Kabanata 4

5 0 0
                                    

Chapter 11: 'Closer'

Monique

"Ahh! Aray ko, Diyos ko po!" Para bang tumindig lahat ng balahibo ko. Ini-stretch ko ang aking mga braso sa sahig.

"Aray!" Para bang humigpit lahat ng muscle ko sa katawan habang nasa posisyon na nakadapa.

"Ayoko na! Tama na!" Sigaw ko, "David!"

Binitiwan niya na ako at bumaba mula sa ibabaw ko, lumabas ng silid at tinawag si David. Siya? Yung babaeng nagmassage sa akin.

Kinuha ko ang kumot at itinaas sa ibabaw ng katawan ko para takpan ang sarili.

Muling binuksan ang pinto para makita ko ang parelax-relax lang na David.

"Yes?"

Sinubukan kong lakasan ang boses ko pero ayaw atang sundan ako.

"Hoy... David. Akala ko ba date 'to? Ba't dito mo ako dinala?" Hindi ko maiwasang mahinang mag salita. Nanghihina ako.

Tuluyan na siyang pumasok sa maliit na silid at nag-squat sa gilid ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin, "Oo nga, date 'to. May problema ba?" Meron.

"Bakit mo ako pinapabugbog?! At ako lang?"

Mahina siyang tumawa, "Hindi yun bugbog, hilot yun."

"Alam ko, pero sinaktan mo lang naman ang katawan kong nasa mabuting kondisyon naman sana." Malumanay at sarkastiko kong sambit.

Napakamot siya, "Ganun ba?" Inirapan ko lamang siya, "I'm sorry. Tara, dadalhin kita sa isang kainan." Ngiti niya, dahilan para mapawi ang naramdaman kong inis. Para malinaw, ang dahilan kung bakit ako naging positibo ay yung pagbanggit sa pagkain.

"Ang raming pwedeng kainin tapos dito lang tayo sa ice cream shop?" Napakunot ang noo niya at naupo sa harap ko.

"Oo, ako lang naman ang kakain ah? May angal ka?" Siyempre hindi naman siya sumagot, nagkaroon na ata siya ng phobia sa'kin eh.

"Nga pala, David. Ba't mo 'ko dinala sa massage-ano, ewan basta kung anong tawag dun." Ibinaba ko ang maliit na kutsara sa plastik na baso.

"Para maka-relax ka. Pero parang kabaliktaran ang nangyari." Napakamot siya.

"Ba't ako lang? Ba't di ka rin nagpahilot?"

"Okay lang ako, I'm with you. Tapos pina-massage lang naman kita kasi parang palaging mainit ang ulo mo." Tumawa siya. Ang lakas na ng loob nito ah.

Umilag naman siya nang nagtangka akong ibato sa kanya ang kutsara. Mukha siyang ewan, hahaha!

"So, saan naman tayo pupunta pagkatapos nito? Baka sa psychiatrist mo na ako dalhin."

Tumaas ang kilay niya, "Hmm, pwede naman. Magandang ideya yan."

"Aba!"

Kahit papano, na-touch naman akong concern siya sa akin, kahit na dahil lang iyon sa pagkamainitin ko ng ulo. Medyo gumaan ang loob ko.

"Saan mo gustong pumunta?"

"Umm, library?"

Tumawa siya, "As expected from you. Tara." Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko, hinila ako papalabas ng ice cream shop.

Naglakad kami papunta sa isang maliit na library. Medyo malapit lang naman yun kaya pwede namang lakarin mula sa ice cream shop.

Tiningnan ko ang mga kamay namin, hindi pa rin siya bumibitaw. Normal lang naman ito sa mga mag-jowa diba?

Kahit papano ay nakaramdam ako ng pagkakomportable. Mainit sa positibong paraan.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya.

Napakaganda ng panahon ngayon, hindi masyadong mainit. Ito ba ang epekto ng hilot? Nagiging positibo ang pag-iisip ko.

Napagtanto kong binuksan na ni David ang pinto ng library para papasukin muna ako. Naupo kami sa walang masyadong tao.

"David, tandaan mong hindi ka pwedeng mag-ingay dito."

"Alam ko naman po." 'Po'?

"Eh kasi nang pag punta natin sa school library bigla ka na lang sumigaw."

"Sorry na, hehe." Nagpa-cute siya.

"'Wag ka nang mag pa-cute, di ka cute. Tumahimik ka lang, okay na." Kaya ayun, tumahimik nga siya.

Naghanap ako ng magandang babasahin sa ilang mga istante at nang pagbalik ko, nakita kong nagbabasa si David ng Children's book, Ugly Duckling. Ay wow naman.

Tinabihan ko siya at nagsimulang mag basa.

Paglipas ng ilang minuto, lumingon ako sa kanya para makita siyang nakasubsob na ang mukha sa libro, mahinang humihilik. Tsk, nakatulog na ang bata.

Linagyan ko ng bookmark ang pahinang binabasa ko at ibinaba ang libro. Inalis ko ang 'Ugly Duckling' na libro mula sa kanyang mga kamay at maingat na inayos ang mga ito para gawing unan. Dahan-dahan ko nang ibinababa ang ulo niya papunta sa kamay niya nang bigla siyang umupo ng maayos habang nakapikit pa rin ang mga mata. Ipinatong niya ang isa niyang braso sa upuan ko at dahan-dahang ipinatong ang ulo niya sa akin.

At dahil napakatangkad niya, ang ulo ko ang nasa ilalim ng ulo niya. Ano ba naman 'to.

Inalis ko ulit ang ulo niya sa pagkakapatong sa aking ulo at inilagay na lamang sa aking balikat. Napabuntonghininga ako at bumalik sa pagbabasa.

NecessityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon