Chapter 21: ''Confused."
Monique
"I-itigil mo yan!" Sigaw ko sa nakita kong babaeng mag tatangkang magpakamatay. Nakalagay sa leeg niya ay ang lubid na nakakabit sa dingding, habang siya'y nakatayo pa sa silya.
Tumawa siya nang may halong pagka irita, "What a coincidence, ikaw pa talaga ang pipigil sa akin?" Ngumisi siya, ang mga pisngi'y basang basa na sa luha.
Hindi ko naiintindihan, kilala niya ako?
"Malamang naguguluhan ka ngayon. Ganito kasi," inalis niya ang lubid sa pagkakatali sa kanyang leeg, "ikaw lang naman ang girlfriend ng lalaking mahal na mahal ko." Mukhang obsessed siya kay David. Hindi niya naman ito magagawa kung hindi malaki ang kanyang paghanga.
"Isa pa, pati yung ex ko na mahal ko pa, nilalandi mo," Sino ba naman yun? "Si Edward."
"Nagkakamali ka, wala akong gusto kay Edward. Pinagagawa niya lang kami ni David ng libro kaya--" Ano ba naman 'tong bibig ko, di naman nakatutulong.
"I-ibig mong sabihin, peke lang ang relasyon ninyo? Tapos, si Edward ang may pakana ng lahat ng 'to?" Bumaba siya sa silya at dahan-dahang lumapit sa akin.
"Monique?" Biglang sumulpot si Edward kung kailan siya nabanggit.
"Haha! Edward, tamang tama," Tumawa ang babae nang parang baliw, nakakatakot na talaga siya, "Sinasadya mo ba lahat nang 'to?"
"Aemie? Anong pinagsasabi mo?"
"Wag ka ngang mag kunwari! Alam mo namang si David ang rason kung bakit kita iniwan. Ngayon, sabihin mo sa'kin na hindi mo plinanong saktan ako sa pamamagitan niya at ng babaeng iyan!"
Ngumisi si Edward, "Oo, gusto ko lang namang ipakita sayong hindi mo talaga makukuha ang puso ni David. Alam mo bang napakasakit ng dinulot mo sa'kin? Na pinili mo ang lalaking hindi ka naman mahal o kilala man lang." E di, ibig sabihin nito, ginamit niya kami para lang dun?
"Kung mahal mo ako, ba't gusto mo 'kong saktan?"
"Aemie, hindi ganoon. Alam kong mas lalo kang masasaktan kung aasa ka, ipinapakita ko lang sayo ang reyalidad. Mahal kita, pero pilit mong hindi pinapansin."
Ano ba ako rito? Anong ginagawa ko dito?
Natameme ang babaeng tinatawag na 'Aemie'. Mula siyang umiyak. Nabigla naman si Edward kaya niya ito nilapitan ang niyakap.
Naka-receive naman akong text message mula kay David, tinatanong niya kung nasaan ako. Sinabi ko sa kanya ang kinaroroonan ko at sinabihan siyang puntahan ako.
Pinagmasdan ko lang ang dalawang mag kayakap. Parang may magkakabalikan ah.
"Uy." Pumasok si David sa classroom, "Anong ganap dito?"
Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyayari at ang rason kung bakit naman ginagawa ang lahat ng ito.
"Guys, pasensya na sa abala. Gusto ko lang namang--" sambit ni Edward
"Okay lang, pero sana nagpakatotoo ka nalang sa amin." Sagot naman ni David.
"Sorry sa pag sasayang ng oras ninyo, lalo na sayo Monique. Pwede namang wag mo na ipagpatuloy yung libro at yung pagpapanggap niyo."
"I insist, tatapusin ko ang libro." Nasimulan ko na eh, ba't di ko pa tapusin?
"Sige, if you say so. Dahil parang natapos na natin 'to, puputulin ba natin ang mga koneksyon natin sa isa't isa?"
"Wag na, parang magkakaibigan naman tayo. Sayang naman di ba?" Sabi ni David.
"Salamat sa lahat, maiwan ko na kayo. May aayusin pa ako sa amin ni Aemie."
Nang naglalakad kami pauwi ni David, tahimik lang siya. Hindi naman siya ganito eh. Mukhang mayroong problema.
"David?"
"Hmm?"
"Okay ka lang ba? May problema ba? May sakit ka ba?"
"Ah, hindi, ayos lang ako." Napatingin lang siya sa daanan.
"Wag kang mag sinungaling. Kilala na kita."
"Eh kasi..." tumigil siya sa paglalakad at tumingin sa langit. Mayroong kumikinang sa mga mata niya.
"Umiiyak ka ba?" Natataranta kong tanong.
"Monique," pumikit siya, "Mukhang tapos na ang pagpapanggap natin... hindi na kita makakasama."
May kung anong kumirot sa dibdib ko nang sinabi niya iyon. Tumakbo sa isip ko ang mga alaalang binuo namin ng ilang mga araw na kasama ko siya, nang kasintahan ko siya.
"Alam kong sabi ko na walang problema na gamitin ako, pero... ang sakit lang talaga. Yung, kinailangan mo lang ako para sa libro, para makasulat. I was just a necessity, it was necessary for me to be your boyfriend so you could write. I was really in love with you but you didn't feel the same. I'm just a necessity." Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya kahit anong pagpipigil ang gawin niya.
"David, I'm so--"
"Hindi, okay lang, ako naman yung umasa eh. Dapat in-expect ko na ang ganito. Salamat kasi kahit papano ay nakasama kita sa maikling panahon. Palagi ko iyong itatago sa puso ko, Monique. Mahal kita." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.
Natulala na lamang ako at hindi napansing umalis na pala siya.
Nakaramdam ako ng guilt. Ba't ba hindi ko siya kayang magustohan? O ano ba talaga ang nararamdaman ko?
Umuwi ako nang mag-isa at naguguluhan.
Nang umupo ako sa aking higaan, nakaharap ko yung kahon na naglalaman ng mga liham para sa akin. Panahon na kaya na basahin ko ang mga iyon?
Binuksan ko ito at nakitang karamihan ay mga dilaw ba envelope, yung mga galing kay David.
Napansin kong mayroong palang mga date sa likuran ng mga envelope. Dali-dali kong inilabas lahat ng galing kay David at in-arrange sa una niyang binigay hanggang sa pinakahuli.
Binuksan ko ang una at kinuha ang maliit na puting papel.
"To my dearest Monique,"