid mong si Eulo?!"
Ngumiti ng mapangasar yung babaeng nakabigti "H-hindi ko sasabihin sainyo kung nasaan siya"
Napatanong ako sa sarili ko nakabigti na nga nakakapagsalita pa?
"Sabihin mo na kasi para hindi ka na masaktan!"
"Malaki yung atraso ng kapatid mo samin! Ni rape niyo yung kapatid namin!"
paalis na sana ako ng theater room ng biglang may narinig ako kung iba kaya tumingin ako sa screen
"Tae, yung camera nalaglag!"
Nung nalaglag yung camera nakita ko yung babaeng nakabigti na nakapatong lang pala sa upuan
"Ang epic naman natin!" rinig kong sabi ng isang babae at saka pinulot yung camera

BINABASA MO ANG
My Last Wish (Short Story)
УжасыSi LA ay matagal ng may gusto kay Reese, pero isang pangayayari ang nagbigay daan para sakanya para makasama ang babaeng matagal niya ng gusto, pero pano kung panandalian lang pala ang lahat ng saya na yun?