Chapter 18: 'Getting used to it.'
Monique
Isang linggo na ang lumipas simula nang magkaroon ng 'kami' ni David. Hindi ko pa nakausap si Mama tungkol dun at naghihintay pa ako sa tamang pagkakataon na sabihin sa kanya.
Okay naman ang lahat, mas lalo kaming napalapit sa isa't isa pero pinapanatili ko pa ring i-control ang sarili na 'wag mahulog ang loob para kay David. Ayaw ko pang umibig.
Naabutan ko si David na naghihintay sa akin sa labas ng classroom.
"Uy." Ganyan ako bumati.
"Kumusta?"
"Ganun pa rin naman. Ganyan rin ang tanong mo sa bawat pagkita natin."
"Eh i-kiss nalang kaya kita." Ngumiti siyang nakakaloko.
"Alam mo, nagpipigil lang akong manapak." Sinimangutan niya na lamang ako.
Binuksan ko ang aking locker at sinalubong ako ng dalawang envelope. Simula ng naging kami, tumigil nang magsulat ang 'admirers' ko, maliban sa isa. Hindi naman sa binabasa ko, pamilyar lang itong isang dilaw na envelope na katabi naman ng envelope na mukhang imbitasyon para sa isang sosyal na selebrasyon, bago 'to.
Linagay ko sa bag yung dilaw na liham at binuksan yung isa.
Binasa ko ang nakasulat doon, 'Let's meet at the café where we met last week.' Si Mr. Pagawa Libro 'to, I'm sure of it.
Pero bakit ba kailangan niya pang ipaalam sa akin gamit ang liham? Ang rami pang pa-echos-echos. Pwede niya lang naman akong i-text gaya ng dati.
Nabasa rin ni David, "Ano, tara?"
"Tara."
Pagdating namin sa café, nakita namin ang pamilyar na lalaking naka-jacket na nakaupo sa dating pwesto kung saan kami huling nag-usap. Wala siyang mask ngayon pero natatakpan pa rin ng buhok niya ang mga mata niya. Nakakakita pa siya niyan?
Umupo kami sa harap niya, "Bakit mo ako pinapunta?" Tanong ko.
"I just want to check on your progress." Mag e-Englishan na naman kami, hay tissue!
Mabuti nga lagi kong bitbit ang laptop ko kung saan ako nag-e-encode. Inilabas ko ito at ipinakita sa kanya.
Mayroong rin siyang ilinabas na flash drive at isinalpak sa laptop. Kina-copy niya ata.
Binasa niya muna yung unang chapter at napangiti siya, "You really are good at this." Nakakatunaw ang ngiti ng isang 'to.
"Thanks." Matipid kong sagot.
May sasabihin pa sana si Mr. Pagawa Libro nang biglang nag-ring ang cellphone ni David. Nag paalam muna siya bago niya ito sagutin.
Bumalik siya sa aming lamesa pagkatapos ng ilang minuto, "Monique, pasensya na, something urgent came up. Kailangan ko nang umuwi."
"Ay... sige, okay lang." Hindi okay. Ayaw kong maiwan.
"Mauna na ako." Ngumiti siya sa akin, "Ingatan mo siya." Seryoso niyang sabi kay Mr. Pagawa Libro. Napaka-weird na tawagin siya sa pangalang yun.
~
Third Person
Tungkol sa libro lang naman ang pinag-usapan ng dalawang naiwan sa café.
Pagkatapos rin ng ilang minuto, napagpasyahan nilang umuwi na.
At dahil ibinilin ni David sa lalaki na ingatan nito si Monique, ihahatid niya ito pauwi. Hindi naman sumang-ayon si Monique nung una pero um-oo rin siya sa huli.
Tahimik lang na naglalakad ang dalawa nang mayroong kotseng mabilis na humarurot na sa sobrang lapit ay pwede nang masagasaan si Monique. Mabuti nalang ay nakita ito ng lalaking kasama niya, hinila siya papalapit sa kanya, papalayo sa kapahamakan.
Samantalang si David na papunta sana sa café para balikan si Monique ay nakita ang dalawa.
Dahil sa bilis ng pangyayari, nahawi ng hangin ang buhok na tinatakpan ang mga mata ng lalaking may hawak kay Monique kaya nakita nito ang buong mukha ng lalaki.
Napatitig si Monique sa gwapong mukha ng matangkad na lalaki na nakahawak sa kanya, "Mr.--"
"Edward. You already saw my face so it's okay to tell you my name."
"Monique!" Tawag ni David kaya napaharap ang dalawa sa kanya at humiwalay, "Anong nangyari?"
"Masasagasaan kasi ako kaya--" hindi nakapagsalita si Monique nang yakapin siya ni David.
"Salamat, pare. Mabuti nga nandiyan ka. Sige, mauna na kami."
Napatulala lamang si Monique kaya inakbayan siya ni David at nagsimulang mag lakad pauwi.
Nanatili lang na nakatayo at nakatingin sa dalawa si Edward nang nakangisi. Plinano niya itong senaryo. May binayaran siya para mag prank-call kay David para ito ay pauwiin. May binayaran din siyang driver para sa malapit na pekeng aksidente kanina, para lang makita sila ni Monique ni David. Balak niyang pagselosin ito pero hindi naman iyon ang kinalabasan. Hindi man natuloy and ending ng kanyang plano, masaya pa rin siyang may kakaiba pang maisusulat si Monique sa libro. Oo, lahat ng iyon ay para sa libro. Pati yung pagkatao niya ay kaniyang sinakripisyo. Importante ang lahat ng ito para sa kanya. Inaamin niyang medyo na-guilty siya sa plinano niya pagkat posibleng magkatrauma si Monique dahil sa nangyari pero makatutulong naman iyon sa talagang plano niya kaya okay lang.
Tumalikod siya at nagsimulang mag lakad patungo sa kabilang direksyon. Nahagip ng kanyang mata ang isang babaeng nakasandal sa isang puno. Ang babaeng hindi niya makalimutan. Nagkunwari siyang hindi niya ito nakita at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Kumirot muli ang kanyang puso.