Chapter 21

74 13 2
                                    

April POV

Pagkatapos kong mamili ng regalo hinanap ko si Xan sa labas nitong gift shop kasi ang sabi niya may bibilhin lang siya sa labas. Saan naman kaya yun pumunta?

"April..."

Ayun na pala si Xan na may dalang milktea. Hindi talaga mawawala ang milktea sa kanya. Inabot sa'kin ni Xan ang milktea tapos inabot ko rin ang regalo ko sa kanya. Tamang tama bagay sa kanya ang regalo ko.

"Teka... Keychain? Ang cheap ah,"Sabi ni Xan kaya na'offend ako sa sinabi niya.


Cheap???  O hindi ka lang marunong um'appreciate ng regalo.

"Hindi mo nagustuhan? Akin na itatapon ko nalang."sabi ko sabay hablot ng milktea keychain at tinapon sa tabi.

Lumakad na ako paalis.


"Teka! Hintayin mo ko."Sabi ni Xan

Hindi nalang ako lumingon sa kanya at patuloy na lumakad. Sa paglalakad ko napansin ko na parang wala si Xan sa likod ko kaya lumingon ako sa likuran ko at tama nga na wala si Xan. Hinanap ko kung nasaan si Xan kaya bumalik ako.

Nasaan na siya? Iniwan niya ba ako?

Tsk!


Bumalik ako sa gift shop para tingnan kung nandun si Xan dahil dito ko huling narinig na tinawag niya ako.
Kaso wala si Xan dito.

Tatawagan ko na nga lang siya.

Kukunin ko palang ang cellphone ko ng biglang lumabas si Xan sa gift shop na may hawak na paper bag na katulad ng paper bag na binigay ko sa kanya kanina.
Tiningnan ko ang lugar na pinagtapunan ko kanina ng keychain pero wala na doon yung paper bag.

Hindi kaya kinuha ni Xan?

"Oh.. bigay ko sayo." Sabi ni Xan na binibigay ang paper bag.

Binuksan ko kung anong laman nito at isang bracelet na ina'adjust ang binigay niya.

Tumingin ako sa kanya pero nakakunot ang noo niya.

Anong problema niya.


"Sege na isuot mo na yan. Kinuha ko na rin yung bigay mo."Sabi ni Xan kaya napangiti ako at isuot ang bracelet.

Hayy naku.. na guilty pala siya.




2:40p.m.


Medyo bored na si Xan at nakaupo nalang kami sa loob ng Internet Café habang nagbabasa ng libro. Pasimple ko syang kinukuhaan ng picture at kapag lilingon siya nagkukunwari akong nagselfie.

Hayyttsss ang tagal naman mag 5:00p.m.

"Bored ka na ba Xan?"tanong ko.

"Kanina pa... Gusto ko ng umuwi o pumunta sa bahay ni Bianca."Sabi ni Xan.


Sinasabi ko na nga ba at bored na siya.

"Nakarating ka na ba sa bahay?"tanong ko.

Sira ka ba April.. Malamang hindi niya pa napupuntahan  yun.

"Hindi pa saan ba yun?"

Good idea... Bakit hindi kami pumunta doon kaso hindi ko alam kung wala doon si Mama.
Uhmm... Si Mako...

"Wait lang i'check ko lang wala si Mama doon sigurado akong hindi ako makakalis doon kapag nandun siya."Sabi ko at agad na tumawag kay Makoto.



Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon