Chapter 12: Aprileine

90 16 2
                                    

2 Years ago

April POV

Kakauwi ko lang galing sa school kasama si Felix. Napaaway ako dahil sa mga babaeng nagkakagusto kay Felix. Ano ba kasing meron sa best friend ko? Hindi ko naman kasalanan na naging kaibigan ko ang mokong na ito. Humiga ako sa carpet na nasa Salas ng bahay namin. Tsk! Ang sakit ng anit ko sa pagkahigit ng buhok ko kanina.

"Tumayo ka na diyan."

Bumangon ako habang papalapit siya sa'kin na may dalang yelo at medicine kit. Lumapit ako sa kanya sabay sandal sa balikat niya. Sanay na ako kay Felix na ginagawa ito. Ginamot nya ang galos ko gawa  ng mga tagahanga niya.

"Sa susunod ipapapulis ko na ang mga yun. Hayyttsss.."sabi ko. Ihamplos ni Felix ang ulo na may halong pag aalala sa akin. Inalis ko ang kamay niya ng maramdaman ko na awkward yung tinginan naming dalawa.

Napatagal ang usapan naming dalawa ng dumating si Mama. Hayyttsss tuwing makikita ko Mama para bang gusto ko laging tumakbo palayo. She always do everything what she want to. Lagi nalang siya may plano akala niya ba nagugustuhan ko yun? Lumaki ata ako na may kung anong panganib na mangyayari. Ewan ko ba kung Nanay ko pa ba siya o hindi. Minsan sini'set up niya akong makipag date kay Felix. Kahit si Felix nagugulat nalang din.

"My dear Aprileine.. How's your day with Felix?"


I think it almost 1000× ko na ata narinig yan mula sa kanya.


"Can you see my arms,my head and all the wounds? Dahil yan sa mga may gusto kay Felix na akala boyfriend ko siya." Reklamo ko.

"It's ok April maybe they should be know about your status."

Is she insane?... Wala ba siyang pakialam sa anak niya?

"Ma!!! Me and Felix were just friends at isa pa wala ka na rin mapapala dahil may boyfriend na ako."


Tsk.. ano bang nasabi ko? Wala naman akong boyfriend.

Tumingin sakin si Felix and I'll give him a sign para sumang ayon alam ko naman na nagulat din siya.


"Hmm.. kung ganun ipakilala mo sa'kin yang taong yan."sabi ni Mama tapos agad na umalis papunta sa kanyang kwarto.


Nakahinga ako ng maluwag tapos napahiga sa sofa.


NAKAKAINIS KA MA!!!!!

EWAN KO SAYO KUNG TAO KA PA BA? PINAGLALARUAN MO KO!! HINDING HINDI MO KO MAPAPASUNOD SA GUSTO MO!!


"Ate. What happened to you? Balita ko napaaway ka kanina?"nagulat naman ako kay Makoto na nakababata kong kapatid. Bigla nalang niyang sinundot ang pasa ko sa braso kaya napalayo ako.


"Mako!! Ang sakit ah... Oo nga pala balita ko nag cut ng klase kanina?" Paninermon mo kay Makoto pero tumingin lang siya kay Felix.


"Oo nga pala April uuwi na ako. Ikaw Makoto magpakabait ka."sabi ni Felix tapos lumakad paalis ng bahay namin.



"Ate.. Mukhang may balak na naman si Mama sayo ah? Pinag ship ka niya kay Kuya Felix."



"Hayyttsss Ewan ko ba kung Nanay ko pa ba yan. Kapag ako hindi nakatiis lalayas na ako ng bahay. Kaya ikaw Mako umayos ka baka ikaw naman paglaruan ni Mama."sabi ko sabay kuha ng bag ko at tumungo sa kwarto ko para mag bihis.


Ano ba kasing meron kay Felix na gusto ni Mama. Nangako na nga kami ni Felix na hindi namin  magugustuhan ang isa't isa. Bakit ba ang kulit ni Mama.
First day palang puro galos na ako. Hayyttsss mabubuhay pa kaya ako sa huling taon? O hindi na?



*Morning at School.

Hindi na ako sumabay kay Felix at nagpahatid nalang ako sa driver ko. Ang isang Yamamoto hindi nawawalaan ng driver . Pagkababa ko lumakad na agad ako patungo ng classroom pero may nakita akong kompulan sa ground. Grabe anong meron dito? Second day palang pero napakadaming nangyayari dito.


"Grabe kawawa naman yung lalaki."sabi nitong babae na nasa tabi ko.

Hindi ko makita kung sino yung tinutukoy nila. Dahil ang daming mga taong nakaharang. Itong mga ito laging updated sa mga chismis.


"Anong nangyari dito? Anong meron?" Tanong ko. Ehem chismosa din ako e.

"Sinusuyo nung lalaki yung babae pero ayaw naman. Grabe naman kasi yung babae sa lalaki."sagot nito.



"NANDIDIRI AKO SA'YO!!!"


Sandaling nagtahimik at agad din umingay dahil sa narinig namin. Grabe naman pala talaga yung babae. Sino ba yung lalaki?

Tumakbo yung lalaki. Ewan ko ba sinundan ko siya kahit hindi ko nakita ang ang mukha niya. Pumasok siya ng music room habang ako tumatakbo papunta doon.

Narinig ko na umiiyak ito kaya hinayaan ko nalang.

Hindi ko alam ang nararamdaman niya pero alam ko na masakit yun.

"It's Okay, you'll be fine soon and find someone who accept you. I know you heard what I'm saying. Hindi ko alam kung nangyari pero naniniwala ako na hindi mo siya deserve. "


Umalis ako matapos kong masabi yan. Hindi ko alam kung may mag c'comfort sa kanya pero sana maintindihan niya yun.





**********


I hope you like it. Mga flashback lang yan.

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon