Chapter 25: "Love."
David
Nagsimula ang lahat nang umuwi ako sa Pilipinas galing sa Korea. Binalikan namin ng pamilya ko ang bahay namin sa isang subdivision, sa Pinas na raw ako magpapatuloy ng high school hanggang sa makatapos.
First day of school nang makita ko ang isang napakagandang babae na lumabas sa katabing bahay. Mukhang parehas ang design ng school uniform niya sa akin kaya mukhang sa parehong paaralan ang pupuntahan namin.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya. Nakakabigla pagkat ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Nagtanong ako sa mga kakilala ko kung alam nila kung sino iyon. Mabuti nga't nakuha ko ang pangalan niya.
Nagsimula na ako noong mag sulat mga liham para sa kanya. Kahit hindi niya naman binabasa, pinatuloy ko pa rin.
Hanggang isang araw ay linakasan ko ang aking loob na samahan siya pauwi. Nakausap ko siya at napansin ang kanyang totoong kulay, mas lalong akong samahan at kausapin siya, mas lalo akong nahulog sa totoo niyang kulay.
Napamahal na nga talaga ako sa ka--
"David! Wag mo yang ituloy!"
Humarap ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na alam kong kay Monique.
Eksaktong pagharap ko ay niyakap niya ako nang mahigpit, "Wag kang magpakamatay, mahal kita. Baliw!" Nabigla ako sa nangyayari at niyakap siya pabalik.
"Hindi naman ako magpapakamatay." Tawa ko.
Dahan-dahan siyang bumitaw at napakamot, "A-ay, ganun ba?"
"Pero nasabi mo na. Wala nang bawian, ah?" Biro ko.
"Seryoso ako. You're right, you are a necessity, because I need you. Ang tanga ko para late maka-realize. Pasensiya na."
"Nado saranghae." I love you too.
Muli ko siyang niyakap at hinalikan ang kaniyang noo.
-
end.