Kabanata 1

27 0 0
                                    

Chapter 1 : 'Spark? I think not.'

Monique

Katatapos lang ng klase. Mag-isa akong naglakad sa hallway papunta sa lockers. Ano ba naman ang maaasahan sa isang loner?

Pagbukas ko ng aking locker, agad kong pinasok ang mga nagsisiksikan na liham na bumungad sa akin. Nakasanayan ko ng itago sa bahay ang mga liham na natatanggap sa araw-araw. Dahil lang iyon kay Mama. Oo, alam niya ang lahat ng bagay tungkol sa buhay ko sa eskwelahan. Sayang daw ng 'effort' ng mga nagsulat ng mga iyon, kaya ayun, mayroon akong isang malaking kahon na nakaupo sa gilid ng aking kwarto para lamang sa letters na wala akong balak na basahin.

Madalas akong mag-taxi pero ngayon, gusto ko lang maglakad pauwi. Malapit lang naman ang subdivision namin, tapos wala na akong maisip na isusulat. Patingin-tingin lang ako habang naglalakbay. Nagmamasid sa mga tanawing palagi ko nadaraanan. Nagdadal'wang isip na ako sa desisyon kong ito, ang init ng pana--

"Hi." Ibinaling ko ang aking tingin sa dilaw na payong sa taas ng ulo ko, pababa sa kamay na may hawak nito, at kung kanino iyong malalim na boses. Sa kanya, siya na naman. Yung lalaking 'Hi' nang 'Hi' na akala mo close kami, laging may suot na pambatang ngiti, mukhang lumabas sa isang Korean novela.

Sa tingin ng iba, pag nagbabasa ng libro, yung unang na-encounter mong gwapo na pang-leading man ang dating ang makakatuluyan agad-agad. Porket gwapo, makakatuluyan agad? First chapter, magkakakilala, second chapter, magjowa na. Not in my case.

Kahit mainit, nagpatuloy ako sa paglalakad, iniwan ko siya doong nakatunganga habang pinapayungan ang ere. Narinig ko ang mga hakbang niya papunta sa akin, "Hintay naman."

"Huwag kang umasa na hihintayin kita." Binilisan ko ang aking paglalakad, nakakairita.

Kahit bilisan ko pa, nahabol nya pa rin ako at muling pinayungan, "Ba't ka pala naglalakad?"

"Kasi may mga paa ako."

"E'to naman, seryoso ako." Napakamot siya.

"Kaunting common sense lang."

"Hindi naman yun ang ibig sabihin ko eh."

"Eh, dapat iba ang pagkatanong mo." Napabuntong-hininga ako.

"Ihatid na kita."

"Naglalakad na nga tayo." Ops, walang tayo~, "Tsaka 'wag na, umalis ka na."

"'Di naman ako nagsasamantala sa mga babae eh." Sumimangot siya.

"Lalaki lang ang pinagsasamantalahan mo?"

"Monique naman," Tumawa siya, "Ang hirap mong kausapin."

"Edi 'wag mo akong kausapin, nagtiyatiyaga ka pa."

"Ewan nga kung bakit. Bahala na, basta di kita titigilan." Katahimikan, "Oh? Ba't 'di ka na umiimik?" Tanong niya.

"Malamang kasi ayaw ko."

Pagkatapos nun, di na rin siya umimik. Masyado ba akong masungit?

Hinayaan ko nalang sya na samahan ako pauwi dahil na-guilty ako. Pasalamat siya madali akong makonsensiya.

"Oh, Monique, 'nak, nandito ka na pala." Bumukas ang pinto sa aming bahay, doo'y si Mama na may suot na ngiting hindi ko maintindihan, yung ngiti kapag may naiisip siya na kakaiba.

"Good afternoon po, Ma'am." Bati nitong katabi ko.

Tiningnan siya ni Mama mula ulo hanggang paa na para bang inii-scan siya, "Boypren ka ba ng anak ko?" Mahinhin niyang sambit, sabay akbay sa akin.

"Ah, hindi po." Napakamot siya sa batok.

"Kung ganun, kaibigan?"

"O-opo." Aba'y--
di ko nga siya close eh!

"Ganito kasi, bihira lang 'to magkaroon ng kaibigan. Ingatan at samahan mo 'to lagi, ah?" Ano ba yan, Ma! What a nightmare!

"Opo!" Mukhang nabuhayan siya.

"Meryenda ka muna, hijo. Hali--"

"'W-wag na, Ma!" Bigla kong sigaw na pinagsisisihan ko ngayon, nakakahiya, "Kasi-kasi, uuwi pa siya!"

"Malapit lang naman po ang bahay ko pero, sige, aalis na po ako. Bye, Monique!" Kaway niya sa akin saka umalis.

"Nique, sigurado ka na ba sa kanya?"

"Ma naman!"

Pinindot niya ang tagiliran ko, "Hmm? Magkaka-developan lang naman kayo sa huli eh."

"Ma, high school-er palang ako, tapos kung sakaling tapos na akong mag-aral ngayon, di muna ako magboboyfriend."

"Sus! Yan din ang sabi ko dati, umakyat ka na nga dun. Kumain ka nga pala muna."

Agad akong pumunta sa kusina nang nabanggit na may pagkain.

Pagkatapos kumain, pumasok ako ng kuwarto at narinig ang cellphone ko na tumunog.

Binuksan ko ang messages icon at binasa ang mensahe ng isang unknown contact, "Here's my email address, write on it as soon as possible because I have something important to tell you."

NecessityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon