Kabanata 3

5 0 0
                                    

Chapter 9 : 'Weird Together.'

Monique

"Uhh, Sir? Pardon me but may I just ask how you know me? I mean, it's not every day you get called by a random stranger... who tells you to make a book for him." Yumuko ako at nanatiling nakatingin sa isang tasang kape na nakaupo sa mababang mesa sa aking harapan.

Narito kami ngayon sa café na malapit sa campus. Isinama ko naman si Koreano. Wala naman akong choice eh, wala naman akong mga kaibigan tapos susundan niya pa rin ako kahit iba pa ang isama ko.

"It's confidential." Inayos niya ang hood ng kanyang jacket sa kanyang ulo. Mayroon rin siyang mask na tinatakpan ang ilong at bibig niya. Kumbaga napakamisteryoso ng dating niya.

"Umm, okay."

"Anyway, I want you to write me a book." Pero... diba ilegal kung mag susulat ka para lang lagyan ng ibang pangalan na kikilalanin bilang ang awtor?

"Don't worry, it won't be published nor exposed to the public. It's just for my entertainment purposes." Aba? Ba't kailangan niya pa mag pasulat? Eh pwede naman siyang bumili ng libro kung saan, "And also, I'll pay you."

"I don't need money though."

"Then I'll get rid of your admirers--fear not, I won't harm them."

"How did yo--"

"I have my ways."

"What kind of book?" Tanong ko.

"A book with a romance genre." Di ko akalaing ang misteryosong lalaking ito ay may gusto sa maromansang libro. 'Looks can be deceiving' nga naman.

"Romance? Oh dear..."

"Bakit, may problema ba?" Marunong naman pala siyang mag Tagalog, pinahirapan pa ako nito.

"Eh kasi, wala akong experience diyan. Lahat ng isinusulat ko ay based on what I experience." Lakas maka-conyo!

"Hmm? Siya, di mo ba siya boyfriend?" Itinuro niya si Koreano. Nakalimutan kong nandito rin pala siya.

"A-ah, hindi. Ano kasi--"

"Edi mag kunwari kayong magsyota. Pwede naman di ba?" Loko 'to ah. Para lang sa 'entertainment purposes' niya, magri-risk kami ng ganito?

Bumuka ang bibig ko para mag reklamo pero na unahan ako nitong katabi ko.

"Pwede nga naman. Ano, Monique?"

"Wow, salamat ha." Pagbibiro ko, "Napakalaking tulong ng pagsangayon mo na mag panggap tayong mag-jowa. Ikaw lang naman sana ang po-problemahin ko pero sumulpot pa yun si Mr. Pagawa Libro." Sarcasm.

Tahimik lang siya na para bang may malalim na iniisip. Nasaktan ko kaya siya?

"Ba't ka natahimik?" Mahina ko siyang siniko.

"Kasi..." Nakatulala lang siya sa lupa. Unti-unting namula ang kanyang magkabilang pisngi.

"Kasi...?" Tanong ko muli.

"Pinag-iisipan ko lang naman kung paano maging boyfriend."

"Yun lang naman pala. Hindi ka pa ba nakaranas na pumasok sa isang relasyon noon?"

"Hindi eh. Wala akong mapusuan. In short, hindi ako naging interesado."

"Diba sabi mo, 'I find your kind attractive'," Panggagaya ko sa boses niya na siya namang tinawanan niya, "Edi ibig sabihin noon, in general, gusto mo sa mga babaeng ganun."

Siya'y luminga-linga, "Actually, ikaw ang unang babae na nakilala kong ganun."

Hindi na ako sumagot. Napakajudgemental ko. He's not as bad as I thought he would be. Hindi naman ata siya chickboy.

"Anyway, anong kailangan natin gawin para maisulat mo yung libro?"

"Umm, siguro kailangan nating mag-d..." ayokong sabihin 'to pero, "d-date."

"Ay oo nga pala, kailangan mong maka-experience para makasulat." Sige, Sabado naman bukas kaya sunduin nalang kita sa bahay ninyo. Alas otso dapat handa ka na." Linagay niya ang kanyang mga kamay sa kanyang magkabilang bulsa.

"Hindi ba hassle sayo na sunduin pa ako?"

"Diba malapit lang naman ako sa inyo- oo nga pala, di naman ako masyadong mahalaga kaya di mo alam." Tumawa siya nang may halong sakit.

Kanina pa akong pabalik-balik na naglalakad sa loob ng kwarto ko. Hindi ako mapakali.

Anong gagawin ko bukas?!

Hindi naman sa concerned ako sa kung anong iisipin ng 'boyfriend' ko tungkol sa akin pero siyempre dapat maayos ang pagkilos ko kasi nakadepende rin sa akin ang pagdaloy ng kuwento sa libro.

Kailangan kong mag pakabait.

Tumigil ako at naghanap na lamang ng maisusuot para bukas.

Mag pa-pantalon ba ako? Shorts? Palda? T-shirt? Dress?

Nagpaalam muna ako kay Mama na may lakad ako bukas at agad naman siyang pumayag kasi bihira lang akong lumabas ng bahay, nabigla pa nga siya.

Natulog ako nang maaga para maaga ring bumangon.

Ginising ako ng napakalakas na alarm na ini-set ko. Alas sais na.

Limang minuto lang, babangon na talaga ako. Limang minuto la--

"Anak, gising-na-may-lakad-ka-pa!" Bumukas ang pinto, bumungad sa'kin si Mama na sabik na sabik mag rap na mas excited pa yata sa akin.

Naligo ako at nagsuot ng pantalon at t-shirt. Okay na 'to, bahala na.

Pagkatapos kumain ng almusal, nagbasa muna ako sa page ng inquirer habang naghihintay sa sundo ko. Lakas makasabi ng 'sundo', ang sosyal!

May kumatok sa pinto kaya binuksan ko ito para makita si 'boyfriend'. Kailangan ko talaga sanayin ang sarili ko sa ganito.

"Ma, alis na kami ni--ano," Sinampal ko ang sarili ko sa isip ko nang mapagtanto kong... hindi ko pa pala alam ang pangalan niya! Magtatatlong araw na na kami ay magkasama. Unbelievable.

Narinig kong mahina siyang tumawa, "David." Bulong niya.

"Alis na po kami ni, David."

"Mauna na po kami." Paalam ni David.

David.

Sinarado ko ang pinto at agad na humingi ng paumanhin kay David.

"Hala, sorry ha? Medyo matagal na tapos di ko alam ang pangalan mo, napakasama ko, sorry--"

"Okay lang." Ngiti niya. Nakaka-guilty na makita siyang ngitian lang ako kahit na may kasalanan ako sa kanya. Oo, kasalanan na iyon.

"Pero pwede bang magtanong?"

"Sige."

"Bakit David? Sorry pero, parang makaluma ata."

"Yun din sa tingin ko, pero dahil iyon sa mala-istatwang kagwapuhan ko." Gumawa siya ng pose na pang-istatwa.

"Grabe, umaapaw na ho ang self-confidence mo."

Pero kung titingnan nga naman ang katawan niyang perpekto at ang well-defined niyang mukha na para bang inukit, bagay naman sa kanya. Mukha nga siyang istatwa. Ang ganda ng proportions niya.

"Magsimula tayo. Ako si Monique."

"Nice to meet you, I'm David."

Teka...

"Ang korni natin!"

NecessityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon