Kabanata 2

16 0 0
                                    

Chapter 4 : 'A buddy?'

Monique

"Here's my email address, write on it as soon as possible because I have something to tell you." May kasamang link sa mensahe. Sino kaya 'to?

Balita ko kasi ay uso ang mga gan'tong scam ngayon, baka nga naman isa 'to sa mga ganoon.

Hindi ko na lamang ito pinansin at naupo na lamang at pinaglaruan ang lapis sa'king study table, pumikit at inalala lahat ng nangyari ngayong araw para may maisulat.

Kinaumagahan, napag desisyunan kong pumunta sa library para mag research tungkol sa isang homework.

Nang maupo ako at nag-ayos ng gamit, bumungad uli sa akin ang pamilyar na taong umupo sa harapan ko.

"Hi."

"'Nong ginagawa mo rito?" Tanong ko.

"Sasamahan ka?" Ha? Ano ko siya? Yaya? Bodyguard?

Napansin niya ang pagtataka sa mukha ko kaya'y ipinaliwanag sa akin, "Diba binilin ka sa'kin ng Mama mo?"

"Huh?"

Tiningnan niya lang ako na para bang hini-hypnotize ako para makaalala.

Pagkatapos ng ilang segundo, nag-flashback ang mga salitang binitawan ni Mama,

'Ganito kasi, bihira lang 'to magkaroon ng kaibigan. Ingatan at samahan mo 'to lagi, ah?'

Nadismaya ako nang mapagtantong hindi na ako mag-iisa mula ngayon, at ayaw ko sa ideyang iyon!

Si Mama naman kasi eh. Ang raming pa echos-echos. Pati pagka anti-social kong pagkatao nadamay. Pambihira naman oh!

"So...yeah?" Itinaas-baba niya ang mga kilay niya, nagmumukha siyang loko-loko.

"...Fine. Pero dahil lang yun kay Mama."

"Yes!" Sigaw niya na nag-echo sa buong library, kaya'y maraming napatingin nang masama sa direksyon namin. Nakalimutan niya yata na naririto pa siya sa library.

Tiningnan ko siya ng masama pero binigyan niya lang ako ng inosenteng ngiti. Tss, mukhang aso.

"I'll be your buddy from now on." Dagdag pa niya habang nakangising abot langit.

"More like pet." Pagtataray ko.

Sumimangot siya, "Ang sama mo naman."

"Edi layuan mo na nga ako."

"Hindi, hindi nga pwede eh."

Di ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paggawa ng homework.

Inaamin kong medyo distracted ako sa prensensya niyang nakatulala sa akin kaya gumalaw na ako, "Ano ba, stop staring at me."

"Huh?" Tss, pa-inosente.

"Sorry, pero hindi naman kita tinitingnan eh. Yung babae lang sa likod mo yung tiningnan ko." Aba!

"...chickboy." Mahina kong sambit para hindi niya marinig. Ang aking pagtataray lang naman ang nasilayan niya.

"Narinig ko. Selos ka?" Narinig niya pala yun? Ang hina na nga eh. Imbes na magalit o masaktan siya sa sinabi ko, ngumiti pa siya lalo.

"Malamang hindi, ano ba kita? Diba wala?" Umiwas ako ng tingin.

"Wanna be my baby?" Kinidatan niya ako. Sanggol niya? No.

Na-realize kong madali niyang nabago ang topic. May tinatago ba siya sa akin?

Sinundan niya ako kahit saan magpunta sa campus, kaya ayun, ngayo'y hindi lang ako ang nakakaalam ng sikretong mga lugar na pinagtatambayan ko.

Hindi na nga ako mag-iisa.

"Monique." May bigla akong naramdamang pumindot sa aking tagiliran, kaya na distorbo ako sa pag-iisip.

"Ano ba?" Pagsusungit ko muli sa kanya.

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Oo nga, kaso sumingit ka pa sa trip ko. Maayos na sana lahat, kaso dumating ka pa sa payapang mundo ko.

Di ko siya sinagot at umiwas na lamang ng tingin, bigla akong nainis nang naalala ko ang pagsisingit niya sa buhay ko. Wala eh, ganito ako ka-apektado. Di kasi ako sanay na may kasama, ngayo'y bigla nalang siyang sasama sa akin kahit saan man ako magpunta.

"I'm sorry. Di na kita kikilitiin." Isiniksik niya ang kanyang mukha sa harapan ko, "Uy. Ang dali mong mainis," sumimangot siya. Gaya ng sabi ko, wala naman sa kanyang pumipilit na samahan ako, pwede niya akong iwan kahit anong oras, at masisiyahan pa ako nun.

"Pero alam mo, I find your kind attractive." Nakita ko ang kanyang ngisi sa peripheral vision ko. Pero teka, my kind? So interesado siya sa mga tulad ko? Tsk tsk tsk, Koreanong chickboy nga naman.

"Edi wow." Sambit ko.

"You answered. Na-flatter ka ba sa sinabi ko?" Wow kapal! Sumagot lang, na-flatter agad? Hindi ako ganun, pare.

"Di ah. Hindi ba pwedeng feel ko lang sumagot?"

"Sige sige," patuloy niya sa pagngingisi, "Pero totoo yung sinabi ko ha." Wala. Akong. Paki.

Magsasalita pa sana siya nang tumunog ang cell phone ko. Mayroong tumatawag na unknown number.

Sinagot ko lang ito at tinapat ang cellphone sa aking tainga, "Hello?"

"Miss Veñaranda, please meet me at the café next to your university, we have an important matter to discuss." Hala, grabe siya. Di pa nga niya ipinakilala ang sarili niya. Sino ba 'to? Sasagutin ko pa ba? Sige nga.

"Umm, sorry, but can you please tell me what you need first? Who is this?"

"Miss, we'll talk about that at the said place." Aba! Naninigurado lang ako pero ganito na siya. Malay ko ba naman kung scam 'to. Teka, yung sa text message kahapon, related ba yun dito?

"Miss?" Bigla akong natauhan nang nagsalita pa siyang muli.

"How will I know if this is not a scam? How will I know if you're not planning on doing something bad to me?" Sige, sagot!

"You may bring a chaperone if you'd like to ensure your safety. But Miss Veñaranda, I'm not planning to kidnap you or something." Mahina siyang tumawa. Di ko mapigilang kilabutan, syempre kasi hindi ko naman 'to kilalang kausap ko.

"Sure. But please tell me why you called."

Narinig kong napabuntong-hininga siya sa kabilang linya, "I need you to write a book for me."

NecessityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon