Chapter 13

93 18 2
                                    

April POV

Medyo abala kami ngayon nina Xan at Bianca sa pag aayos ng gamit sa kotse ni Bianca. Papunta kasi kami ngayon sa Resort ni Felix for three days para sa sem break para makapag relax.

"Ano ba yan Xan... Bakit nilagay mo ang laptop ko sa ilalim?"bulyaw ni Bianca kay Xan.

"Alisin mo nalang."

"Nakakainis ka talaga!"

"Ewan ko sayo."

Ayan na nga po nag tatalo na silang dalawa. Bulyaw doon bulyaw dito. Tumayo ako sabay takip sa bibig ni Xan ng tinapay samantalang si Bianca hinigit ko na papasok ng kotse. Si Xan naman ang mag d'drive kaya okay na nasa likod kaming dalawa ni Bianca.
Nag kwentuhan nalang kaming dalawa dito sa likod ni Bianca.

"Sino ba yung best friend?"tanong ni Bianca.

"Don't ask anything Ms. Pogi Hunter."singit ni Xan kaya sinipa ni Bianca yung inuupuan ni Xan.

"Ano ba naman Bianca nag d'drive ako. Sisipain kita." Bakla talaga itong si Xan papatulan pa si Bianca.

"Ayan na naman kayo.. Tama na yan... Mamaya makikilala mo rin siya." Sabi ko kaya huminto silang dalawa.

Medyo isang oras na kami na nasa byahe ng makarating kami sa Resort. Agad kaming bumaba ni Bianca dahil sa laki ng Resort nila Felix. Nasaan kaya yun?

Teka!

Lumilindol ba?

Bakit parang umuuga ako?? Grabe nahihilo na ako..

"April... Siya yung sinasabi ko sa'yo na crush ko!!!"

Anak ng... Si Bianca pala itong umuuga sa'kin.. tiningnan ko kung sino ang misteryosong lalaki na yun.

Shete!!! Yan ba?
Anak ng palaka! Si Felix pala ang tinutukoy niya?

Tumakbo papalapit sa'kin si Felix at agad na tinakip ang dala niyang towel sa legs ko. Nakalimutan ko na naka short lang pala ako dahil nasa beach kami of course nakashort ako.

"Lakas maka'protective ahh"singit ni Xan sabay akbay sa'kin.
"Nandito ka pala?"sabi ni Felix kay Xan.

"Yesh baby... By the way si Bianca pala best friend ko."sabi ni Xan pero tumago lang si Bianca sa likod nito. Parang kanina lang excited siya kay Felix ngayon naman tumatago siya.

"Bianca?? Bianca Mortel? Is that you?"

E? Kilala niya si Bianca? Kaya ba hindi sinasabi sa'kin ni Bianca yung crush niya.? Lumitaw si Bianca sa likod ni Xan sabay ngiti kay Felix.

"Hello? Magkakilala pala kayo ni April?"sabi ni Bianca.

"She's my best friend.. ohh let's go inside.. Tara April.."

Agad akong hinigit papasok ni Felix habang si Xan at Bianca nakasunod sa amin. Grabe ang ganda talaga dito. Second time ko na pumunta dito. Sobrang ganda talaga.
Hinigit ko naman si Bianca papunta sa dagat para lumangoy.










Xan POV



Naiwan kami ni Felix dito sa rest house habang ang mga tauhan nila ang nag aayos ng pagkain sa lamesa. Umiinom lang ako ng juice at hindi milktea. Nakatingin lang si Felix kay April habang nakikipag bonding kay Bianca. Talaga naman na may gusto siya kay April.

Sandali itong lumingon sa'kin nung tumunog ang cellphone niya na nakapatong sa tabi ko.

"Ohh Sandra?"

Umalis ito at may kinausap.
Tama ba? Sandra ang pangalan ng kinausap niya.? Last time nabanggit nung kambal na kalaro namin sa Park ang pangalang Sandra?
Pagbalik ni Felix umupo ito at tumingin sa'kin.

"Kamusta si April sa bahay niyo?"tanong nito.

"Nakikita mo naman na okay siya, teka sino yung kausap mo?"

"Si Cassandra Montes? You know about her right? 2years ago?" Nagulat ako sa sinabi niya.

Alam niya ang tungkol kay Sandra. Paano? Don't tell me na sa MonteCarlo Academy ang school niya. Malamang dahil doon nag aaral si Sandra pero hindi ko naman siya nakikita sa Campus.

"O I see.. Ikaw nga yung ----"

"Shut up! Felix! Don't say anything or else I will tell to April your secret feelings."

Nanahimik si Felix pero napangisi nalang ito habang umiinom ng juice. Ibang klase ang lalaking ito. Marami siyang alam and I think he know about me.

Ilang sandali dumating si Bianca sabay sikbay sa'kin. Napansin ko na hindi niya tinitingnan si Felix, isa pa ang babaeng ito may gusto rin siya kay Felix. Hayyttsss nakakatuwa lang at napakadaling malaman ang tinatago nila.


"Excuse me... Kakausapin ko lang si April."Sabi ni Felix na may dalang towel.

Makaakto naman itong si Felix daig pa ang jowa.Sa bagay magiging mag asawa naman sila ni April.

*Sigh

Napabungtong hininga si Bianca matapos makita si Felix na nilapitan si April. Mukhang okay naman sila pero hindi okay kay Bianca. Ayaw ko na makita si Bianca na nasasaktan dahil mahalaga na rin siya sa'kin dahil kaibigan ko siya.

Inakbayan ko siya at pinisil ang pisngi.

"Aray!! Pwede ba!"

"Pwede ba wag kang nega d'yan. Alam kong gusto mo si Felix pero hindi ka dapat umaasa ng ganyan. Gusto mo bang mapalapit kay Felix? I will help you."sabi ko.

"And how?"

Ngumisi ako sabay tingin sa dalawa ni Felix at April. Sa totoo lang mabait si April at mukhang dapat gumawa na ako ng plano para mapasaya si Bianca.

Iniwan ko saglit si Bianca sa rest house para puntahan si April for my plan. Agad akong umakbay kay Felix at agad naman niya akong tinulak palayo. Apakaarte ng isang ito.

"Pwede ba magpakalalaki ka naman kahit ngayon lang! Kinikilabutan ako sayo."natawa ako sa sinabi ni Felix pero imbes imikan ko pa siya nilingon ko si April.
Nag wink muna ako bago nilingon muli si Felix with my fabulous moves.

"May date muna tayo doon."hinigit ko si April patayo. "Felix pakisamahan si Bianca sa rest house."dagdag ko.

Hinawakan ko ang kamay ni April para magselos si Felix
sa amin. Nagulat naman si April sa ginawa ko pero ng makalayo na bumitaw na rin ako.
Hindi ko hahayaan na ma'carried away si April sa plano ko.Kailangan ko siya para kay Bianca at tutulungan ko na rin siya para hindi mapakasal kay Felix tutal ayaw niya naman nun.

"Anong problema?"

Umupo ako sa buhanginan at agad naman sumikbay si April sa'kin.

"Gusto mo ba si Felix?"tanong ko.

"Anong klaseng tanong yan? Best friend ko lang si Felix."agad na sagot ni April.

"Pwede mo ba akong tulungan? "

"Saan?"

"Ganito kasi... Alam mo naman siguro na may gusto si Bianca kay Felix gusto ko sana na mapalapit si Felix kay Bianca para sa ganun...magkakagusto si Felix kay Bianca at hindi ka na niya mapapakasalan dahil si Bianca ang gusto at hindi ikaw.."

"HOY!! GOOD IDEA!!"Sabi nito sabay hampas sa'kin.

Sabi ko na nga ba kakagat sa plano si April pero ang sakit ng hampas niya.Hayyttsss naaawa naman ako kay Felix dahil wala ng pag asa kay April. Kahit ako pa ang magiging dahilan kung bakit hindi sila magkakatuluyan.

Hayyttsss di bale na.

*************

Vote and comment

Hoy!Bakla!Mahal Kita(Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon