Chapter 27

78 13 1
                                    

April POV

Minulat ko ang mga mata ko at pinagmasdan ang paligid na hindi kahawig ng tent na hinigaan ko. Malayong malayo ang lugar na ito sa alam ko.

Napalingon ako sa taong sumusundot sa pisngi ko ngayon.

Tsk! Si Makoto lang pala.


"Ate buhay ka pa pala."Sabi nito na may matamlay na tuno.

"Mamamatay na ata ako mamaya. Makoto may sasabihin ako sayo."Sabi ko at bumangon sa higaan ko.


"Kapag natapos na ang araw maaaring may magpunta dito para hanapin ako kung mangyayari yun wag na wag mong sasabihin kung nasaan ako."Sabi ko.

Siguro akong hahanapin ako ni Xan dahil sa iniwan ko sa loob ng tent.
Hindi na ako pwedeng magpakita sa kanya dahil sa ngayon nakatungtong ako sa isang chess board at magkamali lang ako ng hakbang sigurado akong ma'checheckmate ako ni Lolo.

Wala akong ginawa kung hindi magkulong at matulog.Hayyttsss para na akong robot nito.





"April.... April...."sumilip kami ni Makoto ng marinig si Manang na tumatakbo.

"May lalaking naghahanap sayo si Xan daw siya."

Ito na ang oras na hinihintay ko ang pagdating niya.Pero ako ang prinsesa na hindi pwedeng makasama ang prinsipe. Sumilip ako sa bintana at nakita ko ang kotse niya.

"Ikaw ang lumabas Mako,"Sabi ko.












Xan POV


Naghintay ako sa pagbalik ng katulong nina April dito sa gate nila. Pero hindi si Manang ang lumabas kundi ang kapatid ni April na si Makoto ang sumalubong sakin.

"Nasaan si April!?"agad na tanong ko pero wala siyang gana na binuksan ang gate kaya imbes na kausapin ko pa siya pumasok na ako sa bahay nila.

Hinanap ko sa bawat kwarto si April maging sa kwarto niya wala siya.

Nasaan ka na April? Wag mo kong pahirapan ngayon.




"Wala si Ate dito,hindi mo na rin siya makikita."Sabi ni Makoto na inaayos ang kumot sa kama.

Anong ibig sabihin ni Makoto? Wala si April dito? Anong hindi ko na siya makikita?

"Hindi ako naniniwala."Sabi ko na pilit na hindi pinaniniwalaan ang sinasabi niya.


Iimik na sana ako ng biglang may dumating na matandang lalaki na may mga bodyguard. Sino ba siya? Bakit napaatras si Makoto sa kanya.


"Mr.Martinez go to my office."Sabi nito sabay lakad palayo.

Sumunod ako ng walang pag aalinlangan hanggang sa makita ko ang opisina niya. Pinaupo niya ako sa sofa habang nagtitimpla siya ng tea sa isang lamesa. Umupo siya sa tapat ko at inabot ang isang tasa.


Hindi ko siya kilala pero sigurado akong siya ang may alam kung nasaan ang hinahanap ko.


"Excuse me. Nasaan po si April?"tanong ko sa kanya.

Humigop muna siya ng tea bago pa man umimik.


"Alam mo ba kung bakit bigla siyang nawala sa inyo? It's because of you."Sabi nito.


"Dahil sa akin?"


"Yes.. ginawa kitang trapped para mapapayag siyang umuwi at maging tagapag mana ng kayamanan ko. Pasaway yang bata na yan kaya ikaw ang nagawa kong maging dahilan para napasunod siya. Nag work naman kasi nandito na siya."Sabi nito.


"What!? What do you think of her? A robot? Anong klaseng tao kayo para gawin yun kay April?"Sabi ko na naiinis na sa kanya.

"What about you? Sino ka para puntahan siya dito? Sa pagkakaalam ko kaibigan mo lang siya."kalmadong Sabi nito sa'kin.

"Mahal ko si April hindi ko siya kaibigan. Ilabas niyo si April."umiiyak na ako sa harapan niya habang iniisip kung sasabihin niya ba kung nasaan si April.
"I beg you Sir... I love her."














April POV

I heard his voice inside of Lolo's office. Nasa kabilang kwarto ako at nais ko na siyang makita ngayon palang pero may pumipigil sa'kin na gawin yun. Naririnig ko ang pinag uusapan nila pero gustuhin ko man sumugod doon ay hindi ko magawa.

"I beg you Sir,I love her."

Sa unang pagkakataon narinig ko rin mula sa kanya na Mahal niya rin ako.

Tumutulo na ang luha ko at hindi ko alam ang gagawin ko para sabihin na Mahal na Mahal ko siya.


"I'm sorry Xan."


Nanatili akong nakaupo sa kwarto na ito habang hawak ang necklace na bigay ni Xan sa akin.
Bukas aalis na ako papunta sa Japan para doon mag aral ng college.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa future na wala si Xan. Masaya akong nakasama ko siya at minahal kung sino siya. Gustong gusto ko siyang makita kahit sandali lang.










Bianca POV


Ilang araw ng tahimik si Xan at walang kibo, malapit na ang exam pero hindi pa siya nagrereview. Hindi niya ako kinakausap simula ng umalis si April papunta sa Japan. Madalas pagkatapos ng klase pumunta siya sa Park hanggang gabi. Kahit naman ako nalulungkot na wala si April dahil kaibigan ko siya pero kay Xan sobrang depressed na siya. Mahal niya si April pero hindi niya magawa na makasama ang taong mahal niya.


Lumapit ako kay Xan na nakaupo sa swing sabay abot ng Milktea.




"Ganun talaga Xan walang magandang ending ang isang kwento. Kung kayo,kayo talaga. But always remember I'm always here for you."Sabi ko sabay yakap sa kanya.





Tinatanong ko si Felix tungkol kay April pero wala siyang alam tungkol sa pag alis nito.




Matapos ang graduation sabay kaming nag enroll ni Xan sa isang University. Si Felix naman nag aral sa isang University na may medical course. Sa ngayon kami na ni Felix pero si Xan wala ng balita kay April.

Sana ayos lang si Aprileine Yamamoto ngayon.






**********

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon